Autotelic - Ikaw
Vložit
- čas přidán 12. 09. 2024
- Get ‘Ikaw’, out now : Autotelic.lnk....
Follow Autotelic on:
Facebook: Autotelic.lnk....
Twitter: Autotelic.lnk....
Instagram: Autotelic.lnk....
CZcams: Autotelic.lnk....
Follow MCA Music Inc.
Facebook: lnk.to/MCAFace...
Twitter: lnk.to/MCATwit...
Instagram: lnk.to/MCAInst...
CZcams: lnk.to/MCACZcams
Music video by Autotelic performing Ikaw. © 2020 MCA Music, Inc., a Universal Music Group Company.
Director: Enzo Valdez
Producer: Marielle Panganiban
Composer/lyricist: Josh Villena
DOP: Deej Cellano
Camera Operator: Steven Victor
Production Manager: Geri Regondola
Production Designer: Muriel Lego
Makeup Artist: Toia Avenido
Lead Actress: Katrina Garcia
Lead Actor: Iyo Canlas
Editor: Tyron
Colorist: Steven Victor
Production Assistant:
Erwin Dela Cruz
Behave Dela Cruz
Arvin Tomas
vevo.ly/bpSeCw
This is why you shouldn't date confused people. They will destroy your life, emotionally.
boys and girls, figure things out first
Yeah, it hurts that they choose you kasi ikaw yung nandiyan. Yung feeling na they're longing for someone na napupunan mo, pero they really don't choose you dahil gusto ka nila. Ikaw lang talaga yung nandiyan.
I'm in a relationship rn na alam ko sinagot lang ako impulsively dahil di pa siya ganun kabuo and still not in moving on with her ex. Kasi ako yung nandiyan. Pero in a long run, i know minahal naman na niya ako. Nung sinabi niya na hindi pa nga siya ganun nakakamove on nung naguumpisa kami yeah i was hurt pero sinundan niya ng "napatunayan ko naman diba for months na magkasama tayo?" and i guess i'm lucky enough bc she don't cheat. Pero iba pa din sa pakiramdam na minahal ka niya ng buo siya at ikaw ang priority niya. I remember how toxic my mind was during our first months of being together, madali magmahal pero madali din makasakit ng damdamin.
@@joannesweetnellas6142 i was like that before, lalo na nung she was still talking with her ex and tumigil lang when i confronted her abt it. Mabait naman siya, she's just insensitive sometimes.
You should be more realist than being a hopeless romantic, kasi we take the risk when we know there are red flags in the first place. Kasi minahal na nga natin. What i'm trying to say, when things go bad and against what you really wanted to be. It's always okay to put yourself first and do decision that'll benefit you in the end. Mahirap lamunin ng emosyon, hindi ka patutulugin nun sa gabi.
Edcel Quincena that’s why you don’t have to date me
2024!! Anyone???
Here from tiktok 😂 4yrs na pala to
Me 😢
just now. 09:03PM
here here
My heart is breaking for ate girl. Grabe kayo manakit Autotelic! Hahahahaha. This MV reminds us na 'wag ka munang pumasok sa panibagong relasyon kung hindi ka pa tapos sa nakaraan mo. Let your self heal and put back the pieces on your own. Masakit maging panakip butas.
Yun nga ehh at sana bago ka pumasok sa isang relasyong dapat you healed from the past kasi hindi mo alam na masasaktan lalu yung taong nanjn para syo pero nasa iba ang attensyon mo
@@joshuaoliva4791 Exactly!
@@xcvklnhrt pano kung akala mo healed ka na pero kalagitnaan marerealize mo na hindi pala? :( pero infairness talaga sa MV ha! damang dama ko siz!
@@jesnahrubod6865 Honesty. You should be honest sa sarili mo and lalong lalo na sa bagong tao na dumating, if he or she is willing na antayin ka hanggang sa maging fully healed ka na then go for it. Communication is the key. Hehez.
Yessss. Grabe yung MV, tamang tama sa lyrics ng kanta. 😊
@@xcvklnhrt true! honesty talaga dapat! Sino yung mga actors? I feel like I've seen them on TV hindi puchu puchu! Kuhang kuha nila yung mga emosyon ha! I felt like I was watching a film! Iba talaga ang Autotelic!
This kind of girl is an example of TREASURE. Hindi martyr, hindi tanga, kundi babaeng hindi napapagod magmahal
Omsim.
💯💯💯
Depende pa rin kung sino ang tatanungin mo.
and treasure shouldn't be treated that way.
Bakit pumapasok kung hindi buo? Winawasak mo tuloy yung taong buo na hindi naman dapat para sayo. Matuto kang pulutin ang mga piraso mo at buohin mag isa ang sarili mo.
and this is the saddest thing i've read today :((
:(((((
Tama po kayo, ang ganda ng pagakasabi niyo.
:(((((
👍👍👍
sobrang selfish talaga pag pumasok ka relationship na alam mo sa sarili mo na mahal mo pa rin yung dati, tapos hoping na si bago ang papalit ng ganun lang kadali... unfair kay bago, wag ka gago/gaga.
Buti nalanng di ako gaga HAHAHAH
autotelic be like "ito nga pala ang alcohol at asin sa sugat niyo"
dont forget the lemon juice
Alam ko - john roa
masakit pero nakakatulong para gumaling at maghilom ang sugat
Mapapa putang ina ka talaga eh.
Walangya eh, kalamansi dagdag natin para mas mahapdi
I've been there before. puro ala ala ng ex nya nakkwento nya palagi sakin without knowing na nasasaktan nya ako. goods naman daw paghhiwalay nila kaya friends parin sila sa fb, kaya nag istalk ako sa mga social media ng ex nya, nakita ko naka heart sya sa recent dp, nagllike parin sa mga recent tweets. ang sakit kase hindi ko alam paano ko mahihigitan yung ex nya para mahalin din nya ako katulad ng pagmamahal nya dun. parang umaasa parin sya na magbabalikan sila, kahit na may ugnayan na saming dalawa. ayon, tinigil ko kase kase di ko deserve maging option lang.
stay strong lang po darating din yung taong di ka gagawing option
same same lng ngyri din sakin yn
Same same sakin nangyayari ngayon hahaha
@@ricasandramalazarte4390 sakin 1week n hahaah tng inang buhay to haha
sakit naman bro
This MV shows that :
"Huwag ka munang magmahal ng iba, kung hindi mo pa tapos mahalin yung isa." 😶
mismo
:(
Masakit ano? - yung tipong nagmahal ka ng iba para makalimutan siya, pero later on, marerealize mo na siya at siya pa rin pala. 💔
Pero hindi e, alam ni girl na may iba nung una palang. So ang ending, pareho silang may suffer pero magkaiba. Yung nagsesettle lang si girl pero pwede namang umalis, at yung pinili ni guy magstay kahit iba naman mahal niya. Mas dehado nga lang si girl. Hinayaan niya e.
@@b.tacorda770 Hindi po alam ni girl na una palang may iba na, walang term na "iba" kasi in the first place "ikaw pa rin" siya (ex) pa rin. First scene palang pinakita na, somethings wrong bat nya iniistalk yung ex nya at di lang sya umiimik, as time goes by napapansin na ni ate girl. Then sa bridge ng kanta, doon na lumabas yung "hindi pa rin maka move-on" yung guy sa ex nya, kahit na engage na ito. Hehe.
I just notice how both girls are petite, fair and they both have the same hair style. It shows how the guy was attracted to his girlfriend
:(((((
ambobo naman hahahahaha
@@ming.manangan ?
@@ming.manangan siguro ang pinopoint out lang ni ate eh sa sobrang love ni boy sa ex nya naghanap sya ng physically similar sa kanya
Oh bakit kayo umiiyak? Alalay lang po sa pagluha :) #BakitIkawPaRin
Jhon Paolo Miguel Grajo mahina lang nman eh 😂
HSKAHAHAHAHAAHAHAHSKAH KAINIS
Cong be like... "Wag ka iiyak"
:(((
Jhon Paolo Miguel Grajo sorna😂
One-sided relationship is a trap. Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. You will only ruin yourself trying to make someone love you. There will be days that you will question your worth...and in the hands of the wrong person, you should know that you will never be enough no matter how you try to. You should never fix something that you didn't break.
True. Nakakawala ng pagkatao.
Girl, run as fast as you can. Just run away.
Yes, I already did. I already ghosted him, it's been one month since I left him without saying a goodbye...
I'm running as fast as possible away from him. Thank you! ☹️💔.
You go girls. ❣
@@fantastictintin7286 Did it erase the pain?
AMEN LODS
Yung kinukulong mo pa rin sarili mo sa taong matagal ka nang pinakawalan.
aray ha
meeeeeeeeee
Aray
agay ha
This actually depends. It;s okay to keep loving someone who doesn't love you back anymore, pero alamin niyo ang consequences and wag papasok sa relasyon ng hindi buo, pero sino bang nagsabi na napupunta sa wala lahat ng effort at pinagdaanan niyo? If you choose to free yourself, then much better. Kasi if the person is TOTALLY moved on, I would say please, please free yourself di mo kailangan ikulong sarili mo. Kasi kung talagang kayo, hangga't sa dulo ng panahon kayo at kayo talaga. Walang mali sa magmahal ng patuloy and to free yourself. Choose wisely though, be sure na hindi ka mas masisira. Kasi wala din if you keep loving tapos di mo pala kaya, though okay lang minsan na feeling mo susuko ka na pero hindi yung susuko ka na talaga. If you choose to free yourself, then maganda yun kasi maraming opportunities, love yourself then you'll be able to love others.
And oo ang sakit ng mv na to ayoko mapasok sa ganito, ayoko makulong at hanggang dulo siya pa din. Kung talagang over na sya sayo, tama na. Pero if somewhere kami pa din. I'll make sure to make a fresh start. Magmomove on ako and then we restart.. kaysa yung nagpapakalulong ako, pano ko magagrasp yung pinaka chance na maging kami uli pala. Di naman basta basta paglalapitin kayo ng wala kang effort sa sarili. At least let yourself heal and make sure na buo na uli. It's okay guys, laban lang ^^
I pray my sisters and my future daughters will never have to experience something like this. 🥺
My nieces too 😔
Yes te bap
Its been 10years. . When we separated ways..you already have a family of your own and ako rin...pero nung nagkamustahan tayo sa fb..you told me,kung maibabalik lang natin..and we both cried..thats the most painful part..i unfriended you..but i didnt block you..for you to still see me in my public posts..and i still see your posts lately..in public mode..so i guess youre sending me the message..that you are ok..and smiling..take care..
😢
😢
TOTGA or could be Dead Stars
Sagot sa song na to is Rebound by Silent Sanctuary. Hehe
Oo.
omsim tol hahahahays
pero ang ending nito, HULING SANDALI BY DECEMBER AVENUE
Masakit pag di mo alam na ginawa kang panakip butas pero mas masakit na alam mo pero nagbubulag-bulagan ka, pretending that you are okay and that the relationship is good pa. On the other hand, I don't know what to call it. Is it true love or stupidity? True love in the sense the titiisin lahat para sa taong mahal. Stupidity in the sense na nag stay ka pa rin kahit alam mong wala kang puwang sa puso at isip niya, that you are just there to fill that void the emptiness in their heart pero in the end, di mo kaya kung di niya kaya or di siya willing.
Masakit po eventually I lost myself and asked for space to heal it on my own. What hurts me is that he was fine, he didn’t bother. He never asked if we could still be together after. He left the second I asked for the space.
*MAS LALONG SUMAKIT 'YUNG KANTA DAHIL SA MV NA 'TOOOO!!! IBANG KLASE ANG GALING NIYOOOOO!!!*
Ahhhh~ I had this so-what-unidentified relationship with someone for years. I tried to open my heart to another someone pero I find myself running away. I always run back to him kahit sobrang labo. I was aking God for His Move to intervene to stop myself from breaking my own heart and to stop myself from building up my own prison walls. It was so heartbreaking but God allowed such thing to happen for us to part ways. And now, I am so glad I found my God-sent man. I am secure, I am honoured, respected, and loved. I am now in a happy, healthy, and Godly relationship.
For those of you who are now hurting, I pray that you will embrace your season of hurting and see it as a season of learning to value yourself more. You are loved. You are seen. You are valued.
💙💙💙
🙌❤️
Stuck with the masaya or unidentified relationship with someone 😔
❤❤❤
Parang thinking of you by katy perry 😢
"You never get the same love twice"
I can relate to this.
I was devasted to the extreme when my ex girlfriend broke up with me. I was lost. I cried for nights and days. I begged for her to come back, she didn't. I begged for 4 months, but she's already with someone else. That's the time I decided to try letting her go. On the 5th month after my ex broke up with me, I met a girl whom I thought will be the one for me. So I tried to court her, in hopes that it'll help me to heal and move on. But everytime I talked to that girl, I still remember my ex and how it pains me to loose her. In the end, it ruined me more and the relationship that I was trying to build - that girl also stopped talking to me because of that.
It taught me a hard lesson. Do not look for love, until your strong enough to love yourself!
Eh sino yang nasa pic youtube mo sir ????
Sa paraang ang tao hindi matututo hangang hindi nalalaman ang sagot sa mga tanong niya. Kahit ibig sabihin pa nito ay ang pagpasok sa Isang relasyon sabihin natin hindi pa siya handa. Sa madaling sabi, relasyong panakip butas. Minsan ito yung mga tao na nagmahal ng totoo, iniwan, at sinaktan. Binigay ang oras, panahon at sarili para sa taong alam nya na sana ganoon din ang ibabalik sa kanya. Hinihanap ang nakaraang pagibig sa bagong pag asa na sana mas mahigitan pa ang nabigong pagmamahalan.
Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. Hindi sagot ang panandaliang saya sa sugat na naghihilom pa. Mas masarap magmahal ng walang pag aalinlangan. Mas masarap ngumiti ng walang halong pangamba. Mas masarap sabihin sa tao na mahal mo siya ng walang pag dadalawang isip.
Kaya ikaw sa nakakabasa nito, pakatandaan mo, lahat tayo may kanya kanyang pagsubok. Sana hindi mo makalimutan ang dahilan at aral kung bakit kailangan mangyari ang mga bagay na hindi natin gusto. MAY RASON ANG LAHAT. At alam ko na kakayanin mo ito. At sa pagsubok na malalagpasan mo, sigurado ako, may tao na mas makikita ang importansya at kahalagahan mo.
Thank you 😔
Ganda ng sinabi mo :) Pang libro. Haha
Hi, pwede po ba itong isama sa lyrics ng ginagawa naming kanta?
@@bokubante1621 no problem. :)
Reminiscing the old me listening to this song, grabe ang iyak ko noon.. Ngayon it doesn't hurt even a bit. I was that girl back then, the panakip butas one. Praying for everyone who's hurting rn. You'll be okay too!
Potang ina 5 years na kami break ng Ex na hanggang ngayun merun parin feelings. kahit my ilang syota ako iba di rin tumatagal. But I'm happy friends parin kami. Iwan my syota na siya merun din ako peru iba parin tinginan namin dalawa sa isa't isa pag nag re reunion kaming batch ng highschool. Tsk tsk sakit naman nitong song ngayun ko lang na realize na mahal na mahal ko parin siya. Hays
And that my friends is where a toxic relationship starts.
Yung nandyan ka naman. Pero sa iba pa rin yung nasa isip at puso niya. 😥
Same
😫😭
I met a girl last year which I thought na siya na yung binigay sa'kin ni God. The feelings were very mutual just like an old souls reunited.
But after a month, nawala sya. Nawala yung pagmamahal nya. I even beg for her to love me again. Huminhingi ako ng tawad sa kung ano man yung bagay na nagawa ko, kasi ang alam ko okay naman lahat.
Then one day, you said "kung makita mo man yung taong pagaalayan mo ng pagmamahal, sisikapin mo na sya na hanggang sa huli." Pero yan din yung pangako ko sa'yo.
Di ko man alam ang dahilan ng paglayo mo sakin. Mananatiling ikaw ang mamahalin. Kasi sapat na yung hiniling kita kay God. Sana alam mong ikaw pa rin.
You were just a temporary page in her life. She'll probably forget about you (even your name) after a few months.
Love yourself and create healthy walls, man.
This video encapsulates everything that the song is all about. Damang-dama talaga yung kanta lalo na ngayong may MV na. Kudos to the band for creating a song that resonates with a lot of us Filipinos! Also to the actors who really captured the essence of the story through a beautiful performance! To the director and the production, I applaud you! Mabuhay ang Autotelic! 👏👏👏
To that someone na nag-introduce sa akin sa Autotelic, thank you so much, I know you're happy now, and I'll be happy for you as well.
Ang hina mo boy! Ang hina mo para sa sarili mo! Ang hina mo para sa ex mo! At ang hina mo para sa bago mo! Masakit pero pakatatag ka naman. Taena naman e, sakit din makitang nasasaktan si new girl.
galing mo makasalit pre. wala kasiguro nakatuloyan kahit isang babae nu?
Haha. Sorry kuys pero married na ako.
Yep, mahinang nilalang.
The two meaning behind "Ikaw parin"
"Ikaw parin" kahit nasa piling na ng iba.
"ikaw parin" kahit ang sakit sakit na.
Thus the MV shows the POV of both the guy and the girl
Inulit kong panoorin, tapos kinakausap ko yung mga bida, bakit? Si guy bakit pumasok sa ganong relationship, si girl bakit papasakit pa?? Well alam ko naman sagot na si guy hahanap ng bagong (hindi panakip butas) tutulong sa kanya makalimot, si girl naman gustong gusto siya tulungan kahit masakit.
Yup pag ganyan, i can only say, stay and ipaglaban if kaya, if hindi? Hindi naman masama sumuko. Tao lang tayo, masasaktan mapapagod, pero para magamot ang isang tao is dedepende sa mismong tao na yon. Bask in your loneliness, or get over and move on, which is highly recommended, oo mahirap pero, makakalipas ka rin, kakayanin mo rin.
pero hanggang kelan ako kailangan tumulong ?
@@whothefckisdhany4037 hanggang kung saan kaya ng puso mo, oo mapapagod ka, pero kung hanggang saan kayo mo, kung hindi mo na kaya, pwede ka tumigil, walang masama mapagod and sumuko, pero masarap rin ipag laban, kaya mo yan
@@carlosnatividad6680 sige laban pa :)
Pero mas okay yung mag heal ka ng walang tulong ng iba. Mabagal nga lang, pero sigurado.
Two months after ng breakup namin, mahirap pakingggan tong kantang to at basahin yung comment mo. Naiisip ko yung ex ko na two days after ng breakup namin, nagkaroon ng iba. Same ng set up ng guy and girl. Medyo okay na ako eh. War flashbacks lang haha.
Never invest your emotions especially when it's clearly a one sided relationship and when the other is not ready to move on from his/her past.
It destroys you deeply.
maybe u dont love the person anymore but the memories and pain is keep holding u back at sobrang sakit non kasi di mo alam kung san at pano ka magsisimula uli and then there's one person who will love you so much and will stay with u until u healed and find yourself again.
Lumabas lang to as Ad sa video ko. Pinanood ko, ngayon andito na ako. Ang ganda nito :)
Kapotpot here haha! Sana mapili mo ako sa ipamimigay mong bike sir ian! Merry christmas and happy birthday po.
Hahhaah kapopot. Nag eemote si sir ian😁
I was this girl in this MV until I realized I got tired. I'm done asking myself every day, "What things should I sacrifice and do just for you to love me and forget her." So finally, I let go. I'm done praying for you to look at the present we have when you are still stuck focusing on the past. Thank you for making me realize my worth. Thank you for making me understand that I should deal with a person who has fully healed. Now, I will heal myself. It will take time, but at least I know that I won't make the other person feel the way you've made me feel.
Kaya siguro 'di nag tatagumpay ang mga bagong pag mamahalan na nangyari, dahil mahal ko pa ang naging mundo ko dati.
Watching this for the 50th times(estimate ko lang). Yung part na fav. ko yung nagkita sila sa isang coffee shop tapos nakita niya ulit yung sobrang minahal niya na masaya sa iba. Dun ako sobrang nasaktan dun ko naramdaman lahat at naisip ko kung papano kapag ako lang mag isa tapos sila magkasama at masaya. Sobrang dinurog moko sa kanta mong 'to.
Paborito ko pa naman yung "LANGUYIN" tapos sa huli madudurog ako sa kantang "IKAW".
I knew the song for just a couple of months and right now I think I've come to a proper conclusion and analysis about the story portrayed in the song since there are some have taken it as a quite distasteful manner when it comes to opening a relationship. Here are my points; the boy is reminiscing about his ex girlfriend (the behavior of the the boy is intentionally exaggerated for us to see his current status which is still can't moved on) and I think he is a decent man that still loved someone. (We can conclude that he is loyal to his partner) While the girl is mature enough to understand the boy's "heartbreak" to his past partner. (She is not being a martyr, to just accept things as they where or taking a blind eye, of course she can see it and she is mature enough to confront the boy and ask for the truth).
_"But why she's still there if she knew that he didn't loved her?"_
Actually yes but no. The girl loves the boy (maybe she wants to help the boy to moved on and to love her to cope with it) while the boy CAN sincerely love the girl. Yes it might take some time to fight his feelings towards to his ex girlfriend but he can. And again, it is just that he loved his past partner that much.
And now for my conclusion: Their relationship is logically acceptable and not "toxic", we can see both parties are trying their best to deal their problems and with the right amount of time, they can overcome it if they really love each other. You can't force someone to love someone instantly. It needs to be gradual, like a step by step procedure. Love will only be replaced by another love.
That is all what I have to say, I hope you did get my idea. Feel free to argue with me if I'm wrong 😂
Edit: I didn't read the comments so be aware that I am not the only one who see the story as I viewed it and might as well looked like reiterating their thoughts about it 😂.
Cinematography, acting, song on point!! KUDOS SA AUTOTELIC AT LAHAT NG GUMAWA NITO!!
It’s funny how my friend sent me this song just when I was contemplating whether to break up with my boyfriend or not. His nightmares about her and the avoidance of talking about his feelings and what happened shows he hasn’t fully move on yet, and there I was waiting for him to finally move forward. But of course, I guess I can’t never be compared to someone he loved his whole life, the “love of his life”, his first love. And even if I am the one who’s here with him, his heart will always be hers. :) His heart died along with her. And no matter what I do, even if it has been 7 years since she died, his heart is still hers.when everytime I say or do something, he’ll be reminded of her. And how do you compete with someone who’s dead? Because you can’t, you don’t. I guess it’s time for me to save myself. I should stop painting colorful hues for someone who won’t leave his world of gray. I love you, älskling. I really do but if you still love her, where does that leave me then? 😔 Ganon talaga yata. Haha. We always ask those people whose loved ones departed kung kamusta sila, pero pano naman kami na nandito, na nagmamahal sakanila? :)
"Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata, bakit ikaw pa rin? IKAW PA RIN" tangina!! 😭😭
Super relate ako dito. And ito yung pinaka kinakatakutan ko. I have a childhood crush since kinder. Naging kami 4th year college. Imagine gano katagal ako kahulog sa kanya. Sad to say wala na kami last 2020, and mag iisang taon na din ako nagmumukmok. And yun nga, natatakot ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko siya makakalimutan basta basta. Na kahit umabot pa ng 10 years or more, kapag nakita ko ulit siya alam kong babalik lahat. Lahat ng saya, sakit, at alaala. Ang lungkot lang isipin na hindi pwedeng magmahal ang dalawang tao ng pantay, ang sakit isipin na yung isa umuusad na, ikaw naiwan pa.
It was September cold night in a beautiful rooftop. We were hugging each other so tight, I tried to remain silent, but couldn't help myself. I uttered the words I don't want you to hear because you're leaving and might not see you again anymore. But, I did it.
"I love you" I said.
He didn't answered.
"Don't worry you don't have to answer."
We both remained silent, until...
"Lesson nito eh, wag tayo mag mahal ng iba pag hindi pa tayo tapos mag mahal sa nakaraan eh."
And that's bullshit. I'm emotionally devastated up until now. Dami niyang nasira eh ☹️
Fall in love when you are ready..not when you're lonely..
Nakikita ko 'yung guy sa sarili ko tho I'm still single. :
Nangyayari talaga 'to. Kaya may "rebound" na natawag eh. Actually, it happened to me. Unfortunately, my great one true love passed away five years ago. Pero since 1998 ko pa sya mahal. Ang blessing lang and consolation, alam kong bago sya nawala, kami ang nasa puso ng isa't isa. Mahabang kwento eh. Pero relate na relate ako sa kanta! Salamat Autotelic!!!! Astig! Solid!
Sa lahat ng kantang ginawa nyo, masasabi ko na ito ang pinaka masakit :').
mahirap sumagip ng taong nalulunod pa sa nakaraan.
"Mayroong nagmamay-ari pero ikaw parin" shet lordt is this a sign 🥺
in short, never use a person to forget another.
But sometimes for us akala namin nakalimot na kami .magaling maglaro ang emotions oo pero ang love hindi hays hahaha
i have this thing to date someone who is broken, its this urges, the urge to fix them, is it only me or? this painful feeling is really addicting.
P.s. i may have helped them but at the end of the day the only one who can help them is themselves
Guys and Gals wag nyo naman ipaglaruan yung pag ibig Love isn't a game and feelings aren't temporary they can last a lifetime. If you can't be honest with someone who cares for you. Reflect on yourself sakit umasa kaya...
TRUE!!! Yan ang mali eh. Nag se-settle na lang mga tao sa na hindi tatagal. Kahit gaano yan ka boring or di kayo nag uusap. It doesn't mean na hindi mo na mahal. Napasakit naman idulot sa tao pah ganyan.
This is what exactly im going through right now. Im still fighting guysss
Your not alone.. Laban lang
Laban lang pero always remember to know your worth 💛
Nakipaghiwalay na sya😄
Bianca Nykhole ate hugs... sila pa nakipaghiwalay. Pero sige langgggg. Let’s continueeee. Kaya natin tooo
Waiting for the 1 million views super underrated song talaga to wish for the best🎉
2yrs and 5months boi! Tapos mahal pa pala yung ex! Nakakagalit lang kasi ginawa ko naman lahat akala ko sapat na ako. Bakit pinatagal pa? Bakit kung kelan hulog na hulog na ako? Bakit kung kelan gusto ko na magsettle
Somi love same here. You deserve better. You will heal. Laban lang tayo.
Hugssss, malalampasan din natin to.
5 years na kaming break, may asawa't anak narin ako now pero minsan naiisip ko parin siya. Mahal ko naman iyong Family ko now, minsan di lang maiwasan na may mga bagay na pag nakita natin nag papaalala ito sa isang taong minsan natin minahal ng sobra.
Ilang araw ko nang pinapanood 'tong MV na to kasi sobrang naramdaman ko yung mga karakter sa istorya. Autotelic, bigyan niyo naman sila ng sequel please! please please lang!
Hinding hindi ko to gagawin sa susunod na taong mamahalin ko. Kaya wait lang ha? Mag heal lang ako tapos pag ready na ko, bibigay ko sayo lahat, buong ako. Buong buo💯
Remember Never Settle for Less!
Nacurious ako coz dumaan yung SS ng mga comment sa vid na `to and it sucks na may mga nilalang talaga na kailangan pang gumamit ng ibang tao just because hindi pa nila malet go yung nakaraan. It sucks too to think na ikaw yung present pero ginagamit ka lang, it sucks to be a person na nagiging benchmark ng isang taong gago, it sucks kasi umaasa ka e, umaasa ka na sana ikaw naman, sana ikaw na lang... 🙂 To those who can relate kay girl sa vid., let go kahit masakittttttt, kahit magbaback to zero ka ulit.
Walang iyakan 😭
Yung ikaw yung nandyan through joy and pain, pero iba pa rin ang nasa isip nya
grabe everytime i replay this song yung puso ko nage-ache a little bit more. this really described the guy that i like in every angle, hahaha, i hope na there will come a time na he'll look at me the way he looks at her and nandito lang ako lagi in case his heart gets broken, one chat away ka lang!!! 💗
The moment umiyak si girl, parang gusto kung sapakin si boy.
This song and MV is so underrated. The long wait for Autotelic's music is always worth it.
“Hanggang sa pagmulat ng mga mata
Bakit ikaw pa rin”
I really felt that😅😅
Met a girl online last 2020, out of boredom on both sides we chatted until Ecq hit harder, fell in love without meeting each other, made plans on what we'll do first when we finally meet, met her daughter via video call as well, said i love you every moment our call will end, met my relatives and i met hers, she knew my story and i knew hers as well, only to find out suddendly that she was in a relationship with a guy who was supporting her financially, i know its a long distance relationship but it still hurts the same, tried telling me that she really loved me but i came to her life on the wrong time, sad to see her get married to the guy but thats life.
This tradition should be stopped ,don't date someone if your broken or still unable to move on from a relationship, your hurting someone else's feeling .Be matured enough to heal your broken heart take time for your self ,rushing in into a new relationship is not gonna fix that feeling ,what if you see your ex again you gana hurt the feeling of the person who's right by your side.
Mag 7 years na kami nang girlfriend ko pero sa twing naririnig ko to, naaalala ko parin sya . Di ko alam kung ako tama bang isipin ko yung mga ganitong thoughts . Sana tama ako sa pinili ko .
Excited nakong masaktan🥺💕
Edit: gago ampota.
Nako kuya... Kakainin mu lahat yan pag nanjan kana. Sobrang sakit nyan promise.
HAHAHAHAHAH
Baka HAHAHAHAHA
🤣🤣🤣
Kahit paano naten punuan yung pagkukulang ng tao na dati nilang mahal kulang parin . kulang na kulang parin tayo . Kaya wag kang magmamahal ng taong hindi pa tapos magmahal sa nakaraan niya . Kung masaya siya sayo sa umpisa sige lang . tandaan mo mas pinagpapala ang marunong magbigay . kaya hanggang meron nangangailangan ng pagmamahal at atensyon magbigay ka lang kahit wala kang makuha pabalik .
sequel please!!!
5months na kaming hiwalay ng Ex ko until now sariwa pa din lahat. 4yrs kaming magkarelasyon di madaling makalimot nawalan ako ng gana magmahal napakhirap talagang lumaban lalo na kapag distansya na yung kalaban niyo.kaya kung magmamahal ka man dapat handa na lahat sayo puso at isip .hanggang ngayon hinhanap ko pa din sarili ko .sa kung saan at anong landas ba yung tatahakin ko .nawala ako sa landas na tinathak ko at ngayon kailangan ko muna maglakbay ng magisa para maghilom.
Stuck for 7 years
And after all this goddamn time
its you...still u
rupok
rupok
rupok rupok
rupok
rupok
had this on loop for more than 10 times now, cant bare to watch the video kasi lam ko masasaktan ako lalo, lyrics pa lang tagos na eh.. perfect, more than 1 year since iwan niya kami ng anak ko, wherever you are, sino man ngayon kasama mo.. ikaw pa rin..
salamat autotelic
Makinig lang sa kanta wag nyo ilagay sarili nyo sa kanila kaya ka nalulungkot at naiiyak. Hehehe
Lalong lumakas 'yung impact dahil sa mv. Napahagulhol ako, pucha 😭 galingggggg!
Pag naaalala kita, binabasa ko lang ulit yung huling message mo-
"Masaya naman na ako sa kung ano mang meron ako ngayon."
Sana okay parati.
:)
Bat kasi ung ibang lalake, ang hilig pumasok sa bagong relasyon kahit na di pa sila nakakamove on. 💔
Louder for everyone, ate!
Biktima lang din kame.
@@rgc4772 Ay wait, ayusin natin: 'Bakit kasi may mga taong ang hilig pumasok sa bagong relasyon kahit di pa sila nakakamove on.' Ayan. Para gender equal po hehe
@@rajb1627 haha corrected by.
@@rgc4772 sabi ko yung IBANG lalake. 🤦
after hearing this song in an instant nging love coach na mga tao lol
the person you love most, will hurt you best. if she's my girl(music video), i don't have any reason to think about my past. -which you should always do when you are in a relationship
The girl doesn`t deserve that, ginawa lang siyang panakip butas aaand nakaka badtrip yung lalake dito. Wag ka kase magmahal ulit kung basag na basag ka at di ka parin maka move on sa nakaraan mo, kung nasasaktan ka mas masasaktan yung bago mo pag nalaman niya na mahal mo pa yung ex mo. You just used another person to forget the person who used to love you and it`s not right. Buohin mo muna sarili mo kung magmamahal ka ulit
ps ang ganda ng kanta na to
Haaaaneeeeppp kayooo! Halimaw to sa ganda. Music vid and compo. I hope you'll get the credits and break you deserve. Saludo ako sa inyo. Napakalupit ng concept and pagkakasulat.
Now I get it kung bakit mas pinili niyang wag ituloy kung ano man ang meron kami..
"Bakit, Ikaw pa rin" 😭😭
kaya importante talagang mag-heal ka muna bago ka pumasok sa panibagong relasyon kase sasaktan niyo lang isa't-isa at huwag niyo rin i-tolerate ang isang tao na saktan ka at mag-stay sayo dahil lang sa mahal mo siya lalo pa't alam mo naman sa sarili mo na may iba pa siyang mahal. remember, love is mutual.
Autotelic is so underrated. Y'all deserve na sumikaaaat. Ang gaganda ng kanta niyo! Padayon 💛 I LOVEEEE YOU, AUTOTELIC! ✨
We're just friends with benefits, because we both like different people, but I'm starting to want more of him, more than what we have, I want his kisses to be a kiss of someone who really treasures you, his hugs so warm and gentle puts every bad feelings away, but he is broken like me, though, he's still in a phase where he doesn't want to move at all, he thinks he doesn't have any hope. Somehow, I have a hope for him, that he can be better, that he just needs to see that someone believes in him. I believe in him.
7 months kami, bago ang lahat may karelasyon ako, hiniwalay ako yung una ko para sa kanya.
Yung kami na ang sarap sa feeling mag mahal, parang walang gulo, parang lahat ng araw importante. Wala naman naging problema tulad ng may issue na cheating or what. Yung nag simula yung pang lalamig nya sakin noong nakawork sya. Stress sya oo, kaya nag aadjust ako. Naiintindihan ko kahit hindi na valid yung rason kahit parang ginagago nalang ako. And then after my birthday , August nag simula na yung panglalamig. Nya halos para utang na loob ko pa yung mag update or mag paramdam sakin. Hanggat dumating yung. september. Halos pilit nalang lahat. Ang sakit kasi binigay ko lahat. Na akala ko iba sya sa una ko na hindi nya gagawin sakin yung mga bagay na kinakatakotan ko na nagawa ng una ko. Pero hindi mali ako. Hanggat humingi sya ng space or pahinga. Sa loob loob ko parang ako tong ubos pero sya tong susuko na. Kaya kumapit nalang ako sa kasabihan na kapag mahal mo bibigay mo ang gusto nya, kahit sobrang sakit. Yung parang ikakamatay mo na (OA? Pero totoo) . Wala pang isang linggo nung ako tumawag sa kanya. September 16 humihingi ako ng assurance kung babalik pa sya kasi pahinga lang naman ng 2 months daw. Pero that time bigla nyang sinabi na parang hindi na daw, Na hindi na sya sure. Habang sinasabi nya yung gusto ko nalang hindi humingi at parang gusto ko nalang mawala. Hanggat sinabi ko na ” pag iintay
Pag iintay moko ng dalawang buwan. Nawala lang. habang nakikita kita na masaya at nagagawa lahat ng bagay na gusto mo. Habang ako nag iintay sayo.” Kung hindi pako humingi ng assurance wala. Mukha akong tanga sa loob ng dalawang buwan.
After ilang weeks
May nakilala ako. Nag date kami and naging kami. Nalaman nya October 4 tumawag sya sakin. Na ready na daw sya at nag mamakaawa na bigyan ko sya ng second chance, humihingi sya ng tawad kasi naduwag daw sya.
Pero sagot ko masaya nako sa kanya
Hanggat lumipas ang ilang linggo naging cool ako sa karelasyon ko
Hanggat humingi ako ng space, hanggat nauwi sa break up.
Yung gabi yun tumawag ako sa Ex ko 3 am. Sobrang sakit habang naririnig ko sya na tumatanggi sa mga sinasabi ko. Sobrang sakit. Na kahit ikaw yung nasaktan ng sobra sa una. At nakahanap ka lang ng saglit na saya. Pero wala mas lalo kang na durog as in durog na durog.
Hanggat binaba ko na yung phone. Sobrang sakit sobrang sakit that time hindi ko kinakaya lahat.
Sabi ko sana nilingon ko nalang sya at inintay kahit walang kasiguradohan.
Kaya ngayon ito ako mag sisisi kung bakit hindi ko nalang sya pinatawad.
Pero wala naisip ko din yung sarili ko
Yung kapag pinilit mo naman yung mali, masaya pero mawawala din at wala pang kasiguradohan.
Kapag tama naman, Oo hindi kana tanga pero hindi ka naman masaya .
Pero pinilit ko pa din bumangon at naging totoo sa sarili ko.
Masasabi ko. Na Ikaw Pa din. Ang gusto kong isayaw sa bawat street sa baguio at ikaw padin ang gusto ko kasama malakad sa UP, ikaw pa rin ang gusto kong kasama makinig ng Kalachuchi ng Munimuni. Ikaw pa rin ang gagawan ko ng video sa Languyin ng Autotelic.
Ikaw pa rin
Sobrang sakit. Nangyari sakin 'to. Ako yung bago niya pero ramdam kong nakakulong pa rin siya sa past niya. Masakit for me kasi paano naman kaming mga gustong magmahal sakanya. Saan yung lugar naming mga gustong mahalin siya?
Wag na wag kang magmamahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
The guy in the MV reminded me of being an asshole five years ago. Pumasok ako sa bagong relasyon in hope na makakalimot ako sa recent break up ko. My feelings naman ako kay guy but not that deep kase mahal ko pa ex ko that time. Everything was perfect at first. Nararamdaman ko na mahal na mahal niya ako. But may part pa talaga na mahal ko pa yung ex ko. Then the next thing I knew, hindi ko na siya mahal. Na fall out of love ako. And you know kung ano yung mas nagpakomlikado ng sitwasyon? My ex came back. The feelings ruined everything. Call me bitch. Call me tanga.
Then naulit at naulit ang nangyare. Naiwan ulit. Until I found myself na bumalik kay ex no.2 . Yeah, and tinanggap niya pa ako ulit. Akala ko magiging happy na kame. On and off ang nangyare for the past 5 years. Ilang beses akong nawawala, ilang beses niya din akong tinatanggap. Hanggang sa dumating ang araw na babalik ako, pero hindi na pwede. May nagmamay-ari na sa kanya.
At sa five years na yon, hindi ko nagawang magmahal ng iba everytine na nagbe-break kame. Dahil ang taong na fall out of love at ginawa kong panakip butas lang dati, siya pa pala ang taong mamahalin ko ng paulit ulit.
And sa loob ng limang taon, patuloy kong pinaparusahan ang sarili ko. Until last week, nagawa ko na syang palayain. We decided to cut ties na dahil friends pa kame until now. Totally. Kahit mahal ko pa siya. Kinakarma nako sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Deserve ko to. And I know, deserve niya din ang mahalin at alagaan. At alam kong hindi ako ang pupuno non.
To the girl na nagmamay ari sa kanya ngayon, alagaan mo yan. Wag mong bibitawan gaya ng ginawa ko.
And just a piece of advice, wag gawing panakip butas ang isang tao. Huwag gumaya sakin. Look at me, I'm a huge mess now.
I'm at this dark place too
@@robert202 naging sobrang unfair tayo 😔
😅
Na fall out ka na , boy! Ba't habol ka pa ng habol? Paki explain. 🤔
@@dantelloydciriaco5800 exactly di ba. Who would have thought na yung taong na fall out mo, yun pa pala yung taong mas mamahalin mo. Without knowing the possibilities na babalik pala yung feelings mo. Basta ganon ahhahahahaa.
@@maricheng7414 so anong tawag sayo? 🤔🤔
Kahit di ka broken maiiyak ka hahaha sakit...
may tanong ako may jowa na ako at alam kong mahal ko siya pero may tao sa past ko na hindi ko talaga makalimutan? wala kaming closure pero hindi rin naman naging kami. Alam ko lang minahal ko siya ng sobra higit pa sa sarili ko, minahal ko talaga siya. Naiisip ko ba siya dahil wala kamingn closure? Mahal ko pa ba siya? Pero ang alam ko mahal ko na yung present ko. Mahal na mahal ko yung jowa ko ngayon kaso bakit ganon? Bakit minsan napapaniginipan ko pa rin yung tao na nasa nakaraan ko? Naiiyak pa rin ako pag naririnig yung kanta na paborito namin? bakit? patulong naman nagui guilty ako.
I love you Katrina Garcia! 😍💯 nakakainlove ka.
alam nyo kung sino ako dyan? ako yung bagong babae. ako yung pangalawa. ako yung dinudurog nya ngayon. ako yung buo pero willing madurog ulit mabuo lang sya. akala ko ako na yung bida supporting actress lang pala role ko dito.
Ayos yung username mo bagay sa role mo. 😁✌
Jenville Mercado hugs ateeee!!! Malalampasan din natin to. The first step is to choose ourself.
mag heal muna kayo bago kayo pumasok ulit sa isang relasyon!!
I accidentally clicked this video...
-
-
-
-
The best mistake of my life.
Ify.
HAHAHAHAHHA
3:25 nakakabaliw talaga kpag nilalamon ka na ng sarili mong emosyon... sa isang iglap, nagbabago bigla ang lahat. :(
ramdam ko yung emosyon ni kuya, sobrang hirap makaalis sa sakit at pait lalo na kung sa kanya nagig pinakamasaya