E.A.T. | Mommy Angie, nangungulila sa kanyang mga anak

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 14. 08. 2023
  • Sa edad na 73 ay mag-isang namumuhay si Mommy Angie. Kaya ang tangi niyang hiling sa kanyang mga anak ay bisitahin siya kahit minsan. 🥺😢💔 Panoorin ang kanyang kwento ⬇️
    🔴 #EATTV5
    📆 Mon-Fri | ⏰ 12PM
    📆 Sat | ⏰ 11:30AM
    #LunchtimeSayaTV5
    #IBAngSayaPagSamaSama
    #TVJonTV5
    Subscribe to TV5 channel! bit.ly/TV5PHL
    Website: www.tv5.com.ph
    Facebook: / tv5manila
    Twitter: / tv5manila
    Instagram: / tv5manila
    Tiktok: / tv5manila
  • Zábava

Komentáře • 417

  • @sonny10940
    @sonny10940 Před 11 měsíci +25

    Di ko napigilan mapaluha kanina naalala ko nanay ko 😢😢😢

  • @graciacruz4793
    @graciacruz4793 Před 11 měsíci +39

    naiyak ako kay mommy, habang buhay pa sila alagaan natin sila, dahil pag nawala na sila, habang buhay natin dadalhin yong pagsisi , ma rerealize lang natin ang importansiya nila pag nawala na sila.

  • @rogiereyes3376
    @rogiereyes3376 Před 11 měsíci +27

    Eto Ang tatak original eat Bulaga, nagppatawa Ng mga tao, pero Minsan nagpapaiyak.... My puso..❤❤❤

  • @wengpanganiban1506
    @wengpanganiban1506 Před 11 měsíci +18

    Sa mga anak matutu kau magpahalaga sa magulang nyo hangat may buhay pa at lakas iparamdam ang love sa parents

  • @ZeF1212
    @ZeF1212 Před 11 měsíci +30

    May this be a reminder to all of us. While we're getting older, keep in mind that our parents are also getting older. Mas dapat na ngaun nyo sila dalawin habang buhay pa, kaysa dalawin nyo sila nang patay na. I hope na magising na ung mga anak ni Mommy Angie.

  • @rimarkcamulo5760
    @rimarkcamulo5760 Před 11 měsíci +30

    Galing Ng mga hosts, Hindi prang napahiya ang mga anak kahit nabanggit ang names. Very professional. Iba talaga ang segment n to. Very eye opening.

  • @gagay74
    @gagay74 Před 11 měsíci +17

    Diosko Lord, how I wish buhay pa ang parents ko. Na miss ko sila😢. Mahalin natin po ating mga magulang. Kasi pag wala na sila ang sakit iba pa rin kung meron kapang magulang 😢

  • @Jim-xe4du
    @Jim-xe4du Před 11 měsíci +8

    Sad lang to hear Ang ganitong feeling ng Ina. My dad was alone living by himself pero he always insist sa amin ng kapatid ko, once a week lunch or dinner lang. Kahit puyat at pagod kami sa work ng sister ko. We will bring the kids para makasama niya. Now ko naintindihan na ganito pala feeling ng magulang, glad na straight forward ang daddy ko to tell us that Kaya until now nakasanayan na rin namin ng kapatid ko to see each other once a week

  • @ellaabad8752
    @ellaabad8752 Před 11 měsíci +8

    Nakakaiyak yun part na sinabi ni Joey siya yun tao ayaw niya makaabala sagot ni mommy gusto niya naman pagkaabalahan siya. 😢😢😢

  • @b_M_w_143
    @b_M_w_143 Před 11 měsíci +9

    Pag si Paolo na naiyak, mahahawa ka talaga

  • @avery_bravery
    @avery_bravery Před 11 měsíci +50

    Nakakaiyak 😢😢 Maging eye-opener sana sa mga anak ito . Ang galing ng mga E.A.T. hosts sa pag-handle nito.

  • @patriciajosephinegomez-kab2850
    @patriciajosephinegomez-kab2850 Před 11 měsíci +10

    Napakaswerte po ng mga anak ninyo dahil kayo anjan pa buhay pa kayo..sa mga anak naman po ni mama Angie sana naman po ay maalala nyo ang mother nyo napakahirap po ng walang nanay 😢

  • @mom_of_an_ahgase
    @mom_of_an_ahgase Před 11 měsíci +10

    Naiyak ako kay mommy... I'm in my 50's and many times I have always wished na sana buhay pa ang inang ko. She passed away when I was 19.. she's the best inang in the world, napakabait, napakasipag, mapagmahal na ina. Noong kabataan ko, madalas ako naiinggit sa mga friends ko coz they still have their mothers. I wish I had the chance na maibigay kay inang yung ginhawa after I graduated.. kaya sana sa 2 anak ni Mommy Angie, take every opportunity to be with your mom kasi nagiisa lang ang ina natin. I miss my mom. Now that I'm a mother too, I sincerely hope na di mangyari sa akin yung mami-miss ko ang anak ko dahil di ako dinadalaw. 🙏 Virtual hugs to you Mommy Angie
    Salute to the hosts of E.A.T. 👏👏👏 iba kayo talaga💕
    Loyal viewer since 1979, inang at tatang ko , when they were still alive, ay EB na talaga tuwing tanghalian, saan man kayo dinala ng tadhana. Forever dabarkads po kami.

  • @chelbarcelon6904
    @chelbarcelon6904 Před 11 měsíci +58

    Just scrolling up to this segment natulo nalang yung luha ko. Sobrang raw ng pain ni lola, ramdam ko yung pain and longingness. Praying that this served as a wake up call to her children na punan yung pangungulila nya. Sa Original EAT, hey you never fail to capture our hearts!!!

    • @rufinaagner8731
      @rufinaagner8731 Před 11 měsíci +1

      EAT always gives us sense of belonginess in every episode or in every segments, I feel you as I'm also on my own. Teary eyed to the last. Mabuhay TVJ TV 5.❤❤❤

  • @gelimatira9717
    @gelimatira9717 Před 11 měsíci +47

    Salute sa mga host ng E. A. T. , napaka professional ng mga host ❤

    • @reylynraymundo6269
      @reylynraymundo6269 Před 11 měsíci +8

      yeah kung si VG yan dami sasabihin magbibidahan lang hindi na pasasagotin ibang host pati ang guest

    • @bosstsuna4170
      @bosstsuna4170 Před 11 měsíci +2

      Maganda mga tanong nila hanggang sa punto na nagopen na si maam.

  • @thelmabuisermaggay5978
    @thelmabuisermaggay5978 Před 11 měsíci +5

    Talagang walang makakatalo sa Legit EAT BULAGA. Sa ganitong napakasensitibong situasyon gamay na gamay na nila kng paano ito ihahandle na hindi hahantong sa pagkakaroon sa samaan ng loob ng both parties involved. Salute to all hosts of this UNBEATABLE noontime show. You are really very very far beyond compare to other struggling noontime shows.❤❤❤👏👏👏

  • @friendlyferolino1994
    @friendlyferolino1994 Před 11 měsíci +27

    Naluha ako dahil naghahanap ng yakap si nanay ng mga anak nya. Pag umuuwi ako ng probinsya kasama mga anak ko, di ko maipinta ang saya ng mga magulang ko na makita kami at ang buong pamilya. Matanda na sila, bawat sandali na kasama sila ay mahalaga. Nanay Angie, virtual hug po mula sa akin.

    • @lodemerisback
      @lodemerisback Před 5 měsíci

      True. Sobrang saya nila kapag nakita ang mga anak at apo. Hindi dapat sila kalimutan dahil ang nasa isip nila ay ung mga anak nila na nasa malayo.

  • @Loren3138
    @Loren3138 Před 11 měsíci +9

    Nakakaiyak si mader 😭
    Virtual hug to you mader.

  • @danleneestabaya8203
    @danleneestabaya8203 Před 11 měsíci +4

    Sa portion na to dito makikita ang galing magtanong ng mga dabarkads host.

  • @linolamigan
    @linolamigan Před 11 měsíci +7

    Ang bait na magulang ni nanay Angie ,kasi hnd lahat ng nanay gnito my iba mas gusto pa na sila mismo ang lumayo sa mga anak nila .. 😢

  • @josecalimag1367
    @josecalimag1367 Před 11 měsíci +91

    Mahalin natin ang ating mga magulang habang buhay pa sila. Kung ano ang ginawa mo sa magulang mo ganon ganon din ang gagawin ng mga anak mo sa iyo.

    • @nicaslaagan
      @nicaslaagan Před 11 měsíci +3

      true po yan.kasi yong kapatid ko.grabe yon mag rebelde sa mama ko tignan mo ngayon nag hirap siya.pero awa ng diyoa di naman siya pinapabayaan ng diyos

    • @neng505
      @neng505 Před 11 měsíci

      True

    • @zephaniah1965
      @zephaniah1965 Před 11 měsíci

      Tama po pag dating ng panahon aanihin nila yan

    • @basirsarail1206
      @basirsarail1206 Před 11 měsíci +3

      Mahal nman siguro nila mama nila kaya lang akala nila malakas si mama at nkapag videocol ayus na....
      Pero mali sila need pa rin ni mama atensyon nila

    • @edithhanapin578
      @edithhanapin578 Před 11 měsíci

      😢😢😢😢

  • @reginabuenafemanas5594
    @reginabuenafemanas5594 Před 11 měsíci +7

    Sana sa pagtanda namin mag asawa hindi kami kalimutan ng dalawang anak namin kahit may sarili na silang pamilya😢😢😢 sobrang nakaka-touch ang story na to

  • @eduardrivera843
    @eduardrivera843 Před 11 měsíci +4

    With mommy Angies word na gusto ko.den pag kaabalahan nila ako means she really misses her children and apo's. Mapanuod sana to ng mga anak nya, and me time pa po para makabawi kayo sa mommy nyo. Its sad to be alone😢😢❤

  • @user-wg1nv6uu9t
    @user-wg1nv6uu9t Před 11 měsíci +3

    naiyak nmn ako kay mommy angie, lagi po kau mag iingat.wag nio po isipin na nag iisa po kayo po.mahal po kayo ni Lord,be positive po,mdmi pong nagmamahal sa inyo po.GOD BLESS PO,I LOVE YOU MOMMY ANGIE.Laging mhalin ang magulang anu man ugali meron ito,kasi saka maapreciate ang isang mgulang kapag wla na.

  • @vincentm.fernandez
    @vincentm.fernandez Před 11 měsíci +3

    Nakakaiyak talaga kapag nag iisa kana lang sa buhay .Lalo na hindi kana maalala ng mga anak kahit minahal mo sila ng lubusan .I feel you ❤️

  • @lai2433
    @lai2433 Před 11 měsíci +7

    We don't know the situation. Baka may reason yung mga anak.pero sometimes kahit may trauma or tampo tayo sa parents natin. Magulang pa din sila. Konting dalaw man lang sa parents. 😊❤

  • @thomaspomidarubenecia8326
    @thomaspomidarubenecia8326 Před 11 měsíci +7

    The hardest part of us growing up, is seeing our parents grow old.
    Mas nagiging emotional. mas nagiging bugnutin. Ganun siguro talaga kailangan ng kailanga at pang unawa.

  • @dinasahagun4049
    @dinasahagun4049 Před 11 měsíci +54

    Hindi porket financially stable at physically healthy ang parents natin ibig sabihin mentally and emotionally okay lang sila. Hope all children appreciate their parents and if the children have their own family, bumisita naman kayo ng madalas sa sarili niyong parents. At pag may ganap isama niyo rin ang parents niyo. Maski simpleng nood ng sine, pasyal, meryenda or lunch man lang. Pero mas mahalaga yung bisita niyo ng personal! Love and prayers to Mommy Angie!

    • @fe-almacinco7899
      @fe-almacinco7899 Před 11 měsíci

      Tama hinde ibig sabihin malakas at wala sakit di na kayo check din kahit simpleng hi lang kasi meron diyan malakas nagyon bigla nawala tapos saka iyak saka sabi sorry pag wala na dina maririnig 😢

    • @guillermoocampo7062
      @guillermoocampo7062 Před 11 měsíci

      Relate

    • @johngracia1641
      @johngracia1641 Před 11 měsíci

      sana wala kang obligasyon

    • @eduardrivera843
      @eduardrivera843 Před 11 měsíci

      Gusto ko din pag kaabalahan nila ako 😢😢. Means mommy Angie really misses her children and apos. Hopefully mapanuod ng mga anak nya to and theres still time para makabawi po kayo sa mommy nyo❤

    • @johngracia1641
      @johngracia1641 Před 11 měsíci

      @@eduardrivera843 may pamilya na yun ngayon may obligasyon na lalo na nagtaasan lahat ngayon nang mga bills hindi naman nanay nila magbabayad nun e

  • @venusacibo-pc3gg
    @venusacibo-pc3gg Před 11 měsíci +64

    Kudos to our dabarkads hosts sensitive man ang mga kuwento ng guests sa Babala segment. They know how to handle it well🎉🎉🎉🎉 Kayo na talaga E.A.T. the BEST talaga!

    • @hds8767
      @hds8767 Před 11 měsíci +5

      Lalo na si ryan, step up talaga pag seryosohan na.

    • @jonelynacay1954
      @jonelynacay1954 Před 11 měsíci +1

      Kaya "Bawal Judgmental" ..🤗

  • @AcesAutoPlanet
    @AcesAutoPlanet Před 11 měsíci +17

    Relate ako sa kanila dahil sa age ko na 58, nag iisa rin lng ako sa buhay kahit may tatlo akong anak. Separated ako sa mom ng mga anak ko at cla ang magkakasama. Nagkakasama lng kmi ng mga anak ko kapag may importante na okasyon. Sa loob ng isang taon mga dalawa o tatlong beses ko lng cla nakikita. Masakit skin dahil nung nabubuhay pa ang mga magulang ko, hindi nila naranasan skin ung bihira akong makita kahit may asawa na ako noon. Ang buhay maiksi lng, hanggat buhay ang mga taong mahal mo, dapat ipakita mo. Dahil kpag nawala na cla, kahit pa anong iyak ang gawin mo hindi ka na nila makikita o makikinig. 😢

  • @user-hh7cm6eu2p
    @user-hh7cm6eu2p Před 11 měsíci +2

    Nahiyak tuloy ako sa segment na to tumulo tuloy ang luha ko

  • @abbyd915
    @abbyd915 Před 11 měsíci +4

    This is one of the most heartbreaking yun tumanda ng mag-isa.. 😭

  • @rbg7408
    @rbg7408 Před 11 měsíci +23

    "Hindi naman kasi ako mukhang kawawa kaya binabalewala nalang nila ako. Feeling ko lang po yun. Ang feeling pwedeng tama, pwedeng mali. It's may feeling na..."
    In this fast-paced world, slow time for the people who brought us and nurtured us; through them we get to become the person we want to be. Everyone, no matter how someone look tough and stable, we are human beings in need of caring and love. Express it to your loved ones especially your parents. Be kind to them as they were kind to you when you were growing up. 💔
    Kudos to the hosts of the show for being emotionally intelligent to lead mother in saying her sentiments.

  • @user-ch5cs6ct1v
    @user-ch5cs6ct1v Před 9 měsíci +1

    Team ng e.a.t grabe galing.. lalo na researcher nila. Good Job guys!!

  • @extraordinaryme4943
    @extraordinaryme4943 Před 11 měsíci +21

    I envy her sons and daughters, may mabait at maalalahaning parents sila.

  • @anrym2789
    @anrym2789 Před 11 měsíci +18

    Nung pinapanood ko ito kanina naiyak talaga ako....kasi sabi ko sa sarili ko...buti pa sina Gian at Maan nandyan pa ang Ina nila....samantalang ako kahit gusto kong yakapin, dalawin at halikan wala na ang Nanay ko. Kaya please sana lahat ng may buhay pa ang kanilang Ina pahalagahan nyo ang magulang nyo habang buhay pa sila. Napakasarap kapag nandyan pa ang Nanay nyo sa tabi nyo. 😥😥😥

    • @mariechuviesca1679
      @mariechuviesca1679 Před 11 měsíci

      pareho po tayo😢ang hirap ng walang nanay

    • @anrym2789
      @anrym2789 Před 11 měsíci

      @@mariechuviesca1679 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

    • @angiemaestrado9529
      @angiemaestrado9529 Před 11 měsíci

      True. Ramdam kita Sis. Kami din wala na Mama at Papa namin subrang miss na namin sila. Masakit sa dibdib makita mga magulang sinasaktan lang ng ibang mga anak..

  • @Aireen-gz9te
    @Aireen-gz9te Před 11 měsíci +4

    Naiyak ako bigla.yung muka nga Xa ok maganda at mukang ok ang buhay sa edad nya Pero IBA yung pain sa puso na di manlang maalala ng mga anak.

  • @erniedelacruz3368
    @erniedelacruz3368 Před 11 měsíci +2

    Nung maliliit pa Tau di Tau pinabayaan ng mga magulang natin. Ngaun sila nman Ang wag natin pabayaan. Bilang Isang tao Isang mabuting anak. Godbless

  • @GodioMarisa-ot9rr
    @GodioMarisa-ot9rr Před 11 měsíci +1

    Grabi naiiyak ako habang pinanunuod ko to... Namis ko ko si mama she pass away last year I miss u mama 😘😘😘😘😢😢😢😢😢

  • @mhayrenesofficial1945
    @mhayrenesofficial1945 Před 11 měsíci +2

    Swerte nyo sa magulang nabigyan ng maganda buhay, sana kahit sa pagdalaw minsan magagawa nyo, ako nga lagi ko dinadasal sa dios di man kami nabigyan maayus na buhay ng magulang, Sabi ko god sana darating ang araw malagaan, maipasyal, mapakain nmain sa restaurant soon 🙏🙏🙏😍😍😍

  • @user-yc7jx9qu6t
    @user-yc7jx9qu6t Před 11 měsíci +7

    Kudos to those people who loves there parents... Life is to short... OK.. ❤❤❤

  • @launohk8212
    @launohk8212 Před 11 měsíci +13

    Ang swerte ng mga may magulang pa..sana ang mga anak po ninyo maisip nila na masarap, masaya yong may magulang pa 😢.. God bless you mother.

  • @venusacibo-pc3gg
    @venusacibo-pc3gg Před 11 měsíci +15

    Isa rin akong ina wala na rin mga magulang ko. I do not judge her kids, I do not know their circumstances, however, please find time to see your mom, iba pa rin ung kc ung pagbisita ng mga anak sa pgbisita ng mga kaibigan. I really feel mommy Angie. 😢❤ sending hugs to her❤❤❤❤❤

  • @arnoldnalian8973
    @arnoldnalian8973 Před 11 měsíci +1

    Hala Bigla tumulo luha ko nung sinabi nya may sasakyan naman kayo nakakapunta kahit saan. Bakit ako andito?

  • @kerwinemilfaustino7964
    @kerwinemilfaustino7964 Před 11 měsíci +7

    Paolo has such a golden heart.

  • @cherrymarquez6033
    @cherrymarquez6033 Před 11 měsíci +3

    ito yung fear ko pag tumanda ako but seeing my kids how protective they are to me right now.. i just pray that God will always put me in their hearts ❤❤❤# stay stong mothers

  • @rlv2780
    @rlv2780 Před 11 měsíci +1

    Bossing todo pigil ng luha.
    Pahalagahan niyo mga magulang niyo, hanggat andyan sila.

  • @venusacibo-pc3gg
    @venusacibo-pc3gg Před 11 měsíci +2

    Magsilbing babala talaga sana ito sa mga anak na nkkalimot na sa mga magulang. Hindi como sa tingin natin na na may pension at malakas si mama eh pwede na nating sabihin kaya ni mama yan. May mga mgulang lng na marunong lng mgdala ng sarili pero deep inside longing sila sa attention ng mga anak. Look at her, sa galing niya ang magayos😢 ng sarili mlalaman ba natin na na meron pala siyang kinikimkim.

  • @janrayingalla3277
    @janrayingalla3277 Před 11 měsíci +2

    Naniniwala ako talaga ako sa sinasabi nila na ang magulang hindi kaya tiisin ang mga anak pero mga anak kaya. Nakakadurog ng puso hayss 😢😢

  • @marcsayson8026
    @marcsayson8026 Před 11 měsíci +3

    naka jackpot talaga si mvp at tv5 sa tvj siguro sising sising na yung mga loslos at gozon sa pinakawalan nila

  • @leonelmathewcapili7947
    @leonelmathewcapili7947 Před 11 měsíci +2

    Pinapanood ko to' nanggigilid mga luha ko,naalala ko ang mga magulang ko,na sana anjan pa sila at pwede ko pa makausap pero wala na sila pareho.Maswerte yung mga anak na kahit may edad na eh may mga magulang pa,kaya hanggat anjan sila dalawin nyo sila at alagaan.

  • @jaypalma9606
    @jaypalma9606 Před 11 měsíci +2

    Mahalin po natin ang ating mga magulang habang andyan sila give time kasi isa sa pina ka masakit na bagay pag nawala sila......

  • @celsasaito1224
    @celsasaito1224 Před 11 měsíci +3

    grabe luha ko kanina feel ko lungkot nya dahil sa wala na nanay ko. buti nga sila have pa eh!

  • @perlybaluyut
    @perlybaluyut Před 11 měsíci +2

    Kakaiyak😭😭
    Sana hindi ko maranasan ito pagtanda ko 🙏
    Hindi ko matitiis bilang isang anak na hindi madalaw makitang maayos ang magulang ko
    Noon hanggang ngayon..
    Kaya ramdam ko ang pangungulila ni mommy Angie

  • @coracelantolin2426
    @coracelantolin2426 Před 11 měsíci +13

    Tulo luha q d2 kanina habang pinapanood. I can feel her feelings, ung pangungulila nia s mga anak Nia.

    • @AcesAutoPlanet
      @AcesAutoPlanet Před 11 měsíci +3

      Yan ang nararamdaman ko, 58 lng ako pero ganyan na ang sitwasyon ko. 😢

    • @neng505
      @neng505 Před 11 měsíci

      ​@@AcesAutoPlanethugs po🤗❤

    • @genevieveestrada3157
      @genevieveestrada3157 Před 11 měsíci

      💖🥰

  • @magiebaltazar8241
    @magiebaltazar8241 Před 11 měsíci +2

    Naiyak naman ako dito.,pakamahalin po natin ang ating magulang .,naalala ko ang byanan ko at nanay ko .,😢

  • @johndeejurado
    @johndeejurado Před 11 měsíci +2

    Sending my hugs to her and to all the mothers out there. I'ma give my own mom a hug too to make her feel loved. 🤗

  • @barrygilbert1002
    @barrygilbert1002 Před 11 měsíci +1

    T_____a! Pina-iyak ako eh. I missed my Mom. "Kunin mo Diyos," ang naging ice breaker dyan e.

  • @marilousantiago37
    @marilousantiago37 Před 11 měsíci +7

    Pangalwang beses ko na tong pinanuod.. 😢

  • @danicajuera4864
    @danicajuera4864 Před 11 měsíci +2

    Mahalin natin ang ating magulang hanggat nanjan pa sila🥺 swerte nyo may ina pa kayong madadalaw..💔😭

  • @era28
    @era28 Před 11 měsíci +5

    If only I could turn back time.. Missing my Mama soooo much, and if God will allow and give me a chance to be with her once again.😥.. So please kayo na nandyan ang magulang nyo, yakapin nyo sila, halikan, dalawin palagi, kasi di mo na mababalik ang panahon kapag nawala sila.😭 My mom is my best friend kaya I feel so lost and broken ng nawala siya😭😭😭😭

    • @user-vm8np4bs8p
      @user-vm8np4bs8p Před 11 měsíci

      True po yun ako miss ko din mother ko... 😢

  • @andyisleta5023
    @andyisleta5023 Před 4 měsíci

    Very strong ang personality ni mommy..kahit sa loob nia ay sasabog na sia sa pangungulila sa mga anak at family nila....nakukuwa pa rin niang ngumiti at mukang ok na ok....sad reality..😢

  • @kristinak3693
    @kristinak3693 Před 11 měsíci +4

    Naiiyak ako kawawa naman mommy nila 😢

  • @glennquibate9658
    @glennquibate9658 Před 11 měsíci +2

    Naiyak ako sa segment nato 🥺

  • @alvincarnice8347
    @alvincarnice8347 Před 11 měsíci +1

    Hugsss mommy😢❤ Namiss ko tuloy mama ko🥲

  • @ONEHOTDUDE
    @ONEHOTDUDE Před 11 měsíci +2

    Pag na tigok na tsaka dadalaw at iiyak. Hasit naku taong walang initiative. Naiiyak ako para kay momi

  • @marieltandingan3131
    @marieltandingan3131 Před 11 měsíci +2

    Grabe nasa school ako kaya di ko napanood ito. Nakita ko lang na nagtrending so nag browse at pinanood ko jusko! Iyak ako ng iyak. Sobrang hirap mawalan ng ina. So as long as kaya pa nating silang makasama go po iconsume natin ang oras natin para sa knila❤

  • @Funbeez484
    @Funbeez484 Před 11 měsíci

    Umiyak din ako nito i miss my mom and dad kodus to them in heaven love your parent parang nangungulila talaga si mama angie..

  • @tatz_vermar
    @tatz_vermar Před 11 měsíci +2

    Naiyak ako.. wala na rin kaming father, and I'm eldest of three boys. I was only 17 when our dad passed away at ibinilin niya sa akin ang mom at dalawang kapatid ko. I'm working here in Qatar for 8years now and every year every birthday ng Mom namin August12 umuuwi ako ng Pinas to celebrate her birthday with her. That's my way of showing her how much we love her. She's not getting any younger, she just turned 76 this year.
    Tayong mga anak kahit anong busy natin huwag tayong makakalimot na kumustahin at iparamdam sa mga magulang natin kung gaano natin sila kamahal. Di natin namamalayan busy tayo sa paghahanap buhay pero patagal ng patagal tumatanda rin sila. Kaya ipakita at iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal dahil hindi habang buhay makakasama natin sila. Hinding hindi na tayo magkakaroon ng isa pang magulang.

  • @jill9975
    @jill9975 Před 11 měsíci

    Very valuable ito, sa mga magulang nakakalimot na mga anak

  • @aaliyahluna7991
    @aaliyahluna7991 Před 11 měsíci +2

    Yung iba dito na madaling hinuhusgahan kaming mga anak. Sana isipin nyo din po Hindi lahat tayo parepareho ng trato saatin ng mga magulang... May kanya kanya po tayong reason kung bakit malamig ang connection ng mga anak sa magulang. Just saying

    • @mikelee6270
      @mikelee6270 Před 3 měsíci

      Yeah. Kami natatakot kami umuwi sa amin kase mapanakit ang nanay namin. Both in action and in words. Last time inumpog sa pader ang ulo ng isa niyang apo dahil ginamit lang ang lalagyan niya ng yelo. At nang dumating ang barangay, siya pa daw ang biktima. Siya daw ang magsasampa ng kaso.
      Kaya ako kahit di na ako mabuting anak, wag lang ako tawagin na pabayang magulang. I'll protect my family no matter who you are.

  • @joannebeltran346
    @joannebeltran346 Před 6 měsíci

    Para sa mga anak ni mommy sana habang my buhay p s mommy nyo mabigyan nyo ng importansya sa laht ng bagay dahil kung hindi sknila wala kayo sa kung ano kau ngaun... maswerte tayo my mga magulang pa tau. At hindi tulad ng iba db🥺💞

  • @sherwincorcuera3236
    @sherwincorcuera3236 Před 11 měsíci

    To dad and mom..iloveyooou dadi and mami..lagi ko po kayong n mi2ss..mahal n mahal ko poh kayo, sobra! ❤😘

  • @nikkicortez6192
    @nikkicortez6192 Před 11 měsíci +1

    She is a strong women, she seems educated, she seems she have it all.. but we have to let them feel love all the time..

  • @qrstuvwxyz-nz6206
    @qrstuvwxyz-nz6206 Před 11 měsíci +1

    Habang Buhay pa, mahalin nyo na at pahalagahan nyo na. Ipakita nyo na lahat Ng pagmamahal Lalo na may mga edad na Sila. Kapag nawala na Kasi Sila sa Mundo, dalhan mo man Ng bulaklak sa Puntod araw araw, kausapin mo at gawan mo man Ng mabuti....pero Wala na Po yon, Hindi na nya alam kasi patay na sya. Hindi nya narin mararamdaman pa yong pagmamahal mo kung patay na sya. Ang kaluluwa kasi Ng mga patay bumabalik na uli sa Dios yon. Kaya Wala na. Mabubuhay sa araw nalang Ng paghuhukom

  • @charmaineticzon192
    @charmaineticzon192 Před 11 měsíci

    Makatulo luha yong kwento ny tagos sa puso wawa nmn yong mga nanay inalagaan ang anak pro pag may kanya kanya na bhira na lng nakaalala

  • @nomerpanopio3277
    @nomerpanopio3277 Před 11 měsíci

    Love your mother Ng sobra. Kahit may asawa ka na nanay mo pa rin pagbaligtarin pa man Ang mundo nagiisa lang yan. Love you inay

  • @melindaque3641
    @melindaque3641 Před 11 měsíci

    Grabe mommy pina tulo mo ang luha ko relate po ako dyn na miss ko din minsan ang mga anak ko alam ko nsa malayo sila ng ttrabaho pra sa mga pamilya nila na intindihan ko nmn sila 😢😢😢

  • @Gdc1537
    @Gdc1537 Před 11 měsíci

    Nkaka touch😭
    Mahalin natin mga parents natin..before its too late😐

  • @paulverner9524
    @paulverner9524 Před 11 měsíci +1

    Naiyak ako ng dahil kay mommy…ayokong dumating sa punto na ganito maransan ng mommy ko. Apakasakit para sa isang magulang.. totoo tlga yung kasabihan na. “Kayang tiisin ng anak ang mga magulang,pero ang magulang Hindi kayang tiiisin ang mga anak”😭

  • @akosim002080
    @akosim002080 Před 11 měsíci

    Isa lang ang nanay sa buong buhay naten. Pagkakataon naten to na makakuha ng malaking blessings kay God through sa kanila kse the more mo mamahalin at aalagaan ang parents mo, napapalapit kayo kay God.

  • @alekd9324
    @alekd9324 Před 11 měsíci

    Naiiyak naman ako huhuhu sa mga tao diyan na may magulang pa.. Iparamdam niyo yung pagmamahal kasi maiksi lang ang buhay :(

  • @juandelacruzkusineronglakw8717

    😭😭😭😭 nay belated Happy mother's day in heaven happy mother's day to watching from japan......😭😭😭🇯🇵🇵🇭

  • @reynaldodelfin5889
    @reynaldodelfin5889 Před 11 měsíci

    Napakagaling maghandle Ng host..god bless po mother..

  • @zialouiesderoy2719
    @zialouiesderoy2719 Před 11 měsíci

    Naiyak Ako habng Buhay magulang mhalin Po ntn nsa huli pg sisi pg nwla n cla Lalo n mga nanay ntn pg sila nwla Ms msakit

  • @dalluxury777
    @dalluxury777 Před 11 měsíci

    😢😢😢Napaluha ako kc ramdam na ramdam mo yong pangungulila ng INA sa mga Anak ❤😢

  • @maryannnongpibulandanka-mw8232

    Omg sana naman sa mga anak spend your time with your mom, pare-pareho naman kayong asa Pinas mas may means kayo na madalaw mommy nyo. Kaming mga nasa abroad nga gusto naming makasama magulang namin pero super layo namin kaya sa min n lng ang videocall sa inyo personal nyo pwedeng makita mom nyo kaya sana maglaan kayo ng time for her lalo na mag isa n lng sya❤❤❤

  • @milagrosbautista3593
    @milagrosbautista3593 Před 11 měsíci +2

    Totoo yan ganyan din yun feeling ko sometimes 😢

  • @valdoo-bm2ws
    @valdoo-bm2ws Před 11 měsíci

    Why am i loved only when im gone ika nga sa kanta,so sana habang nanjan pa make them feel loved..baka kasi pagdating ng panahon sobrang pagsisihan nyo.

  • @nienax
    @nienax Před 11 měsíci

    hndi ko namalayan tumutulo n luha ko hbang pinapanood ko to. matagal ng namatay nanay ko 2003 pa, after ilang years tatay ko nman, pareho nandun ako s ospital habang revive cla, ng mamatay cla hanggang mailibing hndi ako makaiyak hndi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang sakit ng pagkawala nila... kaya sna s mga anak ng kontestan habang may panahon p cla samahan ang mga magulang lalo n may edad n cla at nagiging maramdamin n cla higit kailangan nla ang pagkalinga.

  • @marivicprajenog3822
    @marivicprajenog3822 Před 11 měsíci

    Swerte din kami ng aking asawa kasi dinadalaw kmi ng aming mga anak,at ang isa kahit napakalayo tudo support sa aming mga kailangan,lahat lahat na, salamat sa diyos.

  • @georgeuson3725
    @georgeuson3725 Před 11 měsíci

    Yung mga anak nito ay never masasabing successful in life because they failed to love their mother. This is a cry for help scenario hindi nasusukat sa pera ang success kundi happiness Thank God sa mga anak na inaalagaan ang kanilang magulang.

  • @rrv9082
    @rrv9082 Před 11 měsíci

    Galing ni Ryan, apaka sensible! ❤️

  • @teresitapena7153
    @teresitapena7153 Před 11 měsíci

    Nakakarelate ako sa inyo Ate.ramdam ko rin yan

  • @jhovenacepcion9347
    @jhovenacepcion9347 Před 11 měsíci

    Mahalin nyo magulang habang buhay pa buti nga kau may nanay sana mahalin nyo nanay nyo.

  • @maldita5607
    @maldita5607 Před 11 měsíci

    Grbe ang iyak ko... Pls nmn dlawin nyo nmn mama nyo pslamat kayu buhay pa mama nyo tandaan ang Salita nasa huli ang pag sisisi.... 😢I miss my mom too she's in heaven now 😢namatay nlng xa hnd pa ako nka. Pag sorry xa kanya. 😢

  • @nepdrocs9919
    @nepdrocs9919 Před 11 měsíci

    Iba ang magulang dapat pahalagahan kc di natin alam kailan mawawala ang magulang ... dapat bigyan din tym ang magulang lalo konti balang ang oras or yrs...

  • @jonnelantivo9416
    @jonnelantivo9416 Před 11 měsíci

    Para naisip ko mama ko sa probincya gusto Makita kaso salamat din sa video nato tv5 tvj tnx Po

  • @xohee0905
    @xohee0905 Před 11 měsíci

    napaka swerte nyo nga may nanay pa kayo. kame ng mga kapatid ko kahit gusto pa namin ng nanay kaso kinuha na siya ni Lord..siguro ngayon realized na ng mga anak ni nanay ung pagkukulang nila..

  • @neniejosefinanaorbe3124
    @neniejosefinanaorbe3124 Před 11 měsíci +1

    Umiyak talaga ako jan grabe