Hanggang Sa Makalaya Ka (Spoken Word Poetry)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 25. 08. 2024
  • #HanggangSaMakalayaKa #SpokenWordPoetry
    Hanggang Sa Makalaya Ka
    Ilang taon na rin ang nakalipas
    simula nang ikulong ka niya
    Sa rehas na kandado
    At ang susi lamang ay ikaw
    Pero nanatili ka dito
    Sapagkat takot kang kumawala
    Dahil 'di ka sigurado kung dapat na ba ulit magtiwala
    Ilang taon ka nang hindi makalabas
    Simula nang hinayaan ka niya
    Ang rehas ay pagkabigo
    At ang susi lamang ay pagtayo
    Ngunit nanatili kang nakaupo
    Sapagkat takot kang lumaban
    Dahil 'di ka sigurado kung muli kang maiisahan
    Ilang taon ka nang hindi makausad
    Simula nang pigilan ka niya
    Ang rehas ay ang nakalipas
    At ang susi lamang ay pagkalimot
    Ngunit hindi mo 'to ginawa
    Sapagkat hindi ka pa handa
    Para maging bakante ang diwa sa panibagong mga alaala
    Ilang taon ka nang tahimik
    Simula nang talikuran ka niya
    Ang rehas ay ang mga tanong
    At ang susi lamang ay sagot
    Ngunit hindi mo ito hinanap
    Sapagkat takot kang marinig
    Ang mga dahilan kung bakit ka na niya hindi inibig
    Ilang taon ka nang lulong sa kaniya
    Simula sa kaniyang pagkawala
    Ang rehas ay ang galit
    At ang susi lamang ay pagpapatawad
    Ngunit hindi mo pa ito maibigay
    Sapagkat takot kang muling masugatan
    Kung hahayaan na maghilom ang pusong iniwanan
    Ilang taon mo nang pinipiling hindi maging masaya
    Simula nang ipakilala niya sa'yo ang pag-iisa
    Ang rehas ay ang pagkawasak
    At ang susi ay pagtanggap
    Ngunit hindi mo 'to gustong makuha
    Sapagkat takot ka, na sa iyong pagkabuo
    Ay muli kang masira.
    Ilang taon ka nang nasa kaniya
    At ilang taon na rin akong nandito sa'yo
    Naghihintay sa labas ng rehas
    Sa iyong pagbukas
    Na baka bukas
    Ay gamitin mo na ang susi para muli kang makalabas
    At nang sa wakas
    Ay piliin mo nang hawakan ang aking mga kamay
    Maglalakbay tayo sa kung hanggang saan ang lawak ng mundo
    Ipapasyal kita sa kalawakan, at ililigtas sa gitna ng kawalan
    Hindi na kita hahayaang bumalik
    Magiging tahanan mo ang aking mga halik
    Dito ka magpapahinga
    Dahil alam ko na masyado ka niyang pinagod sa paghikbi
    Bakas sa 'yong mga mata
    Ang pamamaga na sanhi ng mga luha
    hindi na kita hahayaang umiyak pa
    Dahil sa kaniya
    Sapagkat ipaparamdam ko sa'yo
    Na sa piling ko, ay mas ligtas ka.
    Pero habang hindi ka pa handa
    Ay iintindihin kita.
    'Wag kang mag-alala,
    Mahal, maghihintay ako
    Hanggang sa Makalaya Ka.
    --
    For more updates, follow me on my social media sites listed below:
    FACEBOOK PAGE: / bcumla
    TWITTER: / beverly_cumla
    INSTAGRAM: @beverlycumla
    JOIN OUR FACEBOOK GROUP AND BE PART OF THE BEVIES:
    / 11935. .
    For business purposes, email me at:
    beverly.cumla@gmail.com -
    -
    #BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Komentáře • 73

  • @beverlycumla
    @beverlycumla  Před 4 lety +63

    Don’t pressure yourself. ‘Wag kang lalabas nang hindi ka handa. Maghihilom ka rin. ❤️

    • @sammylovevlog9255
      @sammylovevlog9255 Před 4 lety

      Relate :'(

    • @sammylovevlog9255
      @sammylovevlog9255 Před 4 lety +1

      2years ago hanngan ngaun diparin ako handa baka masaktan ako ulit :'(

    • @jenetartagame2407
      @jenetartagame2407 Před 4 lety

      Nakakaiyak ang hugot na ito,ang sarap mag mahal na may ganitong klaseng tao,na sa hirap ng pinag dadaanan ng mahal nya,at naghihintay syang mabuksan ang mga rehas,dito lang ako nabagbag ng kalooban,sa hugot mo Idol👏🏻👏🏻👏🏻❤❤❤sana nga magkita na sila ng mahal nya sa kuwento ng tula mo idol 😢😘👏🏻👏🏻👏🏻

    • @roselapuz7298
      @roselapuz7298 Před 4 lety

      Ate bevs sobrang thankyou po sa mga ginagawa nyong SWP sobrang nakatulong po saken Reliza lapuz poiyo

  • @andriopina7703
    @andriopina7703 Před rokem

    Indi parin makakamit Ang tunay na kalayaan kapag Indi talaga makikila Ng tunay na lubusan Ang Panginoon na sya ay tunay na mapapalaya SA ano mang gapos Ang nakagapos SA atin
    God bless Po

  • @jenlaypage8037
    @jenlaypage8037 Před 4 lety

    Halimaw ka po ate bevs 👏👏👏

  • @princessala4794
    @princessala4794 Před 4 lety

    Galing galing nyo po Talaga 😍

  • @CarloPeros
    @CarloPeros Před 4 lety

    Solid bawat salita sa linya
    Talagang nakakahalina

  • @jadal21
    @jadal21 Před 4 lety

    Galing mo. Nman friend.. Nkakaiyak nman.. Idol n kta..

  • @jassygaming9389
    @jassygaming9389 Před 4 lety

    Relate much po ako.

  • @shatznayramos2162
    @shatznayramos2162 Před 4 lety

    Ang gandaaaa sobraa 🥺

  • @sansan5826
    @sansan5826 Před 4 lety

    Ang galing nyo Po ate😥😭

  • @donatojohnelmar2098
    @donatojohnelmar2098 Před 4 lety

    Ganda ate bevz❤️

  • @crudadonnajanec.7182
    @crudadonnajanec.7182 Před 4 lety

    Patagal ng patagal gumaganda ka talaga ate bevs💛💛

  • @cielokcezar
    @cielokcezar Před 4 lety

    Ang ganda po always. Ms. Bevs sinusubukan ko na ring gumawa ng tula and soon spoken poetry nman. Grabe po kayo emosyon at pyesa super ganda!

  • @kikosdrive7137
    @kikosdrive7137 Před 4 lety

    kakalungkot

  • @sophiataha4157
    @sophiataha4157 Před 4 lety

    ❤️❤️❤️

  • @crisantobriones8943
    @crisantobriones8943 Před 2 lety

    Nice

  • @nicojameslapore5874
    @nicojameslapore5874 Před 4 lety +1

    👏👏 sobrang naiinspire ako sa mga piyesa niya. And I turned out writing my own pieces😊

  • @marah2022
    @marah2022 Před 4 lety

    Isang paalala nanaman, salamat. ❤️

  • @arlenemontano6887
    @arlenemontano6887 Před 4 lety

    Lumaya ka nga ngunit di pala para sa akin😢

  • @ellabandiola1715
    @ellabandiola1715 Před 4 lety +9

    Ate bevvv gawa ka po ng tula about sa relasyong walang kasiguradohan :

    • @jennyvalenzona6668
      @jennyvalenzona6668 Před 4 lety

      Please ate request ko din to

    • @jeffreybajaro5406
      @jeffreybajaro5406 Před 4 lety

      "Yung feeling na naghihintay ka
      Habang siya may hinihintay na iba
      Pero IKAW patuloy pa ring umaasa
      Na balang araw IKAW Naman ang mamahalin niya"

  • @allynnahpalma115
    @allynnahpalma115 Před 4 lety

    Ate Bevs, the best ka talaga. Thank you sa pag inspire. Sana gawa ka pa marami dahil madadami kang napapasaya at naiispire♥

  • @chynnalacanaria3308
    @chynnalacanaria3308 Před 4 lety

    Thank you as my inspiration❤

  • @roggieb8656
    @roggieb8656 Před 4 lety

    I think its time..

  • @samvillavicencio3120
    @samvillavicencio3120 Před 4 lety +1

    Galeng❤

  • @angelicarona5946
    @angelicarona5946 Před 3 lety

    I love This Poerty
    Great Video
    Thank you For This Video
    ❤️❤️😍😊👏
    9/20/20
    Sunday
    5:53 Pm

  • @cajczar2427
    @cajczar2427 Před 4 lety

    Ang ganda po 😍

  • @frankieterrifictv
    @frankieterrifictv Před 4 lety

    Aww baaakkkkeeettttt gannnnuuuunnnn relaaaaateee ako sooobbbbrrrraaaaa 😭😭😭😭😭

  • @hannahkimchi6143
    @hannahkimchi6143 Před 4 lety

    Relate ako!! love u lods

  • @jullymarangga9962
    @jullymarangga9962 Před 4 lety

    Yes Ate. Totoo talaga toh... that was me nung umaasa lang pala ko sa wala, sabi niya sakin dati mag hihintay siya.. nag hihintay lang pala ko sa wala.. then takot nako mag mahal ulit pero totoo yung sinabi ni ate na may nag aabang lang sayo hanggang sa makalaya ka... then nung inopen ko yung heart ko, Kinalimutan ko lahat then chara nakilala ko na siya.. yung nag bago ng pananaw ko na hindi ako nag iisa... then baka ito yung narealize ko "HINDI LANG SIGURO TALAGA KAMI PARA SA ISA'T ISA"

  • @amelscastillo
    @amelscastillo Před 4 lety

    hindi ko alam kung bakit ako naghihintay kahit maliwanag na wala akong hinihintay, dahil ang sabi mo gusto mo ako pero mahal mo siya

  • @julianab.tenajeros2509

    ka-proud talaga,galinggggg 😩❤

  • @franche2283
    @franche2283 Před 4 lety

    ate bevs ily

  • @ajdeya4810
    @ajdeya4810 Před 4 lety

    Ate bevs, sobrang nakarelate ako 😅

  • @brionbriones4959
    @brionbriones4959 Před 4 lety

    solid tagos ikaw lang inaabangan ko mag uppear sa notif k eh hehe salamat sa mga new video ingat po Godbless ❤️❤️❤️

  • @ashleyparayno4673
    @ashleyparayno4673 Před 4 lety

    Iloveyou ate bevvv🖤

  • @aljamilkamsa4596
    @aljamilkamsa4596 Před 4 lety

    Your the one inspired me💓ate bevs.

  • @jeffreybajaro5406
    @jeffreybajaro5406 Před 4 lety +7

    "PALIMOS"
    May hindi pa ba ako nagagawa?
    Para pansinin mo itong pusong nagwawala
    Araw-araw pinipilit kong kumawala
    Para sa pag ibig at dina masyadong lumala
    Palimos naman ng oras mo
    Kahit isang segundo lang o kaya isang minuto
    Gusto ko lang naman ng konting atensyon mo
    Gusto ko lang sabihin na mahal dito kapa rin sa puso ko
    Mahal palimos naman ng pagmamahal
    Hindi ko na alam Kung hanggang saan to magtatagal
    Ang pagmamahal na tila iyo ng pinagbawal
    Andito lang ako maghihintay kahit na matagal
    Mahal andito lang ako sa likod mo
    Kung nahihirapan ka andito lang ako makikinig sayo
    Pupunasan ka sa tuwing papatak ang luha mo
    Dahil mahal hinihintay pa rin kita dito sa aking palasyo
    Sayong pagbabalik hayaan mong ikay sunduin
    Dahil mahal ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin
    Kaya sana mahal ako pa rin ang iyong piliin
    Wag mo sanang sabihin na" hindi na kita muling iibigin"

  • @marieltungul9505
    @marieltungul9505 Před 4 lety

    ❣️

  • @jenkiebeso5074
    @jenkiebeso5074 Před 4 lety

    Isa siyang realization na di mo dapat hahayaang nakakulong ka lang sa nakaraan sa pain na iniwan sayo ng tao kasi di yun katapusan , still may mga Tao padin na kaya at handa kang hintayin at patunayan na Mahal ka talaga🤩🤗 Thankyouuu ate bevs loveyouu po🤩🤗 keep safe po more spoken pa po💖💞

  • @jhiemalynronquillo4499

    galing ate Beverly😍💖

  • @diannedagsil4209
    @diannedagsil4209 Před 4 lety

    Introooo pa lang ang sakiiiit naaa😭😭

  • @lorrainneubias1384
    @lorrainneubias1384 Před 4 lety

    Thanks sa tulang Ito ate beverly😘you really inspired me♥️

  • @xyraali3782
    @xyraali3782 Před 4 lety

    IdoL request akO saYo
    .
    .naG maHaL sa ML

  • @erinmargarett
    @erinmargarett Před 4 lety

    saket namannnn po ateeee💔

  • @mariachristinaoliviasworld7210

    #Rylemie 🖤🖤🖤

  • @RedCreates
    @RedCreates Před 4 lety

    Hello po idol. nakaka relate ako sa bawat linya ng mga tula mo. Continue to inspire others. At sana marinig din ng madaming tao ang mga gawa kong spoken word poetry balang araw. Ingat po. Godbless :)

  • @olicendana8959
    @olicendana8959 Před 4 lety

    galeng talaga ate!!! ❤❤❤

  • @anverarellano2821
    @anverarellano2821 Před 4 lety

    Ang sakit po sobra ate beverly💔

  • @sherlynmaemendoza7427
    @sherlynmaemendoza7427 Před 4 lety

    May mga tao talagang ayaw kumawala sa pag-ibig na nafail sapagkat may katiting na pag-asa pa silanh hinahawakan na baka sakali... Baka sakaling maibabalik pa ang dati..
    and that's me :)

  • @LollipopDeckz
    @LollipopDeckz Před 4 lety

    Bakit ganun ate Bev? Halos lahat ng spoken word poetry mo po sapul na sapul sa akin huhuhuhu

  • @joylyn8226
    @joylyn8226 Před 4 lety

    Shakeeet nman😭😭😭
    pwede po ba ung di naman masaket char hahahaha.
    ang galing nyo po tpos ang ganda pa😍

  • @alexkilam4892
    @alexkilam4892 Před 4 lety

    Tagos na tagos. Parang ako mismo yung taong natatakot mag bukas ng pinto😢😢😢.

  • @sammylovevlog9255
    @sammylovevlog9255 Před 4 lety

    I Love Your Background :)

  • @sherlynmaemendoza7427
    @sherlynmaemendoza7427 Před 4 lety +1

    "Kung may kaibigan kang nakakarelate, e tag mo sila dito"
    Ahhhmmm should I tag myself? Hahahaha

  • @joshuacolina6524
    @joshuacolina6524 Před 4 lety

    Ate Bevs! Call me gay pero siya parin talaga. Siya parin Mula nung iniwan Niya ako 2 years ago at sila parin nung pinalit Niya sakin 2 years ago. Siya parin talaga. I'm a teacher now pero siya parin. Graduate na siya NG education din pero sya parin. Sya parin hangang sa huli.

  • @ericasolis790
    @ericasolis790 Před 4 lety

    Ate gawa ka po na ang title ay"bakit ikaw pa"

  • @pamdriz7559
    @pamdriz7559 Před 4 lety +1

    Awtss ito talaga kailangan ko ngayon! Ty po ate😍😭

  • @jenkiebeso5074
    @jenkiebeso5074 Před 4 lety

    Ate bevss bat ang sakit 😭😭 intro palang 😔

  • @markleemadriaga3993
    @markleemadriaga3993 Před 4 lety

    Pano po kung hinihintay ko yung taong sinaktan at iniwan ko na bumalik?☹

  • @rheapsc_
    @rheapsc_ Před 4 lety

    i tag myself, ate. :---(

  • @RougeCeniza
    @RougeCeniza Před 4 lety

    Hello guys, Ate Beverly Cumla ay isa sa naging inspirasyon ko sa pag susulat ng tula o spoken word poetry, kindly check my original composition too. czcams.com/video/leCgc677b9c/video.html

  • @renelizacorpuz7064
    @renelizacorpuz7064 Před 4 lety

    BAT ANG SAKIT😣😭

  • @_dinahroseguirnaldo265

    Ate pa request po. Pleaseee! Sana mapansin niyo tong comment ko.
    Paano ba ibalik ang tiwalang minsan ng nasira? Maraming salamat po! God bless🤗❤️

  • @pilartaharleyg6457
    @pilartaharleyg6457 Před 4 lety

    Ate beverly sumulat ka nga tungkol sa aming mga LGBTQA community na nagmahal pero pinagpalit parin.
    Kasi sa akin po may bf ako noon na 1 year and 10 days at first ung relationship namin secret lang pero nung tumagal naopen namin sa mga family at kaibigan nya and suddenly iniwan nya parin ako kasi bumalik ung ex nya kaya nagparaya na lang ako. Ate please notice me

  • @chelseamaefernandoaranges518

    Tagging myself 😂