Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 13 Jul 2024 7a.m.
Vložit
- čas přidán 11. 07. 2024
- Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
Sabado ng Ika-14 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. July 13, 2024
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
UNANG PAGBASA
Isaias 6, 1-8
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon. Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan. Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong Templo. May mga Serapin sa kanyang ulunan, at bawat isa’y may anim na pakpak. Dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa buong katawan, at dalawa ang ginagamit sa paglipad. Wala silang tigil nang kasasabi sa isa’t isa ng ganito:
“Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan;
Ang kanyang kaningninga’y laganap sa sanlibutan.”
Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng templo at ang loob nito’y napuno ng usok. Sinabi ko, “Kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling ng mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako’y isang makasalanang nakakita sa Panginoon, ang Makapangyarihang Hari.”
Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga sa dambana, at lumipad na patungo sa akin. Ang baga ay idiniit sa aking mga labi, at sinabi, “Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo.” Narinig ko ang tinig ng Panginoon, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming susuguin?” Sumagot ako, “Narito po ako. Ako ang isugo n’yo.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5
Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.
Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.
Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.
Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ika’y naroon na.
Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.
Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.
Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.
ALELUYA
1 Pedro 4, 14
Aleluya! Aleluya!
Hirap kaisa ni Kristo
ay kapalarang totoo,
kaloob ng Espiritu.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 10, 24-33
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. Masisiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay!
“Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.
“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
Padre Pio, bless my family. And I claimed that I already healed from my lung cancer and thymus cancer. Amen 🙏🏼
Thanks be to God🙏😊✋️🧡💚🩷💜 for the guidance and protection unto me my children and grandchildren..keep them safe from harm,in Jesus name i Pray❤🙏😊Amen
Praise God , glory to our Lord Jesus, i trust in You! Amen❤🙏😊✋️🧡💚🩷💜
St. Padre PIO, tinataas ko po sa inu ang mga anak ko at mga apo, immediate and complete healing sa mga may karamdaman. Financially help us. In Jesus name , Amen.
Padre pio pls help us pagalingin mo po lahat ng aming karamdaman ng familys ko po mawala na po kidney stone ni erik paa kamay ko manhid tulugan mo po ako padre pio makalakad na po ako normal amen
Sto Padre PIO pls heal my sickness and pls pray for us my family relatives and friends in Jesus name Amen Good morning everyone 🙏🙏🙏
Mhal n Padre Pio paglingin mo n Po s lagnat ang aking manogang n SI keanlyn tongohan. Amen🙏🙏🙏❤️❤️❤️
SAINT PADRE PIO PRAY FOR US AND THE WHOLE WORLD. Thanks for the gift of this Holy mass. Glory and praise to you lord Jesus Christ now and forever. Thanks for the blessings you given me and to my family and for my successful surgery and speedy recovery .PRAYING for healing protection guidance and help us in all our needs and for my grandchildren in their studies 🙏❤♥ May the joy love and peace of the lord be with us all .Offering this mass for the souls of our faithful departed loved ones and all the souls in purgatory Good morning everyone and have great day Amen 🙏 ❤❤❤
Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin Panginoon Diyos holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛
Santo Padre Pio please ipanalangin Mo po kmi! Salamat sa Diyos! Amen❤
St. Padre Pio I fervently pray for healing of the siine of Evangeline Barbin, my 95 y/o aunt, we pray in the name of Jesus Christ. St. Padre Pio please intercede for us. Amen.
Inaalay ko po ang misang ito para po sa aking pumanaw na mga mahal na magulang na sina Juanito at Luningning Rosali, Ricardo Rosali, Juliet del Mundo at Fering Rosali at sa lahat ng mga pumanaw amen
Padre pio good morning po pls help guide bless me my son michael erik to solve our financial problem tulugan mo pk kami padre pio matapusan ito financial na ito amen
Santo Padre Pio salamat ng marami sa lahat ng biyaya at pg gabay sa pamilya at patawad po sa aming paulit ulit n kasalanan.Amen 🙏🙏❤️
Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind , Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏
Mahal n Padre Pio pray for us Hear our Prayers Please protect always my family Nanay Dennis and my children Carlo and Danica Amen Thank you Lord Amen 🙏 🙏🙏🙏🙏
Padre pio pls help guide bless my son michael jerry cox to solve their financial problem tulugan mo po sila padre pio matapusan nila ito financial na ito gabayan mo po sila at familys jerry cox amen
Panginooy Naghari Na, Ang Damit Niyay Maharlika Amen 🙏
Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏
Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏