Video není dostupné.
Omlouváme se.

⏪25 MEMORIES NG KAPASKUHAN MO NA MAGPAPANGITI SA'YO! | Batang 80's, 90's & Early Y2K 🎅🏽🎄❄️🌟😎

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 13. 10. 2022
  • KAPASKUHAN TIME TRAVEL!!!! Naku heto na my friend ang pinakamasaya at pina-nostalgic na okasyon na hinihintay mo taon-taon nung bata ka pa. Sa time travel nating ito ay ibabalik ka sa dating pakiramdam ng kagalakan tuwing ipinagdiriwang ang Kapaskuhan. Naaala mo ba nung hinabol kayo ni doggie nung nag- caroling, yung Christmas tree nyo na yari sa sanga ng bayabas, dating parol ninyo na yari sa dayami or any recycled materials, nung nagsabit ka ng medyas dahil paniwala ka kay Santa Claus tas kinabukasan meron ngang laman! Yung antok mo sa simbang gabi, yung maraming handa sa noche buena na feeling mo ang yaman-yamna ninyo, yung pagtatago ni ninong at ninang, yung mga Christmas songs sa radyo kapag sumapit na ang Bermonths, naku marami ka pang babalikan sa iyong kabataan. Nawa'y magustuhan mo yan, dahil kwento natin lahat yan sapagkat nais lang natin ipakita sa mundo na minsan rin tayong naging bata at hindi lang basta dating bata kundi Masayang bata. Maligayang Pasko sa iyo my Nostalgic friend!
    ⏪ If you're new here, pleaseeeee be a friend ONLY here if you have checked out this channel and you really do ENJOY watching them. Hope you'll like it! if you do, welcome na welcome ka dito my friend! Salamaaaaaaaaat! :-)
    ........................................
    #DaltonChannel #DaltonNostalgia #NostalgicPinoy #TimeTravel #NostalgicList #Timeline #Evolutionof #ListahanNiDalton #Kapaskuhan #pasko #merrychristmas #PinoyChristmas #Batang80s #Batang90s #Batang2000s #Batangy2k #MaligayangPasko #MonitoMonita #NocheBuena #Pilipinas #JesusChrist #HesuKristo #December25 #jmc #josemarichan #christmasplaylist #christmas2022
    ---------------------------------------------------------------------------------------------------
    🎯 Wa-paaak! 'tol pay visit ka naman sa mga astig na channel na 'to. namimigay ng aginaldo mga 'yan ehehe
    Alam N'yo Ba 'To?
    bit.ly/2Y4tSgA
    Bulalord:
    bit.ly/2GkNg2R
    MUSIC ATTRIBUTION:
    Canon and Variation by Twin Musicom is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 license. creativecommon...
    Artist: www.twinmusicom...
    FairyTale Waltz by Kevin MacLeod is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 license. creativecommon...
    Source: incompetech.com...
    Artist: incompetech.com/
    Jingle Bells 7 by Kevin MacLeod is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 license. creativecommon...
    Artist: incompetech.com/
    Sipag mo talagang magbasa my friend! Thanks for reading :-) Merry X-mas!
    updated today: BER MONTHS na! It's October 17, 2022 Monday 5:34 pm
    Christmas 2023
    1. Nagsisimula ang excitement mo sa kapaskuhan kapag maririnig mo na sa mga matatanda ang "Ber months"
    3. May project kayo sa Music na gagawa kayo ng Christmas Song Lyrics tapos enjoy ka kasi magdi-design at magdodrawing ka ng poinsenttia, si santa Claus, Si rudolf, si Snowman, Yung Christmas Bell at christmas tree na may regalo pa sa baba.
    5. Gustung-gusto mo ang mga illustrations ng kapaskuhan sa mga christmas cards. Sarap sa pakiramdam noon na makakita ng mga ganyan.
    7. May mga paputok na nagtitinda na rin at pinaniniwalaan ng pantaboy ng masamang espirito. Madalas sa mga probinsya ganito ang paputok nila.
    9. Aliw na aliw mong pinapanuod ang christmas lights ng kapitbahay nyo, Yung iba-t ibang pagsayaw ng mga ilaw ng mga ito habang tumutunog yung mga awiting pamasko.
    10. Gumagawa tayo ng sariling christmas tree na di na kailangan bumili or di magastos.
    12. Yung masaya kayong maglilinis ng classroom, pati yung nag-eescape palagi ay tutulong sa pag-aayos ng mga upuan kase bukas ay christmas parteeeeyyy!!
    13. Tapos di ka pa makatulog nang maayos kasi bukas na ang pinakamasayang araw na hinihintay ng mga batang kagaya mo.
    14. Tapos magkikita kayong mga kaklase mo, pagandahan at papormahan ng sinusuot kasi ngayon ang araw na magkikita kayong disente at bago ang damit.
    16. Monito-monita, exchange gifts rin masaya, tas tatawagin ang pangalan ng magpapalitan ng regalong dala.
    18. Nagsasabit ka pa nga ng medyas noon dahil paniwalang-paniwala ka kay Santa, lalo na nung kinabukasan ang sinabit mong medyas ay nagkaroon ng laman madalas pera.
    20. Syempre di mawawala ang mga ibat-ibang disenyo ng belenismo. Pagandahan pa ng belen bawat baranggay.
    21. Mga kababayan natin OFW sila-sila lang ang nagpapasko, inggit na inggit sa selebrasyon sa Pilipinas. Masaya kasi ang Pasko natin.
    23. Napaka solemn ng Simbang Gabi kinukumpleto talaga ng iba, Tapos kapag darating na ang pinakahuling gabi ay noche buena naman. Sa Noche buena ang pinakamasayang bahagi kasi may handa gaya ng hamon, kastanyas, puto bumbong, mga prutas, iba-ibang kakanin, Keso de Bola, naku napakarami!
    24. Sa pagsapit ng pasko, isusuot mo ang bagong damit. Pormahan na naman kayo ng mga kalaro, makikita mo nanaman ang mga kalaro mo at naninibago kayo sa isa't isa dahil disente ang mga suot ninyo at malilinis.

Komentáře • 166

  • @DaltonChannel
    @DaltonChannel  Před 3 měsíci +2

    ⏪Mahilig ka ba sa lumang patalastas? Subscribe here, DALTON CHANNEL TVC: czcams.com/channels/EbviVYLc87GSxm6uKp8iGg.html

  • @wackymeil1981
    @wackymeil1981 Před rokem +8

    Yung christmas noon at ngayon
    Iba ang pakiramdam
    Mas maganda pa rin yung paano mag celebrate ng Christmas noon
    Ang sarap sa pakiramdam
    Pag naaalala mo

  • @shigeokageyama3570
    @shigeokageyama3570 Před rokem +27

    HIndi na ako bata pero Pasko pa din ang pinaka paborito kong okasyon. Kahit 'di na kasing saya noong mga nagdaang Pasko dati pero iba rin talaga ang ligayang dala ng kapaskuhan. Salamat Dalton Channel sa maagang nostalgic Christmas Compilation

  • @makeitbig1291
    @makeitbig1291 Před rokem +3

    Salamat sa Simbahang KATOLIKO, ang tanging nagpapahalaga sa kaarawan ni Hesus.

  • @arlenemanila617
    @arlenemanila617 Před rokem +8

    bumalik ako sa aking kabataan noon sa olonggapo, super happy at masarap ang feelings na manatiling bata walang problema na naiisip.

  • @elibertdagooc5916
    @elibertdagooc5916 Před rokem +6

    Nakakamiss mangaroling mga bata kmi..sarap balikan batang 90's😢

  • @AhmirTVVLOG
    @AhmirTVVLOG Před rokem +4

    nakakamiss ang kabataan natin panahong 90s ..

  • @bridgepaul112
    @bridgepaul112 Před rokem +4

    Mga unang taon ng Dekada Noventa ang pinakahuli na at pinaka Msaya Madadama mo ang Tunay na Diwa Simoy ng Paskong Pinoy na nanawawala na sa ngaun. Haysss suwerte pa tyong mga Batang 90s na feel pa ntin yun panahon na masaya Ang Pasko..

  • @kristianpaulom.vergara2583

    Mas masaya talaga nun lalo nun 90s , kahit maraming pa ilaw ngayon, mas iba parin talaga un nuon, mas ma fifeel mo na papasko na. Sarap palagi isipin na kung pede lang makabalik sa panahon ng kamusmosan, panahong bata at walang pinoproblema. Salamat sa masasayang alaala ng kabataan Lord lalo nun 90s 🥲

    • @rcjglobal314
      @rcjglobal314 Před 10 měsíci

      Totoo bro 90’s ang pinaka masayang panahon para sakin, dahil dun mo ramdam na ramdam ang pasko, kahit pag pasok palang ng sept. masayang masaya na ang mga taon noon sa labas at mga mga nagpapaputok na hanggang umabot ang bagong taon,😢 nakakamiss lng sobra talaga yung mga panahon na yun😢

  • @shigeokageyama3570
    @shigeokageyama3570 Před rokem +7

    Naalala ko yung mga pa-project na parol nung elementary, tas yung paggawa ng Christmas Cards. Nakakamiss ng sobra. Lalo na kapag malapit na ang Christmas Party, ilalagay na sa bawat gilid yung mga upuan tas magle-lettering na ng Merry Christmas and Happy new year si Ma'am. Hays. Ang sarap balikan ng nakaraan.

  • @mikeytv6360
    @mikeytv6360 Před rokem +7

    Ibang iba talaga ang pasko sa pinas😇🎄🎄miss ko yung pakiramdam nung child days pako pag sasapit ang pasko😌😇

  • @DaltonChannel
    @DaltonChannel  Před rokem +23

    ⏪Ano sa dayalekto/salita ninyo ang "Merry Christmas and a Happy New Year to you!" :-) 🎅🏽🎄❄🌟😎

    • @jerickamphibian
      @jerickamphibian Před rokem +1

      Malipayon nga Pasko, ngan Mainuswagon nga bag-o nga tuig! 🧑‍🎄🌲
      Waray-waray

    • @mg51
      @mg51 Před rokem

      Naragsak. A pascua ken naragsak nga baro a tawen. Kanyam / kenka

    • @maopascua9386
      @maopascua9386 Před rokem

      naimbag nga paskua ken naragsak nga baro a tawen sa ilocano..kaya araw araw sakin pasko😁

    • @JerardjrCots
      @JerardjrCots Před rokem

      Maupay nga pasko ngan mainuswagon nga bag-o na tuig ha imo dalton channel...
      Waray idol

    • @arwinacompetente6806
      @arwinacompetente6806 Před rokem

      Maupay nga pasko ngan mainuswagon nga bag-o nga tuig 😊

  • @Mark-be8yk
    @Mark-be8yk Před rokem +5

    Ibang iba pa ang pilipinas noon,nakakamiss lng talaga😌😌

  • @jrsarandona2617
    @jrsarandona2617 Před rokem +5

    nakakamiss ang maging bata 😂😂😂😂❤️❤️❤️ nostalgic tlga

  • @rodelquirante5487
    @rodelquirante5487 Před rokem +2

    Haha, mas masaya pasko noong elementary days namin, pagsapit ng 24, magpapaputok kami ng watusi at picollo, tas yung boga or boom boom sa ibang tawag na improvise na pampaingay haha, tas kinabukasan, todo pormado ka tas syempre di mawawala yung pupuntahan mo yung ninong at ninang nyo hahaha, tas itatago daw ni mama para di daw magastos pero scam pala hahahaha
    Hayys miss those days

  • @geronimobansale762
    @geronimobansale762 Před 7 měsíci +1

    hahaha ganyang ganyan ako nuong bata pa...pinaalala mo na naman pati tugtugan sa mga radyo at sa kapitbahay kapag ganyang panahon... pati mga krismas cards na napakagaganda ng illustrations, ung amoy ng mga krismas decors tinitinda sa kalye... yan ung mga panahon kumpleto pa kami ...😅😂😭😭😭

  • @noelriodique1316
    @noelriodique1316 Před rokem +4

    Salamat Dalton Channel. Naalala ko tuloy yung kabataan ko kakamiss. Sabagay hanggang ngayon may edad na ako ewan pero pag nakakarinig na ako ng mga awiting pamasko tapos lumalamig na simoy ng hangin may kakaibang ligaya tlaga sa loob ko

  • @markandrewsotoy7103
    @markandrewsotoy7103 Před rokem +1

    Eto lang yung youtube channel na pwede ka mag time travel sa pamamagitan ng panonood.
    Nakaka relax habang nagpapahinga ka after ng mga work.

  • @alq95
    @alq95 Před 10 měsíci +1

    early 90s pagsapit ng september may paunti-unting christmas songs sa love radio, at 102.7 gentle wind

  • @tonystarx4249
    @tonystarx4249 Před rokem +1

    Instead na masaya ako sa nostalgic. Eh mas nakakaiyak lalo nat naalala ko mga kapanahonan ng mga tropa ko habang papalapit ang kapaskohan. Walang kapantay na kasiyahan mararamdaman sa puso. 🎄

  • @RonzPlayz
    @RonzPlayz Před rokem +1

    yung christmas lights na tumutunog po kpag naririnig ko yung tunog ng christmas lights naaalala ko yung pasko ko nung bata pa ako.. masaya lng at walang iniisip na problema hehehe

  • @ericsondelossantos0094
    @ericsondelossantos0094 Před rokem +4

    Yung galak at saya na pakiramdam sa dibdib noong bata pa tuwing sasapit ang kapaskohan, still remains in our heart ❤️
    Spirit of Christmas 🎄⛄❄️🏔️🌟

  • @erenzed4028
    @erenzed4028 Před rokem +1

    Pinaka paboritong araw ko talaga sa buong taon ay ang kapaskuhan,,though hindi na sya tulad noon na sobrang saya,,pero iba talaga epekto sakin ng pasko,,nagkakaron ako ng pag asa pag pasko na.

  • @bossm5669
    @bossm5669 Před rokem

    Mas masaya tlga ang pasko nuong mga 90s kumpara ngayon hindi na ganun kasaya ang pasko ngayon, andami na kasing bawal isa na din jn yung paputok, at marami pa, at habang tumatagal maraming mga bagay sa pasko na nakasanayan na natin ang napapalitan at nawawala, dhil sa pg usbong ng teknolohiya, kya hindi mo na masyadong ramdam ang spirit of christmass ngayon, prang natural holiday nlng din, di tulad nuon na ramdam mo tlga ang pasko, nkakalungkot lng kasi yan nga lng ang tanging season na mag aalis tayo ng mga istress sa pang araw2 at buwan2 na pgtatrabaho natin eh tila nagiging malungkot nadin 😪 kya mas the best tlga ang christmas 90s 👍

  • @Modernilargitiovenator
    @Modernilargitiovenator Před rokem +7

    GUINNESS WORLD RECORD HOLDER FOR LONGEST CHRISTMAS CELEBRATION IN DA WORLD THE PHILIPPINES. 🇵🇭❤️🌍🎄

  • @sherwinbalanquit4696
    @sherwinbalanquit4696 Před rokem +1

    Lahàt Tagus sa puso ko, lahàt nag flash back sa isip ko ang kabataan ko tuwing pasko, bilis ng panahon parang kelan lang bata pa ako, ngayon 35 na ako🥺😁😄😅

  • @arwinpanlilio358
    @arwinpanlilio358 Před rokem +1

    Awiit bigla akong nahomesick firstime kong mag pasko nitong mag isa sa korea na di kapiling pamilya ko, 3weeks palang ako dito 4years pa bago maka uwi ulit hays. Merry Christmas Pilipinas missyou tang, ma. Proud Kapampangan

  • @baebomb19
    @baebomb19 Před 10 měsíci +1

    Nung radyo palang meron tanda ko non gigising ako ng 4 am para makinig ng christmas songs kasi sa ganong oras pinapatugtog sa mga radio stations yun non

  • @gloriavillanueva7549
    @gloriavillanueva7549 Před rokem +2

    Masaya talaga pag sasapit Ang pasko kahit may problema

  • @younusjoseph9502
    @younusjoseph9502 Před rokem

    Kung pwede ko Lang balikan ang panahong ito kung kelan buhay pa ang Lola ko, mga titot tita ko..! Salamat sayo na nag post nito.

  • @azecquielangelosednoc8163
    @azecquielangelosednoc8163 Před 5 měsíci +1

    batang 90s ang pinaka swerte sa lahat ng henerasyon kasi lahat ng magagagandang alala ay naranasan.. iba talaga mga batang 90s

  • @jersonmurillo5995
    @jersonmurillo5995 Před rokem

    Sa lahat n yata ng okasyon eh pasko talaga ang paborito ko hai nko miss ko n din ang kabataan ko ksama mga kaibigan.🥰🥰🥰🥰

  • @paopaotv2884
    @paopaotv2884 Před 11 měsíci

    Grabe! Habang pinapanood ko ito di nawala ang ngiti ko! The Best Talaga Pasko sa Pinas!

  • @a.zon-j1961
    @a.zon-j1961 Před 8 měsíci +1

    Noong dekada 90 san miguel beer at coca cola ang trademark ng pasko sa tv

  • @ryanncruz9874
    @ryanncruz9874 Před rokem

    Masaya ang pasko noon kesa ngaun..noon kase damang dama tlga ang pasko

  • @maximovalencia8150
    @maximovalencia8150 Před rokem +1

    Nakaka miss maging bata.
    Salamat sa iyo at ibinabalik mo kami sa masayang panahon noon

  • @shanvergel9460
    @shanvergel9460 Před rokem +2

    Shalom le khulam i hope next year makaka pag celebtate ako sa pinas ng tunay na pasko iba ang spirit ng xmass talaga jan sa pinas always watching here in Holyland Israel. Toda raba 🇮🇱🇮🇱🇮🇱🇮🇱🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭

  • @jeproxbatongbuhay8670
    @jeproxbatongbuhay8670 Před rokem +3

    VERY nice 👍 memory Ng ating nakaraan

  • @aeger222
    @aeger222 Před rokem

    tatak sakin ng pasko during the 90s,dito sa province namin dati pag mga Nov na,apaka ginaw. kelangan mo tlga mag sweater ganong level. pati mga mantika sa bote,nagiging hard solid. pero ngayon wla ng ganon because of climate change.

  • @xExETV129
    @xExETV129 Před rokem +1

    Isa sa paborito Kung narrator Kita lods nadadala mo talaga ako sA nakaraan.
    100% talaga Pinoy puso mo 🥰

  • @nori2598
    @nori2598 Před rokem

    Mas masaya ang pasko noon. Ngyon kc ang pasko parang dumadsan nalang.

  • @Looyn42_31
    @Looyn42_31 Před měsícem

    Masaya talaga pag pasko

  • @jobenmendoza6104
    @jobenmendoza6104 Před rokem +1

    Da best tlaga ang pkiramdam kpag naglilinis at nagaayos na kyo ng classroom kasi Christmas party na bukas. Yung nagflo-florwax ng sahig at iigilid yung mga silya.
    Ang isa pa sa namimiss ko pag pasko na mismo ay yung pupunta kming buong pamilya sa plaza pagkatapos magsimba. Magpeperya at mamasyal.

  • @geraldineloreto5374
    @geraldineloreto5374 Před rokem

    3yrs aq ndi nakapag pasko sa pinas finally mararanasan q na ulet mag pasko sat dis coming December mkakasama q na ulet ang family q wala talagang tatalo sa pasko ng pinas 🥰🥰🥰

  • @johncarlotabang7355
    @johncarlotabang7355 Před rokem +1

    Hayy!! Kaka- miss ang pasko noon, maingay sa labas, kase andaming grupo ng mga bata na nangangaroling, simbang gabi na siksikan na sa upuan ang mga tao, dahil sa dami ng gustong mag- simba, kaliwa't kanang handaan sa buong barangay, noche buena man, o sa mismong araw ng pasko plus, May videoke pa, at hindi na magkarinigan, dahil sa andaming kumakanta, pagandahan ng paggawa ng parol, o kaya, paramihan at pagarbuhan ng mga x-mas lights, pero ang hindi nawawala, ay ang buong pamilya na nagdaraos ng pasko, at syempre, yung mga kanta ni sir Jose Mari Chan na "bing crosby" ng Pinas"😂😂😂😂, pero ngayong paunti- unti nang nababawasan ang banta ng pandemya, ay sana, makabalik tayo sa mga panahon na makabuluhan, masaya, at masagana ang pagdiriwang ng kapaskuhan!!!🎄🎄🎄 Anyway!! Maligayang pasko sa lahat!!!!

  • @bojohmabesa9108
    @bojohmabesa9108 Před rokem

    Miss ku na ang pangangaroling.. noon pagsapit ng dec gagawa na aku nga tambol at dumadayo na ang mga insan kung my mga kaya sa buhay.. At nangangaroling kmi kahit bahay nila hindi namin pnalalampas kasi mas malaki ang bigayan nila.... piru ngayun nasaan na kaya sila😔😔kakamissssss

  • @garyloyola5601
    @garyloyola5601 Před rokem

    Iba talaga Ang spirit Ng pasko nuon

  • @giovanniloresto2878
    @giovanniloresto2878 Před rokem

    kAMPANA NG SMBAHAN by Leo Valdez Ang all time hits ko sinz kid until now .tsaka ung song din nya na NOCHE BUENA na may manok na tinola..tsaka ung ASAN c sta.Claus .at yang MISA DE GALLO..ohh my kids year in provinz ♥️🏚️💯♥️✨

  • @bruskowayno6260
    @bruskowayno6260 Před rokem

    SALAMATS.... Galeeeng 🤩😍 NOSTALGIA!

  • @aldrinoledan1680
    @aldrinoledan1680 Před rokem

    3rd lods..thanks ulit sa bagong upload mo♥️♥️

  • @lakadmatatagph5543
    @lakadmatatagph5543 Před rokem

    ung sabi mo na aliw n aliw s christmas lights s kapitbahay true at dun sa maririnig mo.ung mga christmas songs s radyo or sa kapitbahay simbang gabi yan ang mga nagpapasaya sakin sobra kahit nasa line of age nang 30 n ako sobra pa rin akong natutuwa parang nagiging bata ulit ako kapag nagpapasko dhil naalala ko bigla ung dti

  • @valmercurio2563
    @valmercurio2563 Před rokem

    Nice update po

  • @dyanferrer2290
    @dyanferrer2290 Před rokem

    Ngaun nd na ganun kasaya....alaala nlng talaga...ang nakalipas....

  • @ang851
    @ang851 Před rokem +3

    Hindi ko makalimutan mg iinuman sabay shabu sarap ng feeling para kang nasa alapaap.....👍

  • @joelnambong1242
    @joelnambong1242 Před rokem +1

    Noong bata pa ako ang saya ng pasko kapag christmass party sa paaralan ng koronadal central elementary school ngayon matanda na ako malungkot ang pasko ko

  • @christian26pyro30
    @christian26pyro30 Před rokem

    Mas Masaya Ang pasko Ng dati hays sana maibabalik pa

  • @squall6399
    @squall6399 Před rokem

    Nice sir dalton idol kita ganda ng boses mo ska mga content mo 1990 ksi ako sna madalas ka mag labas ng mga videos tnx❤️

  • @dennisnale-kw9co
    @dennisnale-kw9co Před rokem

    Hayyy sarap bumalik sa nakaraan 😊😊😊🎉🎉

  • @ryanalcarez7753
    @ryanalcarez7753 Před rokem +1

    paputok talaga nagpaparamdam sakin pag malapit na kapaskohan, ewan.hehe! tsaka ung krismas song sa madaling araw..

  • @bernsbigone7398
    @bernsbigone7398 Před rokem

    Gusto q yung music na maligayang pasko at masaganang bagong taon❤

  • @danielsuarez9133
    @danielsuarez9133 Před rokem

    Noong bata pa ako pag. Sapit ng ber month masaya na ako nag kukuwntuhqnnna kami ng mga kalaro ko kong ano gagawin namin sa pasko..

  • @shakyshakeqs
    @shakyshakeqs Před rokem +2

    i love my christmas memories!

  • @banuelosashleylian9329

    Hayyy gusto Kona mag miss Kona Yung Christmas party sa school

  • @ronelbuenaventuraibanez2734

    Thank you thank you may malaking aso takbo hehehehehe kakamiss ang kapaskuhan dati 😁

  • @shakyshakeqs
    @shakyshakeqs Před rokem +1

    ako, nung nag-exchange gift kami when i,m grade 5, i acquired a feminine items, kaya yung iba kay mama ko nalang, at yung iba pa ay pinamigay
    mga items na nakuha ko:
    - dalawang pares ng medyas na pambabae
    - a baby bra na 32a
    - nylon tights na pink

  • @Kai-fs6cz
    @Kai-fs6cz Před rokem

    Ang saya ng pasko namin nong kabataan taong 2007 hanggang 2013 kahit wala kaming ninong ninang sa province dahil lahat nasa Manila. Pero grabe ang paghahanda namin sa pasko tapos kumpleto yung Simbang gabi namin kasi after non nag jojogging kami at naglalaro na kahit sobrang aga pa. Kasi sa province namin grabe talaga yung design ng mga bahay pag mag papasko. Ang Daming decorations kaya hindi ka mapapagod kakapasyal kahit maaga pa🥰

  • @coreyfrando4013
    @coreyfrando4013 Před rokem

    You hit me a lot sir....mga 90 percent napagdaanan ko..

  • @jamesrafaeltransporte5395

    Most Important celebration of my life is Christmas lahat nakkuha Ang gusto mo
    Di gaya noon Araw masakit ipagdiwang Ang pasko na kulmg na kulang at walang Wala.
    Iba na Ang Bago kong kapalaran twing magpapasko solo sa Caroling masking sa Araw ng pasko.
    Importante sakin magbayanihan Tayo higit sa pngangainlangan ng kapwa

  • @Grace-hi5vm
    @Grace-hi5vm Před rokem

    God bless Sir🙏🥰💞

  • @jimyvlog7252
    @jimyvlog7252 Před rokem

    Wow idol...gd blss

  • @eronntungol8956
    @eronntungol8956 Před rokem

    Sana nga makapasyal ka dito sa amin sa pampanga 🤗💖

  • @boytilapya5672
    @boytilapya5672 Před 10 měsíci

    Kaka miss ang pasko nuon😊😊. 😢😢

  • @MegWasHere2011
    @MegWasHere2011 Před rokem +1

    Nakakamiss talaga every Christmas, Mr. Dalton

  • @jerameilpalencia5616
    @jerameilpalencia5616 Před rokem

    Kakamiss Yung ganito

  • @fatboyst.v39
    @fatboyst.v39 Před rokem

    Pasko tlga ang npka importante sa buhay ko kasi lahat ng bagay na nkkpag paalala sakin ning bata pa ako ..lalo na ung karoling ksama mga kalaro tpos kanya kanya bahay ng kkntahan ..ang layo pa ng nrrting namin nun kung saan saan hindi pwdeng hndi ka uuwi na maliit lng ang napangarolingan

  • @sapphireazure9628
    @sapphireazure9628 Před rokem

    May choir contest pa sa school amin noon awiting pamasko at dance contest Na dapat Christmas song way back 1986-1990....

  • @rusellealcantara1143
    @rusellealcantara1143 Před rokem

    May ifad ma ako pero excited pa rin ako pag ber months na

  • @kaizerkun6364
    @kaizerkun6364 Před měsícem

    Merry Christmas

  • @Crixzeuz
    @Crixzeuz Před rokem

    Ung exchange gift napakadalas ng picture frame or photo album

  • @henryherrera1441
    @henryherrera1441 Před rokem +1

    ngaun binabalikan q ung mga christmas episode ng home along d riles..... prng bumalik ang pgkabata q😥

  • @mamen3628
    @mamen3628 Před rokem

    ☹️😔 naaalala ko tuloy yung mga kababata ko noong 90 s

  • @sapateronglakwatsero4035

    galing mo talaga idol, huling-huli mo yong nararamdaman ko noon tuwing sasapit ang pasko... ayyyyyy.... sarap tlga balik-balikan ang mga nakaraan, ibang saya tlga aking nararamdaman pag sumapit ang pasko, kahit na yong pinaka murang damit lang binili ni mama ay sulit na...

  • @maopascua9386
    @maopascua9386 Před rokem

    ibang iba na ngayon..noon Sept palang nagpapagandahan na ng xmas dekor maaga palang may mga paputok na.ngayon wala na napaka boring ng mga bata kasi puro nalang gdget

  • @markandrewsotoy7103
    @markandrewsotoy7103 Před rokem

    Sana may listahan din ng mga regalo noong 90s

  • @vanessajimenez6468
    @vanessajimenez6468 Před rokem

    Hayyyyyy pag pinapanood kita nde talaga pedeng nde ako malulungkot and at the same time na mangarap na sana magkaron ng time machine kc gusto kong bumalik or balikan un kabataan ko..na kasama ko pa ang inang ko😢😢😢

  • @onestrike6582
    @onestrike6582 Před rokem +1

    Ang pinakamasayang pasko para sa kin ay ang taong 1989-1993

  • @jerseyloisgerance3249

    Merry Christmas Lods. 🎄🎁🎅

  • @1stRunnerBUTATING
    @1stRunnerBUTATING Před rokem

    galing!!! aga ng pamaskong video mo sir ah hehe face reveal ka naman :D

  • @misadegallobaltazar1621

    Hindi mawawala ang puso at isip ko ang pasko dahil ang pangalan ko ay simula ng simbang gabi.

  • @polpesina1835
    @polpesina1835 Před 3 měsíci

    wla na ngayon lahat mamahalin😢😢😢 , di gaya ng dekada 80 to 90 .

  • @rowyfilio9049
    @rowyfilio9049 Před 3 měsíci +1

    makapamasko lang ako ng 20 pesos sa mga tiyuhin ko natataranta na ako , sa Christmas Party ng elementary lagi kong natatanggap sa exchange gift yung " sour balls" bigtime na pag "curly tops"

  • @Tashik697
    @Tashik697 Před rokem

    Krismas nmn ung pinaka mlungkot n part s buhay ko kz since nwl c mma nwla n ung buhay s haus anskit2 alalahanin ung buo kau pg psko nkkmis ung dti simple lng ang buhay😭😭😭

  • @shakyshakeqs
    @shakyshakeqs Před rokem

    gusto ko rin ng makulay na pasko, so bibili sana ako ng christmas lights na assorted colors para colorful

  • @melzkygarcia
    @melzkygarcia Před rokem

    Iba tlga ang pasko noon.. thank you for this @daltonchannel

  • @lacostetv197
    @lacostetv197 Před rokem

    Pit pit 🤣🤣🤣🤣 Wii wit 🤣🤣🤣 lakas maka throwback 🤣🤣🤣🤣

  • @tharnasarnichthys7808

    Yung commercial ng beer ang nagpangiti sa akin, 80's & 90's era 😌

  • @malcomvulayon1990
    @malcomvulayon1990 Před rokem

    Monito Monita na may every day theme like something maasim.
    Pellet gun after makatangap ng pinamaskohan barilan sa kalsada kalaban kabilang brgy.
    Paputok na pulang pulbura at watusi na tinitinda lang sa labas ng school.. Hay kakamis grabe.

  • @jayplata1653
    @jayplata1653 Před rokem

    Mga movie n pamasko naman Dalton. Local and international.

    • @jayplata1653
      @jayplata1653 Před rokem

      Dolphy movies esp yung wanted perfect father really reminds me of my childhood christmas

  • @treblac9168
    @treblac9168 Před 8 měsíci

    Mas ramdam mo ang pasko noon kaysa ngayon, dati September pa lang nakakarinig ka na ng mga nagpapaputok at gumagawa na rin kami nyan yung rayos ng tricycle palakasan at pagandahan ng paputok😊

    • @niceshort24
      @niceshort24 Před 8 měsíci

      Nakakamiss magpaputok ng september october hanggang december ngayong december sisigawan ka ng mga tao kahit medyo malayo paputok mo nakakalungkot lang na unti unti ng namamatay ang tradition pangit ang pasko at new year pag walang paputok at paingay nostalgic din ang year 2011-2015 panahon na solid ang paputok nunh si duterte na wala na anlaki ng binaba😢

  • @markbautista910
    @markbautista910 Před rokem

    xmas party Namin sa skul pag exchange gift maganda regalo na Dala mo pero na exchange na mapupunta sa kin isang kahon na pretzel's 😁