Administrasyong Lacuna binigyan Seal of Financial Good Housekeeping ng mga Directors ng DILG NCR?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Usap-usapan ngayon sa Maynila, ang kontrobersiyal na pagkakaluob nila DILG Regional Director Maria Lourdes Agustin, CESO III at ni DILG Manila City Director John Visca ng ng Seal of Good Financial Housekeeping ng DILG sa Administrasyon ni Dra. Honey Lacuna nitong buwan Marso sa Kartilya ng Katipunan.
    Kinukwestyon ng mga Manilenyo ang pagkakatanggap ng Administrasyong Lacuna ng ganitong klaseng parangal gayung kaliwa't kanan ang mga kasong nakabinbin sa buong Asenso Manilenyo sa Ombudsman dahil sa Anti-Graft and Corruption Cases. Kabilang din sa mga isyung kinakaharap ngayon ng Administrasyong Lacuna ay ang usapin ng iligal na koleksyon ng NCAP, Parking Fees at Business Permits, double at overnight Parking fees, overpriced na christmas decors, overpriced na field trip ng mga Daycare centers at ang hindi makataong pagsingil ng vendors fee.
    Ang Seal of Good Financial Housekeeping ay isang parangal na nagpapatunay na ang isang lokal na pamahalaan ay mahusay na pinangangasiwaan ang kanilang city budget, na alam ng buong lungsod ng Maynila na taliwas ito sa tunay na nangyayari sa ilalim ng pamumuno ng Administrasyong Lacuna.
    Sa palagay ninyo anong dahilan kung bakit pinagkaluoban ng Seal of Good Financial Housekeeping ang Administrasyon ni Dra. Honey Lacuna?
    #ManilaUpdate #SealOfGoodHousekeeping #CESODirectors #OneManila

Komentáře •