Newborn Diaper Review | Kleenfant | Uni-Love | Moosegear | MamyPoko | Best Newborn Diaper

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 8. 07. 2023
  • NB Tape Diaper Review ng #wisemom ni ACE 😊
    Note: swerte kami hindi masyadong pihikan ang nappy area ni ACE kaya walang rashes issue. Though may naka-standby naman kaming Tiny Buds Family #InARash in case of emergency 😁
    MamyPoko Philippines : Tier one. No questions asked, definitely the best option if you have budget talaga. Around 12 pesos x 10 daily average use eh nasa 120 na yun for a diaper. Medyo masakit lang sa heart yung 12pesos na itatapon mo rin pagkabit mo ng diaper tapos biglang nagpoops si baby at di man lang tumagal ng 10mins na suot niya. 🤭
    Tip lang sa mga #wisemom abang kayo ng sale sa shopee at lazada para mas makamura kahit paano. 😁
    UniLove PH Official : ka-level ng Moosegear sa quality and price point. Gusto ko na may garter siya sa back part to avoid leak. Mas breathable vs Moosegear kasi mas maluwag yung sizing ng garter niya. Maganda for absorption ng wiwi ni ACE. Wala lang siyang wetness indicator unlike Moosegear, MamyPoko and Kleenfant pero I don't find it necessary since malalaman mo naman kung may weewee na si baby dahil lagi mo siyang kasama at di mo naman papatagalin ng more than 3 hrs ang diaper na basa. Pag poopoo naman nagpapalit ka right away. Price range is from 4.50-6 pesos depende kung gaano ka ka-expert mag-abang ng sale. Di ganun kabigat kasi nasa 60pesos lang for an average of 10 diapers per day.
    #MoosegearNBDiaper : best option para sa baby na galing sa NICU upto 3rd week or upto 5kg kahit nakalagay sa label na 3-6kg siya. May disclaimer din sa shopee store nila na wag magulat kasi mas pinaliit nila yung sizing ngayon vs nung unang labas ang NB diaper nila. Absorbent din siya pero dahil smaller sizing siya vs other diapers, ilang weewee lang puno na siya lalo na kung heavy mag weewee si baby. Gusto ko yung garterized back part niya tulad ng sa Uni-Love. Dahil dito hindi nagli-leak ang weewee sa likod. Meron din siyang wetness indicater kung yun ang hanap mo sa diaper. Naalala ko nakaubos kami ng 30diapers ng #moosegear sa hospital sa 2 and a half day stay namin paglabas ni ACE, dodo and poopoo master kasi siya since birth. Kahit kasi kaunti lang weewee niya nun at magpoopoo siya immediately nagpapalit kami. Hehe. Shout-out sa mga #firsttimemom na takot sa rashes. 🤣 Pricepoint is from 5-6 pesos. Again, pag magaling ka mag-abang sa shopee sale mas mura mo makukuha with free shipping ang mga diapers. (Click mo lang yung nga drop down or more button para makahanap ng cheapest or free shipping option. Minsan kasi nakatago yun. 🤣) Not that burdensome for 60pesos max at average 10diapers use on a daily basis.
    #kleenfantNBdiaper : first impression ko sa diaper na ito was like, "luh?! Nabudol yata ako." Napaka nipis kasi. Kung manipis na ang moosegear at uni-love e mas manipis ito talaga. Pero aba!!! Gulat ka. Sobrang absorbent niya. Bumilib ako talaga. Tinry ko nga din hawakan yung puno nang weewee na diaper di ko talaga na-feel na basa. Maluwag din ang space niya para sa nappy area kaya presko para kay baby until mapuno ng weewee. Meron din siyang wetness indicator tulad ng sa moosegear at mamypoko. Ang di ko lang gusto sa kanya ay masikip yung garter niya sa leg part kaya kung chubby ang legs ni baby eh babakat siya. So to avoid that eh palit ka na agad into small size from NB size. Disadvantage din na walang garter sa back part niya ka kung lumawlaw sa likod ni baby ay magli-leak talaga ang weewee niya so galingan mo sa pagkabit para maiwasan ang leak. Anyhow makukuha mo ito as low as 157 pag sale with free shipping na for 30pcs. Meaning nasa 5.24 pesos each lang or as low as 53 pesos per day sa average na 10 diapers per day. Gusto ko ang diaper na ito kasi kahit minsan umaabot ng 4hrs and may weewee na feeling dry pa rin siya at hindi naiirita si ACE.
    So anong verdict ng wisemom ni ACE sa mga newborn diapers na ito?
    Lahat gusto ko hahaha. Pwede kang mamili according sa sale for that day. Ganun ginawa ko eh. Pag cheaper that day of purchae si Uni-Love dun kami, pag si Moosegear and Kleenfant naman for that day ay ganun din. Kanya-kanya silang strength and weaknesses eh. Kelangan mo lang ma-manage ang expectations mo considering the Pricepoint, characteristics ng mga advantage and disadvantages na na-mention ko kanina. Sabi nga nila hiyangan talaga sa diapers. Basta ang advice lang siguro na madadagdag ko eh wag patagalin ang diaper na may weewee at poopoo sa nappy ni baby para lesser risk sa rashes. Tulad ni ACE na hayok sa dede, edi weewee nang weewee at poopoo din ng poopoo. 😅
    Ngayon ay ika 1month and 1week na ni ACE pero sa estimate ko eh until this week na lang siya mag NB diaper. Lumabas siya ng 2.8kg and mabilis ang weight gain niya.
    Kung quality ang pag-uusapan at wala kang budget issue, aba! Go with MamyPoko. Pero kung wisemom ka and hiyang naman si baby sa tatlong economy NB diapers na ito eh ang winners ko ay...
    3rd - Kleenfant
    2nd - Moosegear or Uni-Love / 1st - Uni-love or Moosegear
    Hope this one is beneficial sa'yo. 😊

Komentáře • 5

  • @amarafloresca1146
    @amarafloresca1146 Před 6 měsíci

    Thank you for review. i have an idea na

  • @monsterrancher4317
    @monsterrancher4317 Před 8 měsíci

    I think I would go for Moose gear though mabilis ma puno but much better than mababa sa wiwi ung puwet ng baby ko bago ma puno and palitan.

  • @alexpoon62
    @alexpoon62 Před 10 měsíci

    Thank you sa review momy

  • @aprilsano9144
    @aprilsano9144 Před 6 měsíci

    Kleenfant ok nmn xa kaso prang bitin lng s baby lalo n s likod,unilove prang ntagos kya not more than 3 hours lang, moose Gear ok na ok rn, momypko the best!

  • @palmaproperty7676
    @palmaproperty7676 Před 3 měsíci +1

    reason po ni kleenfant once narinig ko sa live nila kaya't walang garter sa newborn to avoid irritability po kc manipis pa po balat ni baby
    other suggestion ko din po is Makuku Soft Care and Slim Care yon po gamit ko with Kleenfant kc masakit na sa bulsa si Pampers for daily use 😊