Bawat Piyesa (Secret Verse Ver.) feat. syd hartha (Official Lyric Video) - TONEEJAY

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 26. 10. 2022
  • "Bawat Piyesa (Secret Verse Ver.) feat. syd hartha" (from the forthcoming "Kasama Kita" album) OUT NOW on all streaming platforms: bfan.link/bawat-piyesa-svv
    BAWAT PIYESA (Secret Verse Ver.)
    Bawat ngiti, bawat luha
    Bawat gising, bawat pikit
    Bawat hangin na tinatanggap
    Bawat buga
    At habang ika’y
    Yinayakap nang maigi
    Binubulong ang
    Dalanging ‘wag sana
    Maglaho sa hangin
    Ang bawat piyesa na bumubuo sa’yo
    Bawat piyesang nawa’y mapasaakin
    Habambuhay
    Dito ka na lang
    Habambuhay
    Dito ka na lang
    Habambuhay
    Dito ka na lang
    Habambuhay, habambuhay
    At kahit na hindi na nagkikita
    Parating iniisip ang mga
    Segundong ikaw ang aking nakakasama
    Sinta
    ‘Wag kang bibitaw
    ‘Wag kang mawawala
    O, aking dinadala
    Ang bawat piyesa ng ikaw
    Ano'ng gagawin kung wala ka?
    Ano'ng gagawin kung wala ka?
    Ano'ng gagawin kung wala ka?
    Kung wala ka?
    #BawatPiyesa #SecretVerseVer #sydhartha #OfficialLyricVideo #TONEEJAY
    --
    "Bawat Piyesa (Secret Verse Ver.)," written by TONEEJAY
    Featuring syd hartha
    Produced by Ean Aguila
    Vocals recorded at Kosmik Island Studio (Tracked by Dan Tañedo)
    Mixed by Shadiel Chan
    Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
    Special thanks to:
    Blaster Silonga & family
    Araw Sa Gabi (Management)
    VIDEO CREDITS
    Edited by Gleniel Chua
    Photos by Nukie Timtiman
    #BawatPiyesaSVV #TONEEJAY
  • Hudba

Komentáře • 960

  • @TONEEJAY
    @TONEEJAY  Před rokem +524

    KASAMA KITA ALBUM OUT 2022

  • @christianmanlugon5525
    @christianmanlugon5525 Před rokem +292

    I'll leave this comment so if someone commented or liked this, it means it's time for me to listen/watch this masterpiece again.

  • @rheinheartgarcia2371
    @rheinheartgarcia2371 Před rokem +80

    I'll leave this comment so if someone commented or liked this, it means it's time for me to listen/watch this masterpiece again. (#)

  • @lunti0wl
    @lunti0wl Před rokem +1126

    *sinuntok ang ere at umiyak*

  • @cct972
    @cct972 Před rokem +273

    To the kids of this generation,
    Sana at some point of your lives, you realize how valuable the time you spend with your parents. Please do more, because you never know what could happen tomorrow. Everyone is pre-occupied with things that really don't matter. Cherish each moment with your parents habang nabubuhay pa cla.

    • @uknowwho21
      @uknowwho21 Před 10 měsíci +1

      Damn this hits hard 🥺

    • @ElizhahGallego
      @ElizhahGallego Před 7 měsíci +2

      Pero di nila alam mauuna ako sakanila😈😈😈😈😈Graaaahhhh😈😈😈

    • @loraingabriel6096
      @loraingabriel6096 Před 5 měsíci

      As I read ur comment, pinakinggan ko uli, sakit.

    • @ssb2lostplayer926
      @ssb2lostplayer926 Před 3 dny

      ​@@ElizhahGallegoif you're going to unalive yourself (don't please), just know that someone else is going to carry the burden you face but double and also you are going to a place which you would not love.

  • @agosmabini
    @agosmabini Před rokem +775

    Early 2020, yung original version ang halos naging theme song namin. Napakasarap naman kasing umasa sa pag-ibig na tila laging pinagtatagpo ng tadhana. Sino nga ba ang hindi kakapit sa pag-asa na against all odds e finally nandoon na kayo sa punto na eto na, nagawa n'yo na maging katuparan.
    Kaso late 2021, hindi nagwork. May mga ego na hindi kayang iset aside. May mga bitbit na hindi pa nabibitawan. And siguro itong secret version ang para sa amin talaga. May mga pag-ibig na dadaan pero hindi mananatili, hanggang sa matututunan mong maging masaya na at least kahit papaano naranasan mo.

  • @punzalankhylac.8822
    @punzalankhylac.8822 Před rokem +996

    WAG NA WAG NYONG IAALAY ANG BAWAT PIYESA SA MALING TAO PLEAAAASEEE

  • @jijimaluhia
    @jijimaluhia Před rokem +349

    my mother is battling a cancer, and this is the song that i listen to on my low moments or when it's her chemo week. the line "dito ka na lang habang buhay" and "anong gagawin kung wala ka", perfectly describes my desperation that she stays with me forever, though i am aware that we are bound to leave someday and with the secret verse, it brings comfort to me na, not everyone will stay, and if the time came that i won't be able to see them again anymore, i'll just go back to the memories we made.

  • @faustina7256
    @faustina7256 Před rokem +122

    the line “anong gagawin kung wala ka?” of bawat piyesa sounds like asking that question to yourself. wondering where will you be in life without being independent enough to carry yourself and to sail the ocean of your existence. “dito ka na lang habambuhay” part basically tells you to hold on, to keep going, and to stay existent no matter how hard life may treat you. the whole song is telling yourself that at the end of the day, someone you can only depend on is you.

  • @liabutterfield3222
    @liabutterfield3222 Před rokem +59

    This is not a Secret version, this is the Heavenly version.

  • @llorinyuriandreip.7765
    @llorinyuriandreip.7765 Před rokem +157

    Napaka lalim ng kanta--
    Binubuo ang bawat Piyesa,
    Pumapasok sa tenga--
    Kinikiliti ng bawat letra
    o sana'y maramdaman ko---
    ang iyong presensiya,
    na kahit alam kong wala na--
    Ramdam ko ang iniwan mong
    'Ala-ala'
    Kung mayroong,
    'Bawat Piyesa'
    ay sana,
    mabuo
    ulit
    ang
    dating
    ako
    kahit
    wala
    ka na"

  • @maryjeanhernando3499
    @maryjeanhernando3499 Před 2 měsíci +4

    Paborito itong tugtugin at kantahin ng kapatid ko. Ngayong pinapakinggan ko, lalo akong nalulungkot. He died last January 26, kasama ang papa, pamangkin at aso ko. Namatay sila sa sunog. Sobrang hirap na yung pamilyang nakasanayan mo, wala na. Sana, dito na lang kayo habang buhay, kasama namin. Miss na miss ko na kayo.

  • @Luna-zo1qs
    @Luna-zo1qs Před rokem +47

    "anong gagawin kung wala ka?"
    -iiyak tuwing maaalala ka at tuwing maaalala yung memories natin together
    -mamiss ka habang-buhay
    -titigan ko mga picture natin
    -papakinggan ang boses mo
    -manghihinayang sa atin dalawa
    -hindi uusad
    -mag-hihintay sayong pagbabalik

  • @meanjoyompad72217
    @meanjoyompad72217 Před rokem +78

    Bawat Piyesa is dedicated to my mother. S'ya yung araw araw ko hihilingin na saana wag mawala sa'kin yung Nanay ko. And Tj, thank you again for making me cry chz the best huhuhu more collab pa puuuu with madaaaam

  • @jasonxadora
    @jasonxadora Před rokem +12

    I saw someone posted a comment about his/her mom battling cancer. My mom died of breast cancer on January 29th of 2022 and ever since I heard this song, I would play this for weeks until today. We cannot bring back the person back, only the memory that was made. She was so precious, my mom. and if everything else, I wish I could hug one more time. Just one more time, I beg. I miss her so much that every time I hear this song I would scroll on my gallery just to feel that I am with her.
    To anyone and to the writer of this masterpiece, hug your mom for we are not sure tomorrow

  • @myrepolda
    @myrepolda Před rokem +88

    Para sa sarili kong hindi napapagod magmahal kahit paulit-ulit na nadarapa at nasasaktan. Sa pagkakataong ito, sana'y huwag ka nang mawala at bumitaw, dahil iingatan ko na ang bawat piyesa ng ikaw

  • @x.xxelaine_
    @x.xxelaine_ Před rokem +260

    this is my comfort song everytime na nakakaramdam ako ng existential crisis. thanks for always saving me, kuys! 🤍🤍🤍

  • @adavenzon7437
    @adavenzon7437 Před rokem +19

    dati pinapakinggan ko tong "bawat piyesa" nang may kasama, ngayon isa na rin siya sa naging kahulugan ng "bawat piyesa".

  • @jeraldjulian4988
    @jeraldjulian4988 Před rokem +16

    Hello dada! Most probably you'll play this song once na mapakinggan mo 'to. Eto na 'yung comfort song ko lagi kahit na nalulungkot ako and namimiss ka. I hope you're doing well diyan sa heaven or wherever you are. Guide mo kami ha. Thank you sa lahat.
    My Kuya passed away nitong Oct lang due to severe leptospirosis. He became our defendant sa lahat ng bagay. He spoils me sa mga gusto ko every time na may gusto akong ipabili. Unfortunately, nagbago lahat nung nawala siya. He deserves the world, he deserves to have a happy family in the future. Hindi niya pinakita na mahina siya or malungkot from his very last moments. He is still joking around sa'min na kahit alam namin na nahihirapan na siya. Hindi niya pinakita na masakit 'yung pagtitiis niya. Mahal na mahal niya kami including his gf na super special sakanya. He never gave up, lumaban siya hanggang sa huli niyang laban. Maybe 'yung mission niya sa'min ay tapos na. Thank you sa mga taon na napadama mo samin dada. I won't ask for more. I'll see you in our next life ha? Tutuparin ko lahat ng pangarap na naiwan mo. Thank you dada. I'll still choose you to be my brother. We miss you everyday. Ingat ka diyan.
    "Dito kanalang habang buhay" kung pwede lang talaga. Pakinggan mo 'to haaa. We always love youuuuu. always.

  • @Mr.Sadista
    @Mr.Sadista Před 5 měsíci +6

    “This is for the people who doesn't want to lose a certain person in their life yet they already lost that particular person.” I’ve sticked to this meaning as I was listening to this song, whether if it's the original version or the secret verse version. The original was more on conveying longing for that person to still come back while this version depicts acceptance that that person would never come back.
    I am within the two concepts I said, I still hope for that person, those times to come back, because I felt that it wasn't enough, that I am too late. Not conveying your feelings to that person and that person drifting away from you as time goes by, until you already can't reach it. That was what happened to me, I never confessed, I was so late, and I was regretful that I didn't have the courage to confess. I'm listening to Bawat Piyesa to ease this certain longing and that the song describes what I wanted to say, what I should've said, and what I'm saying inside me now.

  • @serenaam6276
    @serenaam6276 Před rokem +148

    "Huwag kang bibitaw, huwag kang mawawala
    Oh, aking dinadala ang bawat piyesa ng ikaw
    Ano'ng gagawin kung wala ka?"
    "Dito ka na lang, habang buhay"
    Everytime I get low it's this song and this particular line that saves me. And actually one of the reason why I am still here:)). The secret verse got me in tears, when I first heard it from you, and now when syd sang it again i'm legit in tears no more explanation I love it. that's why thank you so much kuya tj, thank you so much munimuni for making such great music. Love you guys so much

  • @marilyncapungha4888
    @marilyncapungha4888 Před 6 měsíci +19

    Sa akin po nman may masakit din na memory kanta na ito dahil ito yng pinapatugtog lagi ng anak ko habang sya ay patulog na, pero nuong nv 1 isinugod ko sya sa hospital tinubuhan po sya pagdating ng 15 days namatay po sya😢😢😢sibrang sakit po at nuong november 26, 2023 lang oo sya inilibing 4th year college napo sya nag practice teaching napo sya😢😢😢gagraduate napo sana sya ngayon kaso wala na sya😢sobrang skit po,kya lgi nmin pinapatugtog ang kanta nato😢😢😢😢ang 40 days nya ay pasko december 24, 2023😢😢😢😢

  • @zhouyouran7758
    @zhouyouran7758 Před rokem +16

    I sang this song to the loveliest lady I've ever met a few months ago. In which she smiled the whole time while her eyes were locked on mine. Grabe yung feeling, it really felt like time stopped. Hindi ko na inisip kung ano yung next lyrics and just sang my heart out. For a social gathering, naging sobrang tahimik while I kept singing nung tinulak na kami sa gitna para sumayaw.
    Sobrang magical, sobrang hindi mo na maeexperience ulit ever again in your life.
    A month ago I came across Bawat Piyesa secret verse live video dito sa youtube. It devastated me as last month was really a cruel time for me. What we were having was gone all of a sudden and I had nothing else to do but accept it.
    Wala syang ginawang mali, wala din akong ginawang mali. Pero hindi gumana yung hiling ko bawat 11:11 na magsama kami habambuhay.
    Now I found this official lyric vid. Even if sabi ko I accepted it already, kusa lumabas na gusto ko padin syang mag stay, habambuhay.
    ++
    Naglaho ang bawat piyesa nya sa hangin
    Ngayon, tanggap ko nang di sya para sakin.

  • @Thebamnity
    @Thebamnity Před rokem +21

    I just recently discovered this song. 😅 I was stucked in a relationship for 12 years. Kinulong ko yung sarili ko sa trauma, sa sakit at sa nakaraan. I dedicate this song to you, Benjie. Thank you for saving me from that relationship. It took me 2 yrs to realized . Pero it is what is! You saved me! Yun ang mahalaga. Sana dito kana lang habambuhay... but I cannot stop thinking paano kung mawala ka rin sakin. I still have the patterns from that trauma. I don't want to fail. I am scared na iwan mo ako dahil naging toxic na rin ako dahil sa mga pinagdaanan ko. Mahal na mahal kita, bb! I am preparing myself for whatever might happen in the next few months. Pero I also don't want that to happen. Dito kana lang... 😢 I know that everything happens for a reason. I met you for a reason. Sana hindi lang yung pagsave mo sakin from that misery yung reason. I want it to be you. 🥺😭

  • @Roc6Dongalo
    @Roc6Dongalo Před rokem +15

    This song hits home.
    It's been almost a month since mom passed because of brain aneurysm. Even though I know she's in a better place, with no sickness nor pain, it still hurts me to think it will take a long time before I see her upstairs. As a part of my coping process, I am working on an album dedicated to her. Her last favors to me were to finish my law school journey and be eligible for the CZcams partnership program aka be monetized. I saw it when she was on her last days as she was the one to enroll me in Law school and she would eagerly talk to people to invite them to listen to my tracks. I am a performance poet and a hiphop artist. I first heard of Toneejay and his former band because the shop I printed copies of my mixtapes was the same shop where in they printed their album. Keep doing great music, kuys.

  • @annjacinto
    @annjacinto Před rokem +24

    My breakdown anthem as of now. Nagcchange talaga perspective ko sa song depende sa sitwasyon ko ngayon kasi for me, this song applies to all. Pwede to sa jowa mo, mahal mo sa buhay na nasa heaven na, or pang break up playlist mo. And if you try to understand every lines, especially the "bawat piyesa" grabe goosebumps.
    PS: Muni-muni was introduced by my ex and now one of my fave band. And Bawat Piyesa was my fave song.

  • @hannahrosedeleon8231
    @hannahrosedeleon8231 Před rokem +29

    During the early stage of our relationship, the original part was the song I kept playing in my head whenever I am with him.
    Ngayon, the secret version is the one I'm currently listening to ease the pain because I am at work and hindi pwedeng magdrama. People say you shouldn't dedicate this to the wrong person. I'd like to think that he's not the wrong person for me. Because he literally saved my life. And even if it didn't work, he's the person I'd still dedicate this song to because I don't think I'll ever be complete without him. He really was the missing "piyesa" I was looking for.

  • @PetersonAro
    @PetersonAro Před 2 měsíci +1

    Na discover ko to dahil sa baby ko wala pa syang isang taon, eto ang favorite nyang song pampatulog❤

  • @alliaalejandro9385
    @alliaalejandro9385 Před rokem +90

    Para sa aking sarili,
    "Anong gagawin kung wala ka?"
    "Dito ka nalang habambuhay"
    I will never lose you again. 💜

  • @xin9132
    @xin9132 Před 8 měsíci +3

    binabalik balikan ko dati yung kantang 'to dahil sa isang taong bumuo sakin, nag paramdam sakin kung gaano ako kahalaga. Pero may mga bagay talaga tayong 'di natin mapipigilang mangyari. When love song turns into sad song nga naman.

  • @meynr.8355
    @meynr.8355 Před rokem +9

    It's 1:50 am and i'm crying. Whenever I need space, need to breathe and rest, this song is my saving grace. I can cry at ease.

  • @kailakayewan6457
    @kailakayewan6457 Před rokem +4

    i had gf i met online, she dedicated to me the "bawat piyesa" by munimuni, and that became my favorite. i always cry every time i hear that song.
    "anong gagawin kung wala ka?" we always ask each other that, we are the type who are afraid of being separated from each other.
    and now 3 months na kaming wala sa tuwing napapakinggan ko yung bawat piyesa bumabalik lahat, puno na ako ng pangungulila lagi pa rin akong naiiyak.
    Bawat Piyesa Secret Verison
    my fav now, na ako nalang din mag isa nakikinig hindi na siya kasama. but i'm happy for her‚ if she ever saw this i love you so much take care and i always look out for you

  • @ninyao
    @ninyao Před rokem +16

    ang ganda ng secret verse 😭😭😭 I'm so glad syd hartha did it!! perfect artist para sa verse!! bagay na bagay

  • @markaaronmelvinroxas4927
    @markaaronmelvinroxas4927 Před rokem +75

    Hi, TJ! Thanks for this song. Syd fits perfectly, too! Actually sobrang ganda even the original. I proposed to my 'then-girlfriend' last month. And had the "Bawat Piyesa" engraved on her ring. It's perfect. Everything's perfect. Ikaw ang isa sa pinakamatatag na dahilan bakit mahal na mahal ko ang opm (Also, there's Dancel, Danao, Dumas, Over October, Muni, BnB, Lola Amour, at napakarami pang iba). At isa ka sa mga may ambag paano ko nasurvive ang clinical depression wayback 2019. Please do not get tired on sharing your music and heart to us. Maraming salamat, TJ! I am so lucky to live on the same era as you. Thanks to our OPM artists as well. Pinangarap ko rin magpropose non habang kinakanta mo to sa gig or what. Sana, makapag gig ka sa Tarlac or Pampanga soon. Hahaha. Ingat kayo ni Sam! Shet, sabay din tayong nagpaplano ng kasal sa lifetime na to. Hahahaha. Anw, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT!!! Pangarap kong makanta mo to sa araw ng kasal namin. Sana mapansin mo ko kapag nag reach out ako sayo next year. Again, Thank you so much, TJ!

  • @scammahunter
    @scammahunter Před 2 měsíci +2

    I'm sick, and I think I might be dying. I'm glad I found this song before that time comes.

  • @tatoanthonyjand.9603
    @tatoanthonyjand.9603 Před rokem +4

    this songs reminds me how i am desperate, desperate to be loved and by all means i know my self that im not a perfect and i already repent my sins as a human as a boyfriend,friend,son hoping for a better future for all of the listeners of this song

  • @francoisforever
    @francoisforever Před rokem +20

    somehow, with the choir-esque production and airy vocals, toneejay and his team were able to bring out emotions unheard of in the original. this sounds fragile, almost like a trembling cry. it's more desperate yet acceptive. like of course i don't want you to go. i want you to stay here, forever. but if you do, that's alright too, you'll always be etched into my memory. with the addition of syd and the secret verse, this won't be seen as just a rehash of the original, but a creation entirely of its own. loveu tj. ♡

  • @kei_0072
    @kei_0072 Před rokem +7

    2019 i dedicated the original munimini version to this one girl i fell in love,lost, and returned. 3 years later nawala ulit sya and this is a perfect continuation to an bitter sweet end.

  • @alychives
    @alychives Před rokem +7

    thank you so much kuya tj, you don't know how this song saves me every time im in chaos.
    this august 2022, i met this guy on tiktok live. he became my happy crush until nagfirst move siya sa dc, it's so magical for me.. I fall for him. hanggang sa umamin na ako and he said na he liked me too, everything went so smooth and happy. he is my home
    not until this september he said na itigil na daw namin. I cried so hard that day, I wish that i can go back to the time na we are still happy with eachother. sobrang dami kong sana, sana hindi siya natakot magrisk sakin, if hindi kaya siya natakot that day it will make a difference? It still hurts until now, siguro hindi lang talaga ako worth the risk kaya hindi niya ako nagawang piliin. I will be always that second choice.

  • @jobs408
    @jobs408 Před rokem +3

    Lagi kong kinakanta sa kanya yung song na to.
    Sobrang paborito ko yung part na "at habang ika'y niyayakap ng maigi, binubulong ang dalanging wag sanang maglaho sa hangin..."
    Ngayon wala na siya. Wala nang kami.
    Pero tuwing kinakanta ko to, parang kasama ko pa din siya.
    Kahit papaano nagkatotoo pa din yung "dalangin" ko.

  • @minsaneveryday7655
    @minsaneveryday7655 Před rokem +3

    sa ngalan ng bawat piyesa ni tj papasa ako 🤞🏻🤞🏻🤞🏻

  • @joeperhardin9394
    @joeperhardin9394 Před rokem +4

    Sana sa susunod na taong gagamit at pag gagamitan ng "Dito ka na lang habang-buhay" sana manatili na habambuhay

  • @angelozuniga878
    @angelozuniga878 Před rokem +2

    Pinanood ko ito nung nag concert si Toneejay sa Quezon Convention, nung ako ay nakikinig and nakaramdam ako ng hinagpis sa aking buhay. Naiiyak na ako sayo toneejay sa kantang na sinulat mo.

  • @yeshua2764
    @yeshua2764 Před rokem +21

    “at kahit na hindi na nagkikita, parating iniisip ang mga segundong ikaw ang aking nakakasama, sinta.”
    Had a girlfriend and munimuni became our comfort band. We waited hanggang sa ma-release ‘yung 'kulayan natin' album last 2019 and bawat piyesa became our favorite. Pero ngayon nung ni-release ‘yung secret verse wala na siya.
    “anong gagawin kung wala ka?”
    Gano’n pala ‘yung pakiramdam na nasanay ka na sa isang tao, parang hindi na ko makahakbang pang muli. Hindi alam ang gagawin kapag wala ka sa aking tabi. I miss her warmth that gives me assurance that I am not alone. Sa araw ng iyong pag alis, hindi lang ako ang iniwan mo. Iniwan mo rin ‘yung puso kong ikaw ang bumuo pero ikaw rin pala ang sisira. You are my sunny days and my stormy nights. Sobrang saya natin ngunit bakit parang wala talagang nagtatagal na masaya? Sobrang sakit. Siguro balang araw, makakaya ko ng tignan ‘yung mga litrato mo ng walang tatakas na luha mula sa aking mata. Siguro maaamoy ko pa ‘yung pabango mo pero sa ibang tao na. Siguro balang araw, ngingiti rin ako kahit hindi na ikaw ang dahilan. Alam kong hindi na tayo babalik sa kung ano ang meron tayo dati, pero ang tanging alam ko lang palaging ikaw ang aking solomon, ang aking simula, ang damdaming ko’y sa’yong sa’yo. Ikaw ang dahilan ng aking pag ligaya, at ng aking pagluha. Mahal na mahal kita.

  • @PreciousQ1
    @PreciousQ1 Před 6 měsíci +8

    sorry TJ, hanggat masakit pa rin - babalik at babalik ako dito.

  • @Jayceey
    @Jayceey Před rokem +10

    Our lives are better when we have a new music from Toneejay to listen to

  • @user-be8ml4ni2f
    @user-be8ml4ni2f Před rokem +2

    Ngayon ko na lang ulit narinig ganitong style ni Syd sa pag kanta! 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

  • @marksantos9035
    @marksantos9035 Před 10 měsíci +1

    When I hear this music naalala ko ang mommy ko. last 2020 she got covid nasa Australia ako that time. All I can do is cry and listen to this song as ayokong mawala siya pero alam ko lahat naman may katapusan at may magpapaalam. I remember I was crying while im cleaning and mopping the floors in warehouse kung san ako nagttrabaho dahil nde ko kaya dinudurog ung damdamin ko. Ngaun na nakauwi nako and 1 year na sa pilipinas I miss her so much but I would preferably not being sad but happy just to not worry my mom kung nasan man siya ngaun. I love you mommy kung nasan ka man naiwan mo ang bawat pyesa ng pagmamahal mo na habang buhay kong pagpapahalagahan.

  • @el1czx
    @el1czx Před rokem +7

    hanggang ngayon nag aantay parin ako

  • @barbarabarbie9013
    @barbarabarbie9013 Před rokem +3

    I always listen to this song, this is my favorite. This song always calms my heart yet kinda makes me feel sad at the same time. Alam mong ikaw palagi ang pipiliin ki kahit na may times na palagi akong sumusuko sa ating dalawa, it hurts sa totoo lang and I don't want to deny it. Mahal na mahal kita and I'm wishing na ikaw ang magiging ending ko. Masyado na tayong maraming sakit na pinagdaanan at sana this time tayo parin hanggang sa huli. Hindi ko alam kung paano kung wala ka, kaya dito ka nalang habang buhay.

  • @chrive_addyson
    @chrive_addyson Před 7 měsíci +2

    Gusto ko syang manatili, pero napakahirap mag beg sa isang taong hindi sapat yung nararamdamang pagmamahal sayo. Hindi ko rin alam kapag nawala sya pero ang hirap kapag ikaw nalang mag isa yung sumasalba sa relationship nyo.

  • @jag.6481
    @jag.6481 Před rokem

    One of my favorites! we love listening to this song together 🥺

  • @kayevillanueva8671
    @kayevillanueva8671 Před rokem +4

    thank u sm tj and syd!! may iiyakan nnmn ako gabi-gabi🥺💌 love u both!! dito lang kayo habang buhay🤧

  • @gabemoreno5381
    @gabemoreno5381 Před rokem +3

    Toneejay and Syd, thank you for your wonderful collaboration. Napakasolid! 🥺❤️

  • @ljmk1999
    @ljmk1999 Před rokem

    I love this song so much, glad that I supported you tj. I love you and your works so much.

  • @hadjee_
    @hadjee_ Před 7 měsíci +1

    nagsisisi akong di pumunta kagabi sa slu😭 ngayon ko lang nalaman na ikaw pala yung isang vocalist sa munimuni. munimuni was my comfort during 2020-2021 (pandemic era) 🥺

  • @mikaellasantos4037
    @mikaellasantos4037 Před rokem +5

    BAWAT PIYESA IS ONE OF MY FAVORITE SONG OF ALL TIME GUSTO KO SIYA IPAGDAMOT SA IBA PERO HINDI PWEDE AAAAAAAAAAA DESERVE MAKILALA MORE SONGS TO COMEEEEE!!!! THANKYOU SO MUCH ✨🙇🏻‍♀️

  • @juliacuaresma2204
    @juliacuaresma2204 Před rokem +4

    the original verse of bawat piyesa was our theme song of my greatest love, I hope he'd listen to this also, I can stay up all day listening to this heart warmth-melting song anyw those new plunged lyrics says what i felt until now for him

  • @PHB_Hutselen
    @PHB_Hutselen Před rokem

    napakaganda! anlupit mo talaga idol tj at anggaling mo ate syd sheeeesshh

  • @ernesttorrado7209
    @ernesttorrado7209 Před rokem

    Nakatulog ako kagabi, ngayon ko pa lang pinapakinggan. Salamat TONEEJAY at syd hartha!

  • @sisigcodm
    @sisigcodm Před rokem +4

    I dedicated this song sa pinakamamahal ko. Sadly we broke up because of what I did. Siya yung naging babaeng ayaw kong palitan, siya yung babaeng ayaw kong mawala, na sana habang-buhay kasama ko siya. Naging part na rin siya ng buhay ko. Ikaw lang ang mananatiling bawat piyesa ko mahal :)) i hope you see this nami :)) mahal na mahal kita.

  • @nei7402
    @nei7402 Před rokem +3

    grabe yung guitar lang ansakit sakit na, the original has been a special place in my heart then this secret verse added a whole lifespan of mine, maraming salamat tj! this is always my fave akin na tong secret verse na 'to.

  • @uhmzz6351
    @uhmzz6351 Před rokem +1

    Nagsisisi ako na ngayon ko lang narinig ang mala anghel na boses mo syd 😍😍

  • @fionaalaps
    @fionaalaps Před rokem +1

    this will always be my comfort song 🥺 thank you tj and syd for this version, sobrang gandaaa 🥺🤍

  • @miaonabat
    @miaonabat Před rokem +5

    We used to sing together the part; Ano'ng gagawin kung wala ka.
    And I can still hear her voice singing it with convincing aura that represents; I will never leave you.
    It's been a year but I can still relive the nights I'm listening to it with such agony and questions.
    Now that I've exchanged my words and vows to my newly-potential soulmate, I can say that this version symbolizes a new hope for me that there is always someone who would love you sa tuwi-tuwina.
    Tandaan; Ang pagmamahal ay may kabalikat parating aral na dadamhin at dadalhin natin sa ating istorya, hindi mali ang magkamali ng minahal, ang manatili pa rin sa realidad mo na wala ng makahihigit pa sakanya para sa iyo, ay ang representasyon ng kamalian.
    Oras, ito ang magtatakda kung kailan mo malalaman ang sagot sa katanungang;
    Paano ang gagawin kung wala ka.

  • @REIGNXX1
    @REIGNXX1 Před rokem +6

    MARAMING SALAMAT, TJ AT SYD!

  • @twigs4602
    @twigs4602 Před rokem +1

    It's beautiful, it reminds me of her❤❤

  • @TheBlaze-tz7db
    @TheBlaze-tz7db Před 7 měsíci +1

    Mabisang kanta habang naka Tingin sa anak ko 🫶
    Salamat sa musika 🫡

  • @abadenriel9933
    @abadenriel9933 Před rokem +3

    "dito ka nalang habangbuhay"
    "Anong gagawin kung wala ka"
    These lines hit so hard

  • @coloneljoey3832
    @coloneljoey3832 Před rokem +2

    I dedicate this song to the someone that I love but I lost her. I really apologize that I messed up as your partner. Pinili mo pa rin ako kahit 'di ka pa totally healed sa mga nangyari sa'yo at sinubukan mo pa ring magmahal. Pero, gumawa ako ng mga bagay para bumitaw ka sa relasyon natin. Yung peace and comfort na binibigay ko, naging inconsistent dahil sa mga selfish and insensitive actions ko sa'yo at naging malayo ang loob mo sa'kin. 'Di kita napangalagaan nang ayos, at sa tingin ko, ubos na ang mga pagkakataon para makabawi sa'yo, para maiparamdam ko sa'yo yung pagmamahal na deserve mo. Takot akong mawala ka sa piling ko ngunit hinaharap ko na ito ngayon, at masakit pero consequence ito ng mga actions ko sa'yo.
    Best wishes for you, and I hope the love that you deserve will find you. You have always a special place in my heart where I keep your pieces that you gave to me. I love you, my lavender.
    -octopus

  • @elsszn
    @elsszn Před rokem +1

    mas lalong gumanda yung bawat piyesa nung narinig ko si syd 😭💗💗💗✨✨

  • @anne-rh7eh
    @anne-rh7eh Před rokem +1

    discovered toneejay recently and this one's my fav, a week passed and i still visit this vid just to listen to it. it feels nostalgic listening tothis. di naman ako brokenhearted pero tumatagos huhu

  • @ZaiyonYT
    @ZaiyonYT Před 9 měsíci +4

    IYAK NATIN TO GUYS

  • @gacispyonn7569
    @gacispyonn7569 Před rokem +3

    parang nakipag divorce ako ng 10 times sa kantang to

  • @mejoradasamanthaysabel5819

    sobrang sakit ng kantang to pero super relieving din at the same time. thankyou sa talento ninyo♥️

  • @dorai421
    @dorai421 Před rokem +1

    salamat sa musika huhu sobrang happy ng kaluluwa koooo👐 I love you both!! 🖤🤟🏼

  • @benedictavila5736
    @benedictavila5736 Před rokem +5

    The "secret verse" is everything I wanted to say with Bawat Piyesa. This time offer this song to the right person. Remember who brought your broken pieces together. Remember who "remained". Remain in that love.

  • @krazyvea7675
    @krazyvea7675 Před rokem +4

    bawat piyesa mas pinasakit ver.

  • @alliahmher9157
    @alliahmher9157 Před rokem +1

    I'll never forget this song. This has been my comfort song till now.

  • @hiroshi8780
    @hiroshi8780 Před rokem

    ganto yung pahinga na kailangan ko ngayon, salamat, TJ at Syd

  • @an6t0kw45
    @an6t0kw45 Před rokem +1

    Napakinggan ko ‘tong version n’yo nung mismong araw ng mga patay. Grabe rin ‘yong atake ni Syd Hartha sa kanta na ‘to. Na-interpret ko siya in a completely different way. Malapit na ang death anniversary ng tatay ko. Masakit para sa akin/amin na hindi namin siya nagawang ipaglaban hanggang sa mga huli n’yang sandali. May kirot sa puso na habambuhay kong dadalhin. Sa kabilang banda, panatag ako na dadalhin ko rin ang bawat piyesa na magpapaalala sa akin habambuhay ng kagitingan niya bilang isang ama, kahit na hindi niya ako sariling dugo at laman. Maituturing ko itong isang mahigpit na yakap. Maraming salamat dito, TJ & Syd. Nawa'y magkaroon pa kayo ng maraming proyekto nang magkasama.

  • @franchescavelasco9111
    @franchescavelasco9111 Před rokem +1

    goosebumps, salamat sa collab Syd and TJ!

  • @Maira-ou5pd
    @Maira-ou5pd Před rokem

    ang sarap iyakan. ang comforting. salamat sa musika💙

  • @sinitchikudo4100
    @sinitchikudo4100 Před rokem

    YOU REALLY COMFORT US TJ!
    Nice collab with SYD. Really appreciated the meaning of the songs. Super dama ko to everytime na i feel so alone in this world. It calms my heart.

  • @ellesgml2281
    @ellesgml2281 Před rokem

    may namimiss na naman ako. salamat sa musika niyo :)

  • @johnjefferson6677
    @johnjefferson6677 Před rokem

    Salamat TONEEJAY sa pag alay ng napaka gandang kanta🤍

  • @trinabares8767
    @trinabares8767 Před rokem

    Ilang araw ko palang pinapakinggan tong kanta na to, at habang tumatagal, nakakasakit na. Tumatagos na sa puso. 😢

  • @clarisaferranco2782
    @clarisaferranco2782 Před rokem +2

    This will be my comfort song. Salamat sa musika, Toneejay & Syd. Napakasolid!!🥺💖

  • @ammielbetis9474
    @ammielbetis9474 Před rokem

    Maraming salamat sa napakagandang kanta kuya TJ!

  • @karlyoung4280
    @karlyoung4280 Před rokem

    Paborito ko talaga to ❤️❤️❤️

  • @luwie728
    @luwie728 Před rokem +1

    it's been a while since the last time i listened to this song, and now i heard this again, hindi ko napigilang umiyak. this song will always have a special place in my heart. : ))

  • @maluyawallys.3833
    @maluyawallys.3833 Před rokem

    Naaalala ko palagi yung mga panahon na magkasama kami kahit saan, Ang ganda ng Piyesa na ito.

  • @myks234
    @myks234 Před rokem

    Ang relaxing talaga ng kantang 'to 💖💖✨

  • @musixty16
    @musixty16 Před rokem +1

    legit ang saya pag may kasamang syd hartha, abangan kita lods

  • @alexanemendoza7166
    @alexanemendoza7166 Před rokem

    I love you both :'(( Ang gandaa super.

  • @princessskye874
    @princessskye874 Před rokem +1

    salamat sa napakagandang musika, tj & syd! 🫶🫶🫶
    sarap sa pakiramdam na nilalaan ko ‘tong kanta na ‘to sa tamang tao!!! 🥹❤️

  • @sunoriii2889
    @sunoriii2889 Před 10 měsíci +1

    I'm on my begging phase hahaha, this song lives on my head rent free. Ang motto ko kasi "hindi ko kayang magmahal kung hindi ikaw ang mamahalin."

  • @Joshwaszap
    @Joshwaszap Před rokem +2

    I can't wait gusto na talaga kitang makasama love love❗ncl 💙🥶

  • @junalynalba630
    @junalynalba630 Před rokem

    when i listened to this song once again, i feel comfort. i just notice my self at peace while listening and not thinking of anything. i really felt the song. thanks for making me calm. :))

  • @stephenadante7676
    @stephenadante7676 Před rokem +1

    Will be my forever comfort song :))