Dakilang Manunubos
Vložit
- čas přidán 3. 04. 2023
- DAKILANG MANUNUBOS
Lyrics and music by Paul Armesin
Makatarungang awa
sa tulad kong nagkasala
ang hatol Mo ay kapatawaran
Parusang nararapat sa akin ay igawad
Sa Kalbaryo'y inako Mong lahat
Dakilang Manunubos, Ika'y sinasamba
Kahanga-hanga ang Iyong biyaya't pagsinta
Dakilang Manunubos, karapat-dapat Ka
Sa papuri't kaluwalhatian
karangalan, kapangyarihan
Dakila Ka magpakailan pa man
Hindi kayang bayaran
'Pagkat katwiran ko'y basahan
Hinding hindi ko kayang tumbasan
Malalim at malawak, kahabagang nilagak
Sa 'Yong pag-ibig ay namamangha
Dakilang Manunubos, Ika'y sinasamba
Kahanga-hanga ang Iyong biyaya't pagsinta
Dakilang Manunubos, karapat-dapat Ka
Sa papuri't kaluwalhatian
karangalan, kapangyarihan
Dakila Ka magpakailan pa man
Hallelujah! Hallelujah!
Ikaw Hesus ang aking kaligtasang tunay
Hallelujah! Hallelujah!
Ang kamatayan mo sa krus
ang aking buhay
Additional videos from Pexels.com
- Julio Benito Cabrera
- Eberhard Grossgasteiger
- Adili Family
Dakilang Manunubos CHORDS
drive.google.com/file/d/1ZUEP...
Connect
/ @paularmesin
psalmomusicph
/ paularmesin
/ paul.armesin - Hudba
Bless po ako sa song..
Ganda po. Parequest po ng Instrumental po kahit guitar lang. God bless po 😇
Will try to record it
@@paularmesin Salamat po in advance! ❤️
Salamat Sa patuloy na pag aalay Ng inyong talento Sa pag Likha Ng mga awiting nagpupuri at naglalahad ng kadakilaan at kapangyarihan Ng ating Diyos.
Praise God po sir tunay nga pong Dakilang Manunubos ang ating Panginoon! Ganda po ng song God bless po sir..
Amen. ☺ Salamat, Laurence. God bless.
Playing it on pure acoustic makes it a more intimate, more solemn, more personal worship.This is a wonderful offering to the Lord. Blessed holy Friday sir Paul.
Papuri sa Dakilang Manunubos!!! Salamat sa awit Kuya Pol :)
Ganda ng lyrics Sir. Lalim ng theology
Ang ganda kuya Godbless !
Ganda po ng message ng song, sir! Praise God! :) 🙌🙌
Salamat Kevin, Praise God. 🙌
❤❤❤❤
Thanks Natalie Joy ☺