PAG-IBIG SA MALING PANAHON | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS - COLLAB FOR ALL

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 1. 06. 2022
  • Hi guys... Thank you for visiting my CZcams.
    You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
    -------------------------------------------------------------------------
    Pag-ibig sa maling panahon”
    By: Junalyn Baquino
    Voice & edit : MERCY BLESS
    isang oras, tatlong minuto, dalawang segundo,
    pag-iibigan natin ay nabuo .
    ikaw at ako sa dalampasigan tumatakbo,
    sumasabay sa daloy ng hangin.
    nagkukwentohan habang nakaupo sa buhangin,
    sa apat na sulok ng baybayin,
    nagsimula ang pahina ng pagmamahalan natin
    magkahawak-kamay,
    sumasabay sa agos ng buhay.
    mga biruang walang humpay,
    mga salita ating sinasampay.
    bughaw na tela iwinawagayway,
    kasabay ng pagsayaw ng mga palay,
    kasabay ng mga matang nagtitigan
    simbolo na sa isa't isa'y magpapaagapay.
    ngunit isang araw biglang nag iba,
    ihip ng hangin pa kanluran na.
    ano nangyari sinta?
    asan na ang tamis at saya.
    yung kilig na abot hanggang pasipika,
    bakit naglaho nalang bigla.
    asan na ang mga pangako mo
    pangakong iyong binitawan,
    ngunit hindi pinanindigan.
    mga ibong saksi ng ating pagmamahalan,
    unti-unti nang nagsisiliparan.
    tadhana ang dahilan kung bakit tayo nagtagpo,
    si tadhana din ang nagbigay ng dahilan kung ba't tayo nagkalayo.
    pagbabalatkayo ay taglay ko,
    upang mapatunayan na ayos lang ako.
    makapal na maskara sa aking mukha ibabalandra,
    kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
    mahal natatandaan mo pa ba ang iyong sinabi,
    na ako lang hanggang sa huli.
    ngunit aanhin ko ang mga katagang yan kung wala din naman palang silbi,
    para akong pulubi.
    na sayo'y nagmamakaawang bigyan ng isang ngiti,
    ngiting sumisimbolo na ikaw at ako,
    ay makakabuo ng salitang tayo.
    ang dami mong pangako
    na lahat ay napako,
    nauntog ba ang ulo mo at nakalimutan ang mga ito?
    pangako mo'y tila tulad rin ng bula na mabilis maglaho.
    mga salita mong mala sagrado,
    matik may kasama palang pagkatarantado.
    mahal sa kamay mo'y meron ka ng ginto,
    ngunit ika'y umalis at naghanap ng tanso.
    ako'y luma na kaya naghanap ka ng bago,
    para akong laruan na hindi iningatan at tinago.
    utak ko'y natutuliro,
    durog na parang paminta ang puso
    mahal,
    sana hindi muna kita nakilala ngayon
    ang sakit kase magmahal sa maling panahon,
    sa dagat ng pangako mo ako'y di makaahon.
    lalo na't hinahadlangan ng sandamakmak na sitwasyon,
    sabayan pa ng mga matang sa atin nakatuon.
    mga nagsisilakihang mga alon,
    puso ko'y di na makatalon-talon.
    mahal natin ang isa't isa,
    ngunit sadyang magpalaro ang tadhana.
    pag-ibig sa maling panahon,
    akin ng ibabaon.
    sa basurahan ng pagluluksa aking itatapon,
    hanggang sa tangayin ng hangin ang larawan ng ating kahapon.
    Facebook Page
    / mercy-bless-1024176646...
    Tiktok
    tiktok.com/@mercy.bless
    Business Email
    mercyblesscollaboration@gmail.com
    Open Collab for all - send your original piece here :)
    spokenwordpoetry17@gmail.com
    Spotify
    in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.
    FAQs:
    Q. How old are you?
    22
    Q. Where do you live?
    In the Philippines
    Q. What camera do you use?
    I use a Canon M50
    Q. What mic do you use?
    Maono AU-PM422
    Q. What do you use to edit your videos?
    I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
    it depends on the video that i need to edit..
    Q. Every When do you upload?
    di ko rin alam haha
    music: • Heather - Conan Gray |...
    subs count: 206,000 subscribers

Komentáře • 13

  • @MacalinaoTv
    @MacalinaoTv Před 2 lety +2

    “Ganun talaga si tadhana laging mapaglaro, pero siya rin ang magdadala sa’yo sa paghilom at pagbangon sa susunod na kabanata ng iyong Love story…”❤️

  • @annamae104
    @annamae104 Před 2 lety

    Ang galing👏

  • @lunamae4595
    @lunamae4595 Před rokem

    Mahal kita sa maling panahon 😢

  • @margaretteuy8405
    @margaretteuy8405 Před 2 lety +2

    Nagpapaalam ka na ba talaga kaibigan bhabes 💗 iiwan mo na ako 😢 so Wala naman akong magagawa kung yan Ang gusto mo sadyang maling pagibig Ang ating naramdaman sa isat isa pinagtagpo tyo ng Tadhana pero pinaglayo din cguro nga hindi tyo para sa isat isa alam mo kung aalis ka na hinding hindi Kita makakalimutan Ikaw yun lalaking nagmahal sa akin ng wagas kung alam mo lang nasasaktan din ako umiiyak din ako kapag nagiisa alam mo kung Malaya lang ako hinding hindi Kita pakakawalan sa puso ko ibIGay ko Ang buong buhay ko kaso mukhang malabo Ang lahat kahit pangarap kong mapakasalan ka pero malabo Ang lahat kahit gusto kong bumalik sayo sanay mapatawad mo ako sa lhat ng mga kasalanan ko sayo pati mga pangako ko sayo na napako ng lahat ganon pa man hindi magbabago Ang lahat dahil Ikaw lang yun gusto ko kahit anong mangyari kahit mayron na akong kapalit sa puso mo dhil hindi naman Kita masisi dahil marami akong pagkukulang sayo pero wag mong isiping hindi Kita minahal kung d ko man maiparamdam sayo na Mahal kita sanay mapatawad mo ako alam ng dyos kung gaano Kita kamahal alam mo ba bhabes Bata ka pa marami ka pang makikila na mas higit pa sa akin at mamahalin ka ng tapat salamat sa pagmamahal na ipinadamo sa buhay ko naging parte ka dto sa puso ko kahit anong gawin natin at anong pilit kung talaga tyo tinadhana Wala tyong magagawa kung d Ang tanggapin masaktan at mahirap sa maling pagibig hindi natin hawak Ang ating kapalaran kung tyo ngay tinadhana bhabes hanggang sa huli wag mong pababayaan ang sarili mo alam kong masyado na kitang nasaktan sorry sa lahat paalam hm hm hm 😢😢😢

  • @Robloxpastebin292
    @Robloxpastebin292 Před 7 měsíci

    I'm about to write the poem that intitled "maling panahon sa maling tao"

  • @dietherrafael9139
    @dietherrafael9139 Před 5 měsíci

    ❤❤❤

  • @AshleyGuerrero-ft7po
    @AshleyGuerrero-ft7po Před měsícem

    Hello po, can I use this poetry po? School purpose lang po. Adaptation po kase gagawin namin

  • @MaRohilCosares-ld2cr
    @MaRohilCosares-ld2cr Před 4 měsíci

    Anong title ng background music?

  • @johnvilllegutierrez2524

    Pag asa babae

  • @jonhverjademercado5907

    Can I used this poetry?

  • @junalynbaquino3972
    @junalynbaquino3972 Před 2 lety

    Thank you so much po for the opportunity 🤍

  • @ruzeljhonagag1792
    @ruzeljhonagag1792 Před rokem

    Can I used this poetry?