KILALANIN ANG MGA ANAK NI PEN MEDINA

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 12. 09. 2024
  • KILALANIN ANG MGA ANAK NI PEN MEDINA
    Si Crispin "Pen" Medina Sr. ay ipinanganak noong Agosto 27, 1950. Siya ay isa sa mga batikang aktor sa bansa na mabilis ding nakilala ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagganap sa bawat pelikulang kanyang ginawa.
    Siya ay isa sa mga pinakatanyag na artista ng kanyang panahon na kayang gamapanan anuman ang tungkulin maging sa big screen at sa iba`t ibang mga palabas pantelebisyon.
    Nanalo siya ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa 33rd PMPC Star Awards para sa Pelikula. Nanali rin siya ng Best Supporting Actor Award sa 62nd FAMAS Awards at ang Best Actor Award sa ika-6 Cinema One Originals Film Festival. Siya rin ang pangalawang KFC Filipino Colonel.
    Ang ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Pen Medina ay Himala noong 1982, Virgin Forest noong 1985, Gangster Lolo noong 2014 at Fruit N Vegetables:Mga Bulakboleros noon namang 2016.
    Maadalas mo rin siyang makita sa mga palabas pantelebisyon gaya ng La Vida Lena, 24/1, A Soldier’s Heart, Sahaya, Victor Mangtanggol, at The Cure.
    Anim ang naging anak ni Pen Medina na karamihan ay nasa mundo ng showbiz. Narito’t kilalanin natin sila.
    1. Karl Medina
    Si Karl ang panganay na anak ni Pen. Gaya ng kanyang ama, pinasok rin ni Karl ang mundo ng pag-aartista. Nagsumula siya sa showbiz industry taong 2013 sa isang filmfest entry na may titulong The Guerilla is a Poet.
    Sa pelikulang ito nakuha ni Karl ang unang niyang award bilang best actor dahil sa kanyang husay sa pagganap bilang si Jose Ma. Sison.
    Ang pelikulang ito ay sinundan pa ng Bwaya, Tandem and Oda Sa Mga Nangangarap. Hinangaan ng lubos si Karl sa kanyang galing sa pag-arte na tila namana niya sa kanyang batikang aktor na ama. SA katutuhanan ay hindi kumuha si Karl ng anumang acting course kahit sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Industrial Design sa University of the Philippines sa Diliman.
    2. Ping Medina
    Si Ping Medina ay isang kilalang independent film actor sa bansa. Nakilala siya sa pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na Jose Rizal kasama ang kanyang amang si Pen Medina na gumanap bilang batang Paciano Rizal.
    3. Alex Medina
    Si Alex Vincent Medina ay ipinanganak noong Mayo 26, 1986. Siya ay nakilala rin bilang Alex Medina. Gaya ng kanyang kapartis isa ring aktor si Alex sa mga pelikulang Pilipino at maging sa mga palabas pantelebisyon.
    Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa iba`t ibang indie films. Ginampanan niya ang papel ni Diego o Joshua sa soap opera na Ina, Kapatid, Anak.
    Nagwagi si Alex ng Best Actor Award sa Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang “Palitan.”
    Nag-aral si Alex sa San Beda Colllege sa kursong Marketing and Corporate Communications ngunit huminto ito para pagtuunan ng pansin ang kanyang karera sa showbiz industry.
    Kabilang si Alex sa mga pelikulang Dukot, Heneral Luna, How to be Yours, Camp Sawi at Tayo sa Huling Buwan ng Taon. Ngayon ay kasama si alex na gumaganap sa palabas pantelebisyon na Love you Strangers ng GTV.
    4. Victor Medina
    Gaya ng kanyang mga kapatid at ama, si Victor ay isa ring aktor. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Ani noong 2019, Hello, World noong 2013 at sa isang episode ng Ipaglaban Mo noong 2014.
    5. Japs Medina
    Japs ang nag-iisang anak na babae ni Pen Medina. Di gaya ng kanyang mga kapatid iba ang mundo na pinasok ni Japs. Isa siyang Content Manager sa Seek the Uniq. Isang kompanya na nagbebenta ng iba’t-ibang gamit mula sa mga sapatos, damit at iba pa.
    6. Damien Zeth Medina
    Si Zeth naman ang bunsong anak ni Pen. Nag-aaral si Zeth sa Ateneo Grade School. Ipinakita rin ni Zeth ang kanyang galing sa pagsusulat kaya’t nakuha nito ang 2nd place sa IBON Essay Writing Contest noong 2013.
    👇🔔 Click the link below! SUBSCRIBE HERE for more videos:
    / samannestvsubscribe4more
    💛 Check out our TOP PLAYLIST - more videos for you to enjoy here:
    CELEBRITY NEWS
    • Video
    MGA ANAK SA IBA'T-IBANG BABAE
    • MGA NAGING ANAK NI EDD...
    TOP 5/ TOP 10 LIST
    • Video
    👍📢 If you enjoyed our video LIKE and SHARE this and tell us if you have any VIDEO REQUEST. We'd love to see your comments below!
    💕 Connect & Follow us HERE:
    ✔️TWITTER: / samannestv
    ✔️INSTAGRAM: / samannes_tv
    ✔️ FACEBOOK: / subscribetoouryoutubec...
    #Subscribe4More
    #LikeAndShare

Komentáře • 86