MSG-AJINOMOTO FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 29. 09. 2021
  • Mula sa Ajinomoto o Vetsin...
    MSG FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA NG HALAMAN
    Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo ang paggawa ng Monosodium Glutamate (MSG) fertilizer, mula sa Ajinomoto o Vetsin na pampabulaklak at pampabunga ng mga tanim na iba't-ibang uri ng halaman.
    Ang MSG ay karaniwang gamit na pampalasa at pampasarap ng iba't-ibang lutuin. Nagtataglay ito ng micro nutrients na maganda sa mga halaman tulad ng Sili, Talong, Okra, at iba pa.
    Maganda din ang MSG Fertilizer sa mga Citrus tulad ng Kalamansi, Orange, Lemon, Mulberry at iba pa.
    Maging sa mga ornamental plants ay maganda din ang MSG fertilizer, tulad ng Mayana, Roses, Succulent Boungavilla at iba pa.
    Simple at madaling gawin ang MSG fertilizer at magandang ipandilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan sa mga halaman.
    Ang ibabahagi ko ay para lamang sa isang litro ng tubig.
    Kung marami kayong halaman na kailangan na diligan ay gumawa lang kayo ng mas marami.
    Ang mga kailangan na gamit sa paggawa ng MSG fertilizer ay isang pack na Ajinomoto na 11 grams ang laman, isang litro ng tubig, kutsara at empty bottle.
    Paraan ng paggawa, gupitin ang isang pack ng Ajinomoto, ilagay sa empty bottle at ibuhos ang 1 liter na tubig na pinasingaw magdamag para mawala ang chlorine o kaya ay tubig ulan.
    Kanawin mabuti ang mixture para malusaw at kapag natiyak ba lusaw na ay puwede ng ipandilig sa mga halaman.
    Magandang magdilig ng MSG fertilizer kapag lubog na ang sikat ng araw o alas-5:30 ng hapon.
    Gawin ang pagdilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan o kada 15-araw.
    Magiging maganda, mataba at malulusog ang mga halaman na dinidiligan ng MSG fertilizer.
    Kung nais ninyong magkaroon ng step by step na gabay sa paggawa ng MSG fertilizer ay panoorin po ninyo ang latest video tutorial ko sa CZcams channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER.
    Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa paggawa ng MSG ertilizer.
    Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari kayong makinig at manood ng aking Radio at TV program na MASAGANANG BUHAY tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Simulcast sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live ding mapapanood sa facebook at CZcams.
    Sa mga nagnanais na mapalawak pa ang kaalaman sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan ay mag-subscribe po kayo sa aking CZcams Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER.
    Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication, kaya umagap po kayo ng kopya.
    Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-txt, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Komentáře • 2,2K

  • @maryjanekurokawa4411
    @maryjanekurokawa4411 Před rokem +6

    Salamat po ginawa ko po ito last year sa akin Sayote na wala pang bulaklak nagulat po ako sa resulta bigla syang nag bulaklak ng marami . Domo arigatou from Japan🇯🇵

  • @menziey1
    @menziey1 Před 2 lety +3

    Thanks for sharing your good idea or knowledge for all of your subscribers and God bless.

  • @makoy443
    @makoy443 Před 4 měsíci

    Boss salamat sa vlog mo..mahilig po ako talaga sa halaman at nakita ko ang video mo.. mabuhay ka!

  • @merlytambongco4145
    @merlytambongco4145 Před rokem

    Thank you Po sa mga tips sa pagtatanim.. God bless Po..

  • @helengrace860
    @helengrace860 Před 2 lety +7

    Thanks for sharing watching from Western Australia Bunbury keep safe always 🙏

  • @milacaibal3976
    @milacaibal3976 Před rokem +8

    Thank you po sa mga tips for gardening. Take care and God bless.

  • @VirginiaSoronio
    @VirginiaSoronio Před 11 měsíci

    Thanks for sharing your bright ideas...

  • @utue10
    @utue10 Před rokem

    Thanks for sharing wow pwede pala yan masubukan nga yan pag summer

  • @florbalmes8427
    @florbalmes8427 Před rokem +3

    Maraming salamat po sa inyong mabuting pusot,sa pagtuturo nyo ng tips.

  • @leesungchoi2482
    @leesungchoi2482 Před 2 lety +4

    Salamat po sa pagiging reporter nyo dahil nakakatulong po kayo sa na po effective sa aluo vera

  • @AnabellaMonterola
    @AnabellaMonterola Před 2 měsíci

    Good morning sir ,salamat sa pagshare .

  • @shirweniaraganas2052
    @shirweniaraganas2052 Před rokem +1

    Wow so simple. Thanks for sharing

  • @jennifercervantes9859
    @jennifercervantes9859 Před 2 lety +6

    Wow sir, thank you po sa bagong kaalaman.. Excited na po akong simulan ito..

  • @sailormoon3992
    @sailormoon3992 Před rokem +11

    Ang galing naman! Very simple na fertilizer yet very effective.

  • @user-po6ln2wz7i
    @user-po6ln2wz7i Před 4 měsíci +1

    Maraming salamat po sapag share ng iyong kaalaman.

  • @luciadagdagan6990
    @luciadagdagan6990 Před 9 měsíci

    Thanks for your sharing! It is very informative and helpful! God bless you and prosper you abundantly!

  • @mariaedithavillena8452
    @mariaedithavillena8452 Před 2 lety +16

    Thank you po Sir sa kaalaman na ibinahagi ninyo, Godbless you po.

  • @deejaydejesus7266
    @deejaydejesus7266 Před 2 lety +320

    Kaya pala dami namin magkakapatid, mahilig nanay at tatay ko sa vetsin

  • @user-md2pb2re9k
    @user-md2pb2re9k Před 10 měsíci

    thank you po sir sa magandang impormasyon na iyong ibinahagi.

  • @henrypameniano2729
    @henrypameniano2729 Před rokem

    Wow ang ganda naman

  • @GEMsFLightTV
    @GEMsFLightTV Před 2 lety +10

    Ang galing naman. Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaalaman. Mabuhay po kayo.

  • @zemaodtujan7510
    @zemaodtujan7510 Před 2 lety +20

    Thank you, Sir! May bagong alam na naman ako sa agriculture.

  • @merlytambongco4145
    @merlytambongco4145 Před rokem

    Thank you Po sa mga tips sa pagtatanim.

  • @tee1042
    @tee1042 Před rokem +1

    Thank you sir for sharing your kaalaman sa pag gagarden may na tutunan na naman ako watching from Florida USA 🇺🇸

  • @rheirhei5317
    @rheirhei5317 Před 2 lety +18

    Wow! Lahat ng makakabasang MAGSASAKA uunlad sa hinaharap 😍 in God's perfect time! ❤

    • @nenitaantido6308
      @nenitaantido6308 Před 2 lety

      Nenita Antido ilang beses po sa isang buwan ang pagdilig na may vitsin?

    • @user-tj7ef3be7l
      @user-tj7ef3be7l Před 4 měsíci

      😮Galing Naman Po MSG Lang tambok ganda plantation.
      Ang ok din po ang music nakaka kimbot😅.
      Just happy to find your video.
      THANK YOU PO🎉

  • @marisagallardo2178
    @marisagallardo2178 Před 2 lety +5

    Thank you so much po sir for sharing po sa iyang mga kaalaman sa pag tatanim po. I learned so much po ❤️

  • @mariaramores1961
    @mariaramores1961 Před 11 měsíci

    Thank you Po sa bagong kaalaman about sa fertilizer

  • @randygonzales8284
    @randygonzales8284 Před rokem

    Wow galing nman po..gagawin q yan sa aking mga tanim god bless po

  • @eugenejazul2871
    @eugenejazul2871 Před 2 lety +6

    Maraming salamat po Sir Mer sa mga makabuluhang kaalaman na talagang nakakatulong sa kagaya ko.

  • @rosalindaftaruc8194
    @rosalindaftaruc8194 Před 2 lety +4

    Wow ang husay ng fertilizer mo. Amazing talaga.

  • @virginiademafelix2292

    Thanks po sir may natutunan po ako snyo,more power po and god bless po

  • @felixroma7138
    @felixroma7138 Před 10 měsíci

    Salamat po sir magsasakang reporter dagdag nnman po ito sa aking kaalaman

  • @mariamarissaalisna1610
    @mariamarissaalisna1610 Před 2 lety +3

    Good afternoon po sir maraming thank you ☺️po eto yong pinakamadaling fertilizer tamang tama umuulan dito sa HK stay safe God bless po sir

  • @elsiedin946
    @elsiedin946 Před rokem +6

    Thanks for sharing your knowledge in gardening and homemade fertilizer, watching from Binangonan Rizal, God bless 🙏

  • @Robsvlog1
    @Robsvlog1 Před 9 měsíci

    Salamat sir sa pag share nyo sa amin Kung paano mapaganda ang mga halaman gulay gumawa ng fertilizer, done, sir

  • @polcrisunabialongcob5815

    Thank you for additional knowledge sir.

  • @marilynsarian7810
    @marilynsarian7810 Před 7 měsíci +3

    Trillion thanks 👍 po for sharing this very informative tutorial about MSG effective fertilizer. GOD 🙏 bless po.

  • @EVAHONGERHOLT
    @EVAHONGERHOLT Před rokem +3

    dapat matuto din ang mga kababayan mag tanim sa yard like dito sa america kahit papapno nagtatanim pag season. like ours pag season na spring to summer na di na kami bumibili ng mga pangunahing gulay

  • @roylita1706
    @roylita1706 Před 10 měsíci +2

    Hi idol dami ka mga tanim na mga gulay gusto ko matoto sa mga tanim mo at magsasaka na maliliit na tulad ko

  • @remediosbonifacio961
    @remediosbonifacio961 Před rokem

    God bless po.ingat lagi.❤❤❤

  • @relardztv605
    @relardztv605 Před 2 lety +10

    Good job brad dahil sa vlog tutorial MO Maraming knowledge ang nakukuwa ko mula sa inyo about filtelizer

    • @rodrigosarangsang5292
      @rodrigosarangsang5292 Před 2 lety +1

      Pwede bang gamitin yang vetsin na fertilizer pag may kalamansi farm kana?salamat sir

  • @mariazucchero9123
    @mariazucchero9123 Před 2 lety +18

    Hello Po , Im watching from Michigan USA, Thank you for sharing your planting ideas of making a home made fertilizer. I will try your fertiliizer ingredients. God Bless you po!

  • @angeloinducil4085
    @angeloinducil4085 Před rokem

    Nice po ayos na ayos po ito sa mga mahilig mag tanim ng gulay ung hindi makakabili ng pataba vitsin lng pwede na

  • @user-pw4qb6sh2m
    @user-pw4qb6sh2m Před 11 měsíci

    Wow galing naman Po,magaya nga

  • @KaBALita
    @KaBALita Před 2 lety +54

    Ive been using that msg as vegetable fertilizer & all I can say it's amazing very effective.
    Thanks idol magsasakang reporter.

  • @evelynsmall6218
    @evelynsmall6218 Před rokem +8

    Sir,proven.po.yng msd ferlizer un friend maniwala peto kita po nya.un mga talong at sili abay kakataba po😊thanks sa good tip👍God bless po sa inyo🙏

  • @sirbernard1277
    @sirbernard1277 Před měsícem

    maraming salamat po sa inyong mga helpful tips da paghahalaman, more power po and God bless po

  • @armandoangeles3119
    @armandoangeles3119 Před rokem

    Tuloytuloy po Sana ang programs ninyo parasa aming mga magsasaka salamatpo patnubayan nawa kayo lagi Ng panginoon

  • @carmencitapineda9463
    @carmencitapineda9463 Před 2 lety +23

    Thank you for sharing your knowledge in gardening 🪴🌾🌴🌹Godbless

  • @jionelsolis4586
    @jionelsolis4586 Před 2 lety +13

    Thank you for sharing this vedio its a big help to all our farmers.

  • @rmassey6830
    @rmassey6830 Před rokem

    That's for sharing your knowledge ☺️☺️☺️.

  • @cesarescare6322
    @cesarescare6322 Před rokem

    Ser salamat may bago Naman akong natotonan sa yo sa pag descus mo

  • @bridgettetomas9930
    @bridgettetomas9930 Před 2 lety +5

    Buti nman po at meron ng fertilizer na mabilis lang maididilig at very effective,salamat po Sir

    • @ginabalabat9468
      @ginabalabat9468 Před rokem

      Sir kailangan po ba na tubig ulan? Pwede po ba tubig ng gripo lang?
      Salamat po.

  • @Wul-Lop
    @Wul-Lop Před rokem +17

    Your video inform & inspire people all over the world to nurture plants effectively... Thanks & respect from Thailand... 🙏🙏🙏

  • @rommeljrcajelo1235
    @rommeljrcajelo1235 Před 5 měsíci

    Salamat meron ako natutunan at kaalamanam sa pagtatanim

  • @robertoreola9846
    @robertoreola9846 Před rokem

    Salamat po dmi kopo ntutunan sa inyo GOD BLESS YOU INGAT 🙏🙏

  • @rowanztv
    @rowanztv Před 2 lety +18

    Thanks for sharing, Sir. This is very informative.

  • @user-fs5vr5bv9l
    @user-fs5vr5bv9l Před 7 měsíci +9

    Nagsubok ako ng talong plant sa self watering plant .....inalagaan ko sa organic fertilizer...nung mamunga ang paet ng bunga.....kaya nilipat ko sa lupa na maluwang hayun nawala na ung mapait na bunga at mabulas pa at matataba ang puno ..gamit ang fertilizer na chemical isang lata ng urea 16/20/00. at potasium 00/ 00 /60 sa 16liters na tubig kada 15days ang applications isa lata lang po kada puno ang apply...tipid na mabulas pa matataba ang mga puno at daming bulalak ...tested surebol

  • @julietageronimo7803
    @julietageronimo7803 Před 2 měsíci

    THANKS FOR SHARING GOOD IDEAS

  • @virginiapoligrates3917
    @virginiapoligrates3917 Před 4 měsíci

    Salamat po ngayon alam kona ang sepleng pagpataba ng mga halaman

  • @uordip
    @uordip Před 2 lety +7

    sir sana po ay meron din guide kung gaano kadalas ang application ng bawat fertilizer..salamat

  • @flordelizavalerio7009
    @flordelizavalerio7009 Před 2 lety +7

    Good morning. You have new tutorial and it's easy to apply. I will apply it next time 🙂. Thank you so much sa pag share Ng iyong kaalaman. Marami rin salamat sa pag shout out mo palagi sa akin. Natutuwa at kinikilabutan ako kapag binabanggit Ang pangalan ko. I am so happy. Stay safe and God Bless.

  • @anitatamondong9351
    @anitatamondong9351 Před rokem +1

    Thank you for sharing.

  • @mariakulotsblog2971
    @mariakulotsblog2971 Před rokem

    Ang ganda ng kalamansi ang dami bunga

  • @laiveancvlog4692
    @laiveancvlog4692 Před 2 lety +7

    Tama ka Sir, kaya salute to all the farmers.

  • @nestorlabastida8876
    @nestorlabastida8876 Před 2 lety +8

    Maraming salamat po Sir Mer, malaking tulong,sa mga plantito at plantita KATULAD ko, GOD bless you and your family ☝️🙏😇

  • @kaisybalubar9164
    @kaisybalubar9164 Před 7 měsíci

    Im fond of planting veggies and fruits this helps allot po thanks po dto may natutunan po ako magagamit ko sa mga tanim namin.

  • @yennaquilan5426
    @yennaquilan5426 Před 2 měsíci

    Wow ang galing

  • @marisaz6438
    @marisaz6438 Před 2 lety +3

    "😇about po sa halaman napakainam po magkaroon ng mga dagdag kaalamanan sa halaman..galing naman po..pag aalaga ng mga halaman nyo..kaganda ng tubo at ang mga bunga ay malulusog..

  • @johnrealubit3526
    @johnrealubit3526 Před 5 měsíci +3

    Maraming salamat po... May bago akong natutunan sa inyo.. shout out po from Ipil Zamboanga Sibugay 🇵🇭

  • @myhandle1993
    @myhandle1993 Před rokem +1

    Thanks for sharing this tips to us sir ❤️❤️❤️❤️❤️

  • @soledadbangay2040
    @soledadbangay2040 Před 20 dny

    Thank you for sharing the important info. God bless you.❤

  • @gloriadomingo9061
    @gloriadomingo9061 Před 2 lety +18

    Thank you po for all the info or tips shared. I love gardening after my retirement.

    • @margiesilabay9716
      @margiesilabay9716 Před 2 lety

      Thank you sa mga new method. Good morning pwede magask Sana anong gawin sa halamang nay may apids.

  • @elizabethjosue8831
    @elizabethjosue8831 Před 2 lety +25

    Sana next po ung ukol naman po sa pamatay ng mga langgam,uod at sa iba't ibang klaseng bugs na kumakain ng ng mga dahon ng halaman .thanks po in advance.

  • @pressievalino6928
    @pressievalino6928 Před rokem

    Thank you Po natutu Po aq s organic fertilizer n tinuro mu Slamat po Sir.

  • @andresanieves6613
    @andresanieves6613 Před 3 měsíci

    Thanks for sharing this video Sir...
    E try q din sa mga tanim q

  • @maryramos4161
    @maryramos4161 Před 2 lety +17

    You have given your knowledge freely..God will bless you bountifully🙏

    • @imeldaildefonso6446
      @imeldaildefonso6446 Před 2 lety

      Pwedi po b khit hindi rain water

    • @zenaidacuyong4968
      @zenaidacuyong4968 Před 2 lety

      Every how many days ho ang pag lagay ng netsin sa inyong kamatis weekly po

    • @persiagil1488
      @persiagil1488 Před rokem +1

      It's not free. He is earning from his youtube channel per video.

  • @czarsss
    @czarsss Před 2 lety +5

    salamat sa info sir kasi yung kalamansi namin 2 years na hindi pa nag bunga. try ko nga ito.

  • @zenypalmones5821
    @zenypalmones5821 Před 7 měsíci

    Thank you very impormative vedios nio po.

  • @wilmaviovicente9399
    @wilmaviovicente9399 Před 10 měsíci

    Salamat po sa sharing
    May natutunan din ako

  • @goodvibesonly6060
    @goodvibesonly6060 Před 2 lety +12

    Thank you, sir, for this video. Will definitely use MSG na rin for my plants.

  • @nelsonrefuerzo7485
    @nelsonrefuerzo7485 Před 2 lety +51

    Sana ang mga farmers natin ay mas tugunan pa ng pansin at tulong ng ating pamahalaan God bless us🇵🇭

  • @user-jg5dq3cm8v
    @user-jg5dq3cm8v Před měsícem

    Thank u sir magsasaka reporter sa bnahagi mo sa akin sa tungkol sa bitsin ngayun lang .

  • @glendonorbaneja4516
    @glendonorbaneja4516 Před rokem

    Ser good afternoon salamat po sharing to for your my idea about the plants fertilizer.

  • @rgarciano
    @rgarciano Před 2 lety +6

    Thank you for sharing Sir. Watching from Tagum City, Davao del Norte.

  • @wlbhobbies
    @wlbhobbies Před 2 lety +4

    Pwede palang gawing fertilizer ang Vetsin, salamat sa pag share Sir.Mer. Keep safe and God Bless po from William L. Briones and PSN Editorial Dept.

  • @user-xs9ul2kx2i
    @user-xs9ul2kx2i Před rokem

    Thank you try ko sa tanim nmin na gulay

  • @maritamojica3541
    @maritamojica3541 Před rokem +1

    Thanks po sa sharing god bless you

  • @violetabitao9557
    @violetabitao9557 Před 2 lety +9

    Sir hangang kelan po ang tagal ng mixture? Thank you. Godbless po sa inyo.

  • @deuteronomeo8318
    @deuteronomeo8318 Před 2 lety +14

    Keep going, sir! Marami po kaming natututunan sa mga vlogs n'yo! God bless!

    • @rogelialayan2887
      @rogelialayan2887 Před 2 lety +1

      alo

    • @joanconsular4691
      @joanconsular4691 Před 2 lety

      Maraming salamat po myron nman akong ntotonan sa into pwede po turoan nyo ako sa mga sekteto

    • @liliatagalag6620
      @liliatagalag6620 Před 2 lety

      Salamat po sa pagtuturo kung paano gamitin ang aji no moto sa.mga halaman ...adk ko din po ilang beses po yam inaaply sa.mga hslaman ?

    • @soundofsilence275
      @soundofsilence275 Před 2 lety

      Sir pwede po ba ang regular water tulad ng tubig poso o kaya sa gripo basta unchlorinated. Thank you

  • @nenitapua9098
    @nenitapua9098 Před rokem

    thank you na may natutunan sa iyo kung paano mag abono gmit ng msg .

  • @strongigorot5136
    @strongigorot5136 Před 2 lety +3

    Dahil sa youtube ang dami nating natutunan . thank you sir for sharing.

    • @aurorabarbosa3224
      @aurorabarbosa3224 Před 2 lety +1

      Thank you may nattuhan nnman kaming mura at effective na fertilizer❤️God bless and keep safe always👍

  • @neliaborja2398
    @neliaborja2398 Před 2 lety +7

    Sir pwede din po ba gamitin ang tao water kung walang rain water? At yan na po ba gagamitin lagi? Thank you po

  • @soniaquinto9554
    @soniaquinto9554 Před 5 měsíci

    Thank you for sharing.We will try po

  • @phemlee8434
    @phemlee8434 Před rokem +2

    Salamat sa mga videos nyo po. Sa mahal ng bilihin ngayon, mainam na lahat ng tahanan ay mayrong tanim na gulay kht sa mga container lamang

  • @wayneray117
    @wayneray117 Před rokem +5

    Morning sir. Ilang beses po ba magbinyag ng Vitsin sa halaman?once a week ba o twice a month?

  • @trinimoises5952
    @trinimoises5952 Před 2 lety +8

    Thank you for the instructions and demo. Ilan grams po ang isang pack ng msg.

  • @DelitaAbella
    @DelitaAbella Před měsícem +1

    🌍🇵🇭Wow Ang galing naman po may natutonan ako gagayahin kopo magawa po maraming Salamat po😅😊

  • @romulusking877
    @romulusking877 Před rokem

    I try ko po Yan sir sa aking mga indoor plants..thank you po sir 🥰❤️🤗😊

  • @elleitolentino3455
    @elleitolentino3455 Před 2 lety +6

    Pwede po ba to sa mga orchids? 😊