PBBM, kinilala ang huwarang pagganap ng MASIDTALAK, Class of 2023

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang huwarang pagganap ng 208 miyembro ng 'MASIDTALAK' Class of 2023 ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa pagtatapos ng kanilang cadetship sa gitna ng mga limitasyong dulot ng pandemya.
    Bilang tanda ng kanyang unang pagdalo bilang Commander-in-Chief sa 44th Commencement Exercises ng PNPA, hinimok ng Pangulo ang mga bagong miyembro ng public safety and peacekeeping force na maging makatarungan, moral na matuwid at tapat sa pagprotekta sa mga karapatan ng publiko, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap.
    Nagpaabot din ng pasasalamat si Pangulong Marcos Jr. sa lahat ng mga opisyal at tauhan ng PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, lalo na sa rurok ng pandaigdigang krisis sa kalusugan, gayundin sa kanilang dakilang pagsisikap at sakripisyo sa pagsugpo sa kriminalidad, pagpuksa sa ilegal na droga at iba pa.
    Ang MASIDTALAK ay nangangahulugang 'Maaasahang Tagapagsilbi ng Inang Bayan na may Dangal at Katapatan na ang Layunin ay Kapayapaan'. Sa klase ngayong taon, 186 ang sumali sa PNP, 11 ang piniling magsilbi sa BFP at 11 ang sumali sa BJMP.
    #OneManila #NagkakaisangNaninindigan #PBBM #BongbongMarcos #PNPA

Komentáře •