Ang estado ng wikang Filipino (The state of the Filipino language)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 12. 09. 2024
  • Subscribe: / @rappler
    More videos on Rappler: www.rappler.co... Follow Rappler for the latest news in the Philippines and across the globe. Nakapanayam ng Rappler si Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, para kunin ang kanyang opinyon sa estado ng pambansang wika. Napag-usapan din ang mga hakbanging kailangang gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino.
    (Rappler talked to Virgilio Almario, chairman of the Commission on the Filipino Language, to get his opinion on the state of the country's national language. Also discussed were the steps needed to develop the Filipino language.) Follow Rappler for the latest news in the Philippines and around the world.
    Support independent journalism. Help us stay free and independent of political pressure and commercial interests: r3.rappler.com... Follow Rappler for the latest news in the Philippines and around the world.
    Support independent journalism. You can help power our investigative fund by donating to our crowdfunding: donate.rappler...

Komentáře • 30

  • @jefpalmertexas5032
    @jefpalmertexas5032 Před 6 lety +12

    Maraming-maraming salamat sa inyong ediya at panayam ukol sa ating sariling wika. Ako ay Texan-Pinoy, pero ang wikang Tagalog ay ang aking mahal. Nahirapan akong ibalik ang Tagalog sa aking pagiisip at pananalita. Sana, bawas-bawasan natin ang lengguahe na hindi sa atin. Kung kaya nating talikuran ang Espanol kaya din nating bawasan ang Engles.

  • @odesza2263
    @odesza2263 Před 2 lety +19

    Nandito po ako para sa assignment ko

  • @reynaldomiralles8475
    @reynaldomiralles8475 Před 10 měsíci

    Dapat Pilipino para magkaintihan ang Pilipino iyan isa sa dahilan hindi umuunlad ang Pilipinas.

  • @kiarajuesspoblete7875
    @kiarajuesspoblete7875 Před 8 lety +5

    Rappler, kailan po kayo maglalabas ng video about sa tema ng buwan ng wika ngayong taon? :) Filipino: Wika ng Karunungan...

  • @jumarkpelismino5632
    @jumarkpelismino5632 Před 6 lety +3

    Tulay-wika (lingua franca)

  • @HandyMan0086
    @HandyMan0086 Před 6 měsíci

    Ikinararangal kong kinuha ang kursong Batsilyer sa sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino.

  • @jorizmiguelcatalan1841
    @jorizmiguelcatalan1841 Před 2 lety +3

    Ipinagyayaman at nangangasiwa ng wikang Filipino o ang wikang katutubo ng ating bansa ngunit gumagamit ng salitang ingles... Hehe peace lng.

  • @andrewamahaguay6705
    @andrewamahaguay6705 Před rokem +3

    Paano pagyayamanin ang wikang pilipino sa susunod na henerasyon, gayong tayo'y nakatingala sa inpluwensiya ng kanluran?

    • @mjolninja9358
      @mjolninja9358 Před 7 měsíci

      Simulan mo sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga Gawang-Atin tulad ng mga pelikulang gawa ng kapwa Pilipino, mga awitin, mga bagay atbp. Pipiliin mo rin ang tinatangkilik mo, may mga bulok na gawang Pilipino at mayroon ding Mahusay na gawang Pilipino.

  • @tanthomasanthony7294
    @tanthomasanthony7294 Před 5 lety +1

    Well

  • @johncarlobernardo866
    @johncarlobernardo866 Před rokem

    well said

  • @Lambda346
    @Lambda346 Před 9 lety +8

    Ang madalas na napapansin ko po sa mga pahayag o lathalain sa mga pahayagan ay ang malimit na paggamit ng (tagalized) na salitang Inglish. Ang tumataginting pa sa utak ko po ay, may isang taon na po ito, ang paggamit ng salitang (ipinoste) gayong ang ibig sabihin po ay itinalaga. Ito po ay nangyari noong 2014 SONA ni PNoy. Maliban po dito marami pa po akong naririnig na salitang Inglis na isinatagalog kahit na may angkop na salitang tagalog para dito. Sana po iwasan natin kung maari ang paggamit ng (tagalized English words). Salamat po.

    • @BayaniMagtanggol
      @BayaniMagtanggol Před 6 měsíci

      Sa totoo lang ay masakit talaga sa tainga ang mga "tagalized english" na 'yan. Karagdagang halimba ay ang 'parking-an' imbis na paradahan. Nakabu-buwisit talaga.

  • @juliomandiaga9612
    @juliomandiaga9612 Před rokem +1

    Hindi naman kailangan pang mag-imbento ng salita upang manatiling salitang katutubo lang ang ating gagamitin sa pakikipag-usap at panunulat. Ngunit bakit natin pinapalitan ng salitang banyaga iyong mga salitang mayroon na tayo, tulad ng salitang pag-iisip, pinalitan na ng salitang mentality?

    • @mjolninja9358
      @mjolninja9358 Před 7 měsíci +1

      Lahat ng wika ay dumadaan sa pagkakaroon ng mga bagong salita, lalo na sa panahon kung saan alam natin ang bawat sandaling nangyayari sa iba’t ibang sulok ng kapaligiran. May mga salita na wala ng salin sa wikang Filipino tulad ng “Stop Light” “Washing Machine” “Elevator” atbp. Kaya’t kung ibig nating payamanin ang wika, kinakailangan nating bumuo ng mga bagong salita na katumbas sa mga aghimuang(teknolohiya) ito.

    • @BayaniMagtanggol
      @BayaniMagtanggol Před 6 měsíci

      @@mjolninja9358 Lahat ng wikang banyaga ay maaari nating bigyan ng kaukulang salin sa wikang pambansa. Subalit kakailanganin natin ang kasabikan (eagerness/willingness) ng Kagawaran ng Pag-aaral (Department of Education) para ito ay maisakatuparan. Dapat silang maglahad (produce) ng kumpletang opisyal na listahan ng lahat ng mga bagong salita na dati'y walang tuwirang salin sa wikang Filipino at ituro ito sa paaralan para matigil na ang papalit-palit (code-switching) na paraan ng pananalita.
      Ito ay mga mungkahi lamang:
      1. Stop Light - Tigil Ilaw
      2. Washing Machine - Makinang Panlaba
      3. Elevator - Pantaas
      Siya nga pala, namangha ako sa salitang iyong ginamit na pamalit ("aghimuang") para sa salitang "teknolohiya". Maaari ko bang malaman kung saan ito nanggaling? Salamat.

    • @BayaniMagtanggol
      @BayaniMagtanggol Před 4 měsíci

      @@mjolninja9358 Bagaman ako ay sang-ayon sa pangkaisipan na bumuo ng mga bagong salita upang matugunan ang kakulangan ng ating wikang pambansa ay, mayroon naman tayong salin sa mga banyagang salita na iyong inihalimbawa. Kung gugustuhin lang.

  • @ronycalunod640
    @ronycalunod640 Před 7 lety +5

    Filipino ay tao. Pilipino ay pambansang salita ng mga Filipino na ipinanganak sa Pilipinas (Philippines)

    • @youcantalwaysgetwhatyouwan6687
      @youcantalwaysgetwhatyouwan6687 Před 6 lety +4

      Rony Baliktad

    • @leobertthelmo4777
      @leobertthelmo4777 Před 5 lety +2

      Balikdad sau ginoong rony.

    • @mateo_ferranco
      @mateo_ferranco Před 2 lety +7

      Pilipino ay dating tawag sa Wikang Filipino.
      Ang Pilipino at Filipino ay parehas na puwedeng gamitin sa tao. Sa Filipino, Pilipino o Filipino. Sa Ingles at Espanyol, Filipino.

  • @joseyorro9014
    @joseyorro9014 Před 5 lety +2

    Ayusin nyo muna yung pilipinong alpabeto.

  • @lianfelrollan9079
    @lianfelrollan9079 Před 11 měsíci +1

    Wikang Filipino be like😂

  • @treetorchavez8098
    @treetorchavez8098 Před 2 lety

    ABELS here or BAELS HAHA

  • @Ytjorel
    @Ytjorel Před 6 měsíci

    2bae4b

  • @gerryyabesph
    @gerryyabesph Před 5 lety +3

    The Philippines remains a poor country as it is dominated by Filipino (Tagalog) speakers since 1987. 😁 😁 😁