GNARRATE - PAGSAMO

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 25. 11. 2020
  • tayo ang librong ayaw nilang unawain
    pero mga pahina gustong balasahin
    kanilang estado'y ayaw nating pangarapin
    ayaw nating gayahin turing nila satin
    na mga tagapanood ng patimpalak
    pagod mga palad pero handang pumalakpak
    sa pakapalan nila ng kaban at imbak
    habang nagpapahambugan ng haba ng habag
    para sa 'ting mga dukha't hikahos
    sanay na'ng sikmura'y nagsisigalot
    kahit anong trabaho ay pinapatos
    tapos tira tira lang ang sati'y inaabot
    bilang kabayaran sa ating paggawa
    kahit tayo ang tagasagwan ng bangka
    kanilang pag-usad tayo ang may gawa
    pero tayo naman ang mga hindi handa
    kapag lumubog itong bangkang sinasakyan
    dahil isang kahig isang tuka lang naman
    tayo sa kada araw na dumaraan
    kaya sa sakuna ay unang masasaktan
    dahil pagkain, gamot at pagamutan
    lupang tirahan at masisilungan
    tayo ang mga unang mauubusan
    bakit hindi maunawaan ng lubusan
    ito'y hindi dalangin sa diyos na poon
    kundi pagsamo sa 'ting panginoong maylupa
    sa 'ting panginoong maylupa
    bakit laging sagad sa pagkamkam
    hanggang manhid na ang pakiramdam
    paninda ang turing sa lahat ng laman
    ng mundong ating dinatnan lang naman
    pag walang hawak mga kamay tila di buo
    pakiramdam parang hubad at tuyo
    nawa'y mabatid kung ano'ng totoo
    pag walang hawak mga kamay, dun nabubuo
    ang pagkatao, ang pagiging tao
    ay ang mapanatili na hindi barado
    para sa iba mga pangangailangang tao
    at ituring bilang mga kapwa tao
    hindi mga utusan na kinasanayan
    idispatya pag di mapakinabangan
    sa pagkagutom ay hinahayaan
    kapag tumutol, hatol ay kamatayan
    kung ayaw pakinggan ating mga tinig
    dapat umaksyon ating mga kamay at bisig
    tayo'y sawa na sa kanilang pagkaganid
    palawakin tanggapin sa ating panig
    mga makikiisa sa 'ting panawagan
    ipaglaban ang mga karapatan
    ang reyalidad ay ating hawakan
    at baguhin ang ating kinabukasan
    ito'y hindi dalangin sa diyos na maykapal
    kundi pagsamo satin ng panahon na kaytagal
    tanggalin mga kadena at busal
    GNARRATE - PAGSAMO
    Beat produced by RVCK
    Directed Franz Dimaano
    DOWNERS SOMETIMES THE HIGHEST
    / downersph
    CANT CTRL
    / cantctrl
    LAGUNA HIPHOP
    / lagunahiphop
    WAIT
    / waitclothing
    VISIONS
    / visions.co
    NOBODY
    / nobodyclothing

Komentáře •