Mhot - Yaman (Official Audio)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Stream “Panalo Kasa” album on Spotify: open.spotify.c...
    “Yaman”, official track from “Panalo Kasa” album
    Written and performed by Mhot
    / mhotivatedofficial
    / mhot.thomaslynmuel
    / ​
    / mhotivated
    Beat produced by Yxvngvince, Straight Hustle Music
    www.facebook.c...
    / straight-hustle-music-...
    Mixed by Nig, Makatahanan Record
    / makatahananmkthnn
    Mastered by Ryan M. Armamento
    / rye.armamento

Komentáře • 187

  • @MHOTivated
    @MHOTivated  Před rokem +127

    [INTRO/REFRAIN]
    Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa
    Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah
    Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
    Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob
    [HOOK]
    May ilang mananatili, dami ring mawawala
    Gugunitain anumang maitatala
    'Di man dumating ang bawat sana-nanana
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    [VERSE I]
    Buhay ay walang tigil na pakikipagsapalaran
    Buhat din ng pag-ibig kung ba't sumisiglang galawan
    Sa t'wing nabibigatan, parang hindi na makatagal
    Mga ngiti ng minamahal, napakabisang pampagaan
    Nung una wala pang muwang, naduduwag, hinahatid sa eskwela
    'Di nagtagal, sa kakulitan, ang dami na ring pumeklat
    Buti na lang, sa kabila man ng pagiging kulelat
    Ako pa rin ang pinakamahusay sa paningin ni Ermat
    Kaya salamat po sa bawat pangaral mo
    Madalas mang magkasala dala ng masamang asal ko
    Sa pagtatama at pagbabawal, napaka-angas pa ng pag-angal ko
    Samantalang wala kang sawang nagpapatawad na may kasamang pagwawasto
    [BRIDGE]
    Kahapong pinaglipasan
    Parte ng kung sino ka kinabukasan
    Mas mababatid mo ang 'di inakalang
    Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at
    mga pinagdaanan
    [HOOK]
    May ilang mananatili, dami ring mawawala
    Gugunitain anumang maitatala
    'Di man dumating ang bawat sana-nanana
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    [VERSE II]
    Sa inay ng aking ina, mga tiyahin at maliligalig na kapatid
    Mga pinsanin na kasabayang nagsi-laki at kahiraman ng damit
    Mga kaybigan na malapit, minsan nang nagawi sa mali
    Muntik madakip ngunit buti na lang may tino pa ring nakatapik
    Sa kasintahang pakikisama't pag-intindi ang palaging hatid
    Sa kasunduan kong nasisira, kinikimkim lang ang hinanakit
    'Di ko tinitignan na disgrasya aming naging napa-agang paslit
    Kundi biyaya upang ang aking pagiging pariwara'y masagip
    Kaya pinilit na maitawid, sa tiis man ay kapit na kapit
    Nagbukas-palad bawat kaanak, may malasakit na kalakip
    Alam ko ring anuman ang aking pagbawing gawin para maibalik
    'Di na masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit
    [BRIDGE]
    Daming naranasan
    Tila ba antigo na makasaysayan
    Mas mababatid mo ang 'di inakalang
    Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan
    [HOOK]
    May ilang mananatili, dami ring mawawala
    Gugunitain anumang maitatala
    'Di man dumating ang bawat sana-nanana
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala
    Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga
    [OUTRO/REFRAIN]
    Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa
    Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah
    Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
    Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob

  • @joseenriquelopez7795
    @joseenriquelopez7795 Před 10 měsíci +22

    Ang sarap damhin ng bawat letra nitong kanta na to habang nakatulala sa isang sulok ng kwarto. Akala ko wala nang tatalo sa Ginto mo, ikaw lang din pala tatapat sa mismong obra mo. Salamat sa musika, sir!!!

  • @EscalaGaming
    @EscalaGaming Před 9 měsíci +9

    28 kahit papaano meron.
    sa lahat ng mga nakikinig kay idol Mhot na mga mas bata pa kaysa sakin ang mapapayo ko lang
    piliin niyo yung mga pakikisamahan niyo mahirap magkaroon ng utang na loob sa ibang tao :D
    ituloy niyo lang yung nagpapasaya sa inyo habang bata pa kayo imposibleng di kayo magkakapera diyan pag dating ng tamang oras.
    at pinakahuli, wala kang kailangan patunayan sa ibang tao lahat tayo ipinanganak na walang kaaway o kakampi. ang meron tayo Pamilya.
    Salamat sa musika mo idol Mhot.

  • @Thehood1998
    @Thehood1998 Před rokem +17

    Grabe ka mhot tangina sobrang sarap sa pakiramdam na may katulad mo na nakakapag bigay inspirasyon sa mga nangangarap ❤ sana marami pang ganito na maiha-in mo sa samin, maraming salamat mhot 💯

  • @mramz6359
    @mramz6359 Před rokem +26

    normal lang ba tumulo yung luha pag damang dama yung kanta? galing kuya thomas!❤

    • @thesunnyboy777
      @thesunnyboy777 Před rokem

      Huwag kang mag alala, your feelings are valid.

    • @RIZKY0497X
      @RIZKY0497X Před rokem

      normal yan tol, naabot mo yung mensahe ng kanta

  • @fulromoreno9260
    @fulromoreno9260 Před rokem +9

    Ito yung tipo ng kanta na para kang tinatapik sa likod pampakalma ng kaluluwa. ❤

  • @jepoy3641
    @jepoy3641 Před rokem +10

    "Di ko tinitignan na disgrasya aming naging na pa agang paslit, kung 'di biyaya upang aking pagiging pariwara masagip"
    Solid ❤🔥

  • @mantra75
    @mantra75 Před rokem +7

    Di masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit 🔥🔥🔥

  • @j-eazyofficial3911
    @j-eazyofficial3911 Před rokem +3

    Tang ina nito ni mhot napakahusay talaga. Di ako nagkamali idolohin ka. Sana magtagumpay tayo lahat sa buhay. Musika ang tanging gabay naten sa mga panahong walang makaintindi saten ❤️ salute ya akoy mananatiling taga hanga mo 👊

  • @aikeboycinto3704
    @aikeboycinto3704 Před rokem +5

    Tunay na yaman ay ang pamilya !♥️

  • @leiandreilangit2999
    @leiandreilangit2999 Před 4 měsíci

    -Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Nagutom, napuyat, at nabibigo ako sa field ko pero sa mga kanta at musika mo thomas mas nagiging grateful ako sa mga bagay na meron ako maliit man o malaki, habang kinukuha ang goal mas namomotivate ako sa mga sining mo, salamat idol mhot sa talent mo napakagifted!!

  • @matthewvevo25
    @matthewvevo25 Před rokem +1

    Nung umpisa ka palang pinarinig ka sakin ng pinsan ko yung King G kapa lang kela boss cstyle at jda. Idol na agad kita utol mhot. Simula sa mga kanta mong Lilim, Huling halakhak. Solid talaga hanggang ngayon. Ikaw din nag inspira sakin para sumulat at magpatuloy pa sa larangan din na pinili ko kagaya mo

  • @user-es1yk8qy2m
    @user-es1yk8qy2m Před 11 měsíci +1

    Morning song with morning glory Lakas tol 🔥🔥🔥

  • @jazzsosexy7865
    @jazzsosexy7865 Před rokem +36

    From GINTO to YAMAN congrats champ

  • @christroque8822
    @christroque8822 Před rokem +1

    luppettt!!🔥🔥🔥godbless idol mhot.pagbutihan mo pa.
    from cagayan valley

  • @user-akosipom_30
    @user-akosipom_30 Před 7 měsíci +1

    Sobrang isang daang porsyentong malakas🔥 thomas!😊

  • @jeromeramos445
    @jeromeramos445 Před rokem +1

    lakas talaga! si mhot talaga lakas idol ng album mo!! congrats

  • @johnmarkocfemia2614
    @johnmarkocfemia2614 Před rokem +2

    Isa ka sa mabisang medisina kung bakit ako ngayun nagsusulat❤

  • @allenkylesupremo4463
    @allenkylesupremo4463 Před rokem +1

    iba talaga lumitra si idol.
    the story is very precise

  • @wavesforlife7794
    @wavesforlife7794 Před 10 měsíci +1

    Boss ganda talaga ng mga kanta mo. One of the best lyricsist tlaga sa pinoy hiphop, patuloy lng po sa pagawa ng mga tula 🔥

  • @user-nr4yr8le7g
    @user-nr4yr8le7g Před rokem +1

    Mas nakilala ang sarili ng minsang walang wala! 🔥

  • @hibang1167
    @hibang1167 Před rokem +1

    Soliddd nanaman. Panalong panalong kasa talaga. Panalong musika ❤❤

  • @mnard3421
    @mnard3421 Před rokem +2

    Napakaganda ng mga kanta mo mhot! Salamat dito!

  • @kweenarianegwapa6529
    @kweenarianegwapa6529 Před rokem +1

    🔥🔥🔥 sarap sa Tenga lods... Salamat sa mga gantong obra

  • @joshmrls437
    @joshmrls437 Před 10 měsíci

    ganda ng pagsulat idol! pasok na pasok intro at outro sa nakalakip na istorya! Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga 💯💯

  • @jhaypimentel5473
    @jhaypimentel5473 Před 6 měsíci

    Champ ! 💯
    Personal Favorite: Yaman 💯💎

  • @YROBMAR
    @YROBMAR Před 7 měsíci

    Mula upload hanggang ngayon sound trip ko ito ganon din sa lahat ng music mo mhot lalo na yung ginto feel na feel ko i

  • @masterzs1361
    @masterzs1361 Před rokem +1

    Sunod sunod Yung pag lapag grabe nag aapoy🔥

  • @tutuysorrentoofficial6274
    @tutuysorrentoofficial6274 Před 2 měsíci

    Sobrang relate tlaga dito hayp solid ka dol undisputed mapakanta o battle rap. Salamat sa musika idol ❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥

  • @mEtaLPitCh62
    @mEtaLPitCh62 Před 6 měsíci

    lit 🔥 keep your hunger and stay motivated bruh...aim high shoot low 💪

  • @justineeraya9046
    @justineeraya9046 Před rokem +3

    Sa tuwing nabibigatan , parang hinde na makatagal.
    Mga ngiti ng minamahal ang pinakamabisang pampagaan❤

  • @mr.grrrrrt_pow
    @mr.grrrrrt_pow Před 3 měsíci

    yan ang legit na artist, salute sayo idol ko

  • @patrickmarajas6760
    @patrickmarajas6760 Před měsícem

    Solid talaga mga kanta mo idol lalo na yung ginto 🫶🫶🫶

  • @kaloy451
    @kaloy451 Před 8 měsíci

    napakatindi tlaga lagi ng mga lyrics mo idol!!
    deserve ng million views🎉🎉

  • @illestcell
    @illestcell Před 11 měsíci

    Lakas ya isa ka talaga mhotivated

  • @kweenarianegwapa6529
    @kweenarianegwapa6529 Před 11 měsíci

    🔥🔥🔥🔥 champ kahit saang concept.. maoa battle o kanta.. apoy

  • @scottmamhut8386
    @scottmamhut8386 Před rokem +1

    idol mhot sana makamayan kita minsan dito saetivac grabe inspirasyon mo para sa buhay ko.

  • @DageHareqz
    @DageHareqz Před rokem +1

    MHOT 🔥💯❤️

  • @jrlongcastillo3959
    @jrlongcastillo3959 Před rokem

    maraming salamat sa pag momotibasyon sa mga local artist salute mhot🙌❤

  • @antoniobriguel5928
    @antoniobriguel5928 Před rokem

    Lupit mo talaga idol iba talaga pag chico❤

  • @sherremaecustodio4818

    YEAAHHH . walang tapon basta Mhot 😈😈

  • @ellealvarez2007
    @ellealvarez2007 Před 6 měsíci +1

    💞

  • @5001je
    @5001je Před rokem

    Ganda neto kuya Thomas 🔥👏

  • @ChildrensTV456
    @ChildrensTV456 Před 6 měsíci

    Motivated talaga yong laman ❤️‍🔥

  • @cluerominero1820
    @cluerominero1820 Před 9 měsíci

    Sheeeesh! 🥂🔥

  • @justchillin5023
    @justchillin5023 Před rokem

    Sheeeeshableeeee

  • @ryajsmileycarter6632
    @ryajsmileycarter6632 Před rokem +1

    Buti na lang sa kabila man ng pagiging kulelat
    Ako pa rin ang pinaka mahusay sa paningin ni ermat. ('=

  • @mabesajhenoe.3461
    @mabesajhenoe.3461 Před 11 měsíci

    Thomas walang kupas!!!🙌

  • @philipjohnzamora2255
    @philipjohnzamora2255 Před 8 měsíci

    Very nice flow at taas ng quality ng lyrics mo Mhot.

  • @jonathansarcos7215
    @jonathansarcos7215 Před rokem

    Auto click basta mhot💯🙌

  • @Al_dyb28
    @Al_dyb28 Před měsícem

    Binabalikbalikan koto eh🫶

  • @jharlz333official6
    @jharlz333official6 Před 7 měsíci

    tumulo luha ko, bawat salita talagang naranasan at randam ko talaga

  • @user-yg5gb8nh9o
    @user-yg5gb8nh9o Před rokem

    Ginto vibes 2.0 mala tupac yung dating grabe ka kapatid salamat sa gasolina !!!

  • @rubytorres3284
    @rubytorres3284 Před 10 měsíci

    Bat pag ganito kanta ni mhot nakaka gana lalo pumalag sa buhay🔥 more!!!

  • @Seventeen444
    @Seventeen444 Před 3 měsíci

    salamat Mhot, sarap sa pakiramdam🤝

  • @Midah16
    @Midah16 Před 7 měsíci

    Sobrang ganda talaga ng kanta na to.❤

  • @tlsdgang1860
    @tlsdgang1860 Před rokem

    OMV NA CHAMP!

  • @aztecofficial8698
    @aztecofficial8698 Před rokem

    Grabe idol dalang dala ako ng kanta mo nato 'Yaman'
    Salamat sa magandang awitin idol ingat palagi 🫡

  • @lim3juice.
    @lim3juice. Před rokem

    sobrang sarap from ginto to yaman🎉🎊♥️🚀🔥💎✨🎶💰

  • @rjcrtn8452
    @rjcrtn8452 Před rokem

    Relatable.🙌🏻🙌🏻🙌🏻

  • @regiecanlas2789
    @regiecanlas2789 Před rokem

    Burn🔥🔥🔥🔥🔥🔥

  • @martjohnfernmira6817
    @martjohnfernmira6817 Před rokem

    Grabe yung melodiya na yan boss 🙌🥶

  • @jccordial4037
    @jccordial4037 Před rokem

    Solid🔥🔥🔥

  • @frankcelada0009
    @frankcelada0009 Před rokem +1

    San man ako paroon, Ano man pasalubong pa
    Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod yeah
    Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
    Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob
    Chorus
    May ilang mananatili dami ring mawawala
    Yong gunitain ano mang maitatala
    Kung di man dumating ang bawat sana na na na
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala la la la
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    ----
    Buhay ay walang tigil na pakikipagsapalaran
    Buhat din ng pag ibig kung bat sumisiglang galawan
    Sa tuwing nabibigatan, parang hindi na makatagal
    Mga ngiti ng minamahal napakabisang pampagaan
    Nung una wala pang muwang, naduduwag, hinahatid sa eskwela
    Di nagtagal sa kakulitan ang dami naring pumeklat
    Buti nalang sa kabila man ng pagiging kulelat
    Ako parin ang pinaka mahusay sa paningin ni ermat
    Kaya salamat po sa bawat pangaral mo
    Madalas man magkasala dala ng masamang asal ko
    Sa pagtatama at pagbabawal napaka angas pa ng pag angal ko
    Samantalang wala kang sawang nagpapatawad na may kasamang pagwawasto
    Pre Chrous
    Dala kong pinaglipasan
    Parte ng kung sino ang kinabukasan
    Mas mababatid mo and di inakalang mararating
    Kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan
    Chorus
    May ilang mananatili dami ring mawawala
    Yong gunitain ano mang maitatala
    Kung di man dumating ang bawat sana na na na
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala la la la
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    ----
    Sa inay ng aking ina mga tiyahin at maliligalig na kapatid
    Mga pinsan ay nakasabayang nagsilaki at kahiraman ng damit
    Mga kaibigan na malapit, minsan ng nagawi sa mali muntik madakip
    Ngunit buti nalang may tino paring nakatapik
    Sa kasintahang pakikisama t pag intindi ang palaging hatid
    Sa kasunduan kong nasisira kinikimkim lang ang hinanakit
    Di ko tinitignan na disgrasya aming naging napaagang paslit
    Kundi biyaya upang ang aking pagiging pariway masagip
    Kaya pinilit na maitawid sa tiis man ay kapit na kapit
    Nagbukas palad bawat kaanak may malasakit na kalakip
    Alam ko rin anumang ang aking pagbawing gawin para maibalik
    Di na masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit
    Pre Chrous
    Daming naranasan tila ba antigo na makasaysayan
    Mas mababatid mo and di inakalang mararating
    Kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan
    Chorus
    May ilang mananatili dami ring mawawala
    Yong gunitain ano mang maitatala
    Kung di man dumating ang bawat sana na na na
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala
    Aanhin ang nakamit kung tila di raw masaya
    Sa malaki o maliit na gantimpala la la la
    Daming may mas makikita sa pag papahalaga
    Refrain
    San man ako paroon, Ano man pasalubong pa
    Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod yeah
    Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom
    Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob

  • @KyleGabrielleCalalo
    @KyleGabrielleCalalo Před 11 měsíci

    Akala ko wala nang katapusan tong kanta nato ❤❤

  • @kimgentolia5985
    @kimgentolia5985 Před rokem

    Solid💣

  • @dxvid.999
    @dxvid.999 Před 9 měsíci

    GINTO TAS YAMAN SOLID!

  • @leonardgatpolintan5185

    Solid 🤜🏻

  • @Sykegutierrez-li6qp
    @Sykegutierrez-li6qp Před 9 měsíci

    Music video idol Sana wag ka mag sawang gumawa ng ganto sarap sa pakiramdam! My champ idol 🙏

  • @JohnTiara-zb8uw
    @JohnTiara-zb8uw Před rokem

    Tamang ginto. Ang yaman ni mhot. Bangis mo idol🙇🙌

  • @user-rf8bk9xn3n
    @user-rf8bk9xn3n Před 6 měsíci

    solid 🔥

  • @RyanFrancisco2003
    @RyanFrancisco2003 Před rokem

    Whoooooo🔥

  • @zerdgiejurado9393
    @zerdgiejurado9393 Před rokem

    Louder GINTO TO YAMAN
    Eto dapat mga kanta sa wish bus e

  • @user-ou9cl2sf1u
    @user-ou9cl2sf1u Před rokem

    Aanuhin mo yung nakamit kung dika masaya❤

  • @evandermatbagon6564
    @evandermatbagon6564 Před rokem

    So wild maka flashback 💯

  • @owmity1894
    @owmity1894 Před 11 měsíci

    Nagsi-laki at kahiraman ng damit, Mga kaybigan na malapit,
    minsan nang mga nagawi sa mali
    Muntik madakip ngunit buti na lang may tino pa ring nakatapik

  • @angelitodcaadca869
    @angelitodcaadca869 Před rokem +1

    lakas mo talaga idol mhot,nangangarap akong makasama ka sa isang kanta♥️

  • @adonisbandola3154
    @adonisbandola3154 Před rokem

    Salute idol bangis talga!!

  • @ronaldmontanez201
    @ronaldmontanez201 Před 10 měsíci

    Solid master

  • @jago5872
    @jago5872 Před rokem

    Yun!

  • @Mr.Morale-wc2cu
    @Mr.Morale-wc2cu Před měsícem

    Complex Rhyme Schemes, Extended rhyme, Imagery, double-entendre, multi-syllabic, Poetry etc.
    Perfection 🔥

  • @leon.gtrrz7
    @leon.gtrrz7 Před 9 měsíci

    Bagong paborito 😇👌🔥💨

  • @rchmnd_yuson
    @rchmnd_yuson Před 10 měsíci

    solid palagi🔥

  • @DharromDefeo
    @DharromDefeo Před rokem

    Napakalupet🔥

  • @JackBagtikTV
    @JackBagtikTV Před rokem

    basta mhot tang ina talaga sa meaning ❤

  • @EDRENZZZZ
    @EDRENZZZZ Před 3 měsíci

    kinalaban ang sariling obra na “ginto” 🙌

  • @ronharleypantaleon1824
    @ronharleypantaleon1824 Před 10 měsíci

    Ang ganda😮

  • @kentcali17
    @kentcali17 Před rokem

    🙏💖💥 Solid Lods

  • @milheresmejarda6751
    @milheresmejarda6751 Před rokem

    Playlist To Galing Idol 🎉

  • @maciianworldwide
    @maciianworldwide Před rokem

    Let's gow!

  • @evinshakur8278
    @evinshakur8278 Před rokem

    Buhay ay walang tigil ang pakikipagsapalaran

  • @DAZ1420
    @DAZ1420 Před rokem

    Mataga kita inabangan ulit kuys mhot

  • @HeadrickEvangelista
    @HeadrickEvangelista Před 11 měsíci

    tngina relate lupet🔥

  • @G-REV01
    @G-REV01 Před rokem

    "buhay ay walang tigil na pakikipag-sapalaran"

  • @johnallanbovilla8528
    @johnallanbovilla8528 Před rokem

    #MHOTivated 👏

  • @jeromeabrera6611
    @jeromeabrera6611 Před rokem

    Sulit na sulit yung pag aantay sir🥶🔥

  • @adriangutierrez5789
    @adriangutierrez5789 Před 3 měsíci

    Ang talino mo 😮

  • @user-xf8gw3gg6k
    @user-xf8gw3gg6k Před rokem

    Idol ka talaga mhot proud tobe taga Dasma Area 💕

  • @ChesterLindaya
    @ChesterLindaya Před rokem

    Talagang "Panalo Kasa" Album ni mhot solid lahat❤️

  • @jhanofuentes1748
    @jhanofuentes1748 Před rokem

    Grabe ka naman moht