Guddhist Gunatita ft. Flow G - KARANASAN (Official Music Video) prod. by Brian Luna

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 27. 08. 2024
  • Marami pang pwede mangyari ~
    Title : KARANASAN
    Written and Performed by Guddhist Gunatita & Flow G
    Beat Produced by Brian Luna
    Mixed by Kyle Magtira
    Mastered by Brian Luna "DJ LUNA"
    Stream here: guddhist.bfan....
    Create Collective
    Filmed by: MKGM
    Directed by: MKGM & GUDDS
    Camera Operator A: Paul Andreu Avio 888
    Camera Operator B: Donyvan
    Camera Operator C: Kim Bercero
    BTS: Paul Andreu Avio 888
    FPV Drone Pilot : Manu Torreno
    Sponsors HGHMNDS CLOTHING & MANILA CAFE.
    Manila Cafe Accounts:
    FB: / manilacafeph. .
    Instagram: ....
    Tiktok:www.tiktok.com....
    CZcams: ‪@manilacafeph‬
    WEBSITE:www.manilacafe.ph
    HGHMNDS Clothing Accounts
    FB: / hghmnds
    Shopee: shp.ee/9yfv93k
    Instagram: / highmindsclothing
    CZcams: ‪@highmindsclothing‬
    #Guddhist #FLOWG #KARANASAN

Komentáře • 889

  • @GuddhistGunatita
    @GuddhistGunatita  Před 10 měsíci +832

    Para to sa lahat nang simula umpisa nakasubaybay at naka suporta sakin! Napalapit na tayo sa isa sa mga pinaka solid na artists at tao sa industriya maraming salamat sa pagmamahal niyo kay GUDDS at sakanyang musika! ❤😊❤

  • @wangthynasty
    @wangthynasty Před 10 měsíci +25

    yung pilit mong wag isipin yung reyalidad pero andiyan si GUDDS para harapin mo kung ano talaga yung totoo o laban ng buhay. salamat sayo, kuya GUDDS! hanggang ngayon andito pa rin ako🙇🏽🙇🏽

  • @JE1997xx
    @JE1997xx Před 10 měsíci +45

    sobrang hirap na huminga sa araw araw na laban. parang ang sarap na sumuko mapatrbaho, bahay at sa pagibig halo halong problema ang bigat lagi ng pasan. musika mo lang nagiging kakampi ko dahil wala mapagsabihan! pag nasa byahe ako papasok tuwing umaga playlist ko mga kanta mo habang nasa bus nakatulala sa binatana, lumalawak ang pagunawa ko lagi sa mundo kaya patuloy lumalaban. salamat sa mga kanta kuya gudds

  • @rare1327
    @rare1327 Před 10 měsíci +68

    Lupet talaga ni Flow G, kahit Featuring lang sya sa mga kanta laging Solid mga linya nya, solid din yung pagtulong nya sa mga kapwa artist para makilala din ng iba, the Best talaga G WOLF 🔥

  • @johnconradoiiidelapaz7959
    @johnconradoiiidelapaz7959 Před 10 měsíci +11

    Thank you seaman ako now at hinahard time ako sa trabaho sa barko nakakarasan ako ng depression ngayon pero thank to you guys na motivate ako na mag simula ulit

  • @user-vu4wo3vu3z
    @user-vu4wo3vu3z Před 10 měsíci +12

    Marami pa talagang pwede na mangyari habang tinutuklas natin Yung mga di pa natin na aaral Sa eskwelahan, darating Tayo Sa point na kelangan nating magsakripisyo para maabot natin Yung mga gusto nating abutin, Kaya naman tuloy Lang wag kang matakot na magkamali, Kase di Tayo matututo Kung di Tayo nagkakamali..

  • @tropzfishbackyard5763
    @tropzfishbackyard5763 Před 10 měsíci +6

    Sa dami kong KARANASAN MAPAIT/MAGULO/MASAKIT/ minsan pa lugmok pero tumayo tumindig at tumibay dahil sa KARANASAN NA BINIGAY NG BUHAY at nag BIGAY Buhay lalo na ung dating pamumuhay ngayon nagbago na iwas na malabo kasi lumilinaw na pananaw sa buhay at may kulay na malupet na karanasan ang nag DALA

  • @Mahima.111
    @Mahima.111 Před 10 měsíci +8

    Tatlong taon na rin akong nakikinig sa musika mo at ng 1096, pero nitong dumating na Miyerkules; sa Cirqua lang talaga ako unang nakapanood ng performance niyo live at masasabi kong tunay ngang panis ang ubo at tagay sa tunay na karanasan ng pagmamahal sa oras na bukas ka't muling kumonekta sa Itaas...
    Alam kong alam ng lahat ng mga nakikinig sa'yo/sa inyo na ibang klaseng karanasan na sa t'wing nakikinig sa mga piyesa niyo, pero salamat sa mas kakaiba lalong karanasan na ibinabahagi niyo live...
    Alam kong hindi ayon ang huli nating pagkikitang lahat kaya kitakits ulit sa 👁 sa muli!
    🙏

  • @papionchop
    @papionchop Před 10 měsíci +147

    humantong nako sa moment ng buhay ko na mag suicide nalang dahil sa depression pero salamat ng marami sa taas kasi narinig ko musika mo at natulongan ako na ibahin yung point of view ko sa life. maraming salamat sa musika mo forever grateful sa music mo at sayo. more power Gudds praying for your success!

    • @user-mh3vd2ri6y
      @user-mh3vd2ri6y Před 10 měsíci

      Talaga ba parang tunay ah

    • @user-mh3vd2ri6y
      @user-mh3vd2ri6y Před 10 měsíci

      Sana tinuloy mo

    • @carlhamadax3450
      @carlhamadax3450 Před 10 měsíci

      @@user-mh3vd2ri6y delakado to pag dumami

    • @angelomandane363
      @angelomandane363 Před 10 měsíci

      Dimo pa tinuloy edi sana natagos kana sa pader😂

    • @user-mh3vd2ri6y
      @user-mh3vd2ri6y Před 10 měsíci

      @@angelomandane363 ang Arte Kasi pag depress di kana magpapansin.. mahiya sana sya sa mga tunay na may mental health.. at tunany na depress

  • @efraimllanto2570
    @efraimllanto2570 Před 10 měsíci +11

    Natanggal ako sa trabaho, panimula to para sa bagong kaganapan, bagong makilala sa bagong papasukan, na bagong kaalaman sa dating karanasan .
    Ang lupet nyong dalawa ❤ FC

  • @user-bd7yo8du7t
    @user-bd7yo8du7t Před měsícem +1

    Grabe si guinatita mag pahayag ng kanta🔥🔥🔥

  • @johnsimonmayorga1415
    @johnsimonmayorga1415 Před 10 měsíci +28

    this Song 🔥🔥🔥😭🥹😭 para sa lahat ng taong nawawalan na ng pag asa😭 SALAMAT MARAMI PANG PWEDENG MANGYARI

  • @RkiD_
    @RkiD_ Před 10 měsíci +9

    Nababago ni Gudds ang aking mood kapag napapakingan ko ang kanyang musika at nag sisilbing inspiration para magpatuloy sa buhay at para magpatuloy para makamit ang aking mga pangarap lalo na sa pagsusulat ng musika maraming salamat Gudds.

  • @emsison
    @emsison Před 10 měsíci +8

    yung mga unspoken words mo sa buhay dito sa kanta nato nailabas mo na. laban lang lagi sa buhay madami pang pwede mangyari. salamat sa musikang handog🔥💯👌

  • @chrstn5056
    @chrstn5056 Před 10 měsíci +16

    Isa kayo sa sumagip saakin sa pag ka Lito, salamat sa mga gabay at aral na binigay nyo through music, Gudds&G wolf.More power!

    • @richardferrer6141
      @richardferrer6141 Před 9 měsíci +1

      lol .. drama mo ,,/,,

    • @chrstn5056
      @chrstn5056 Před 9 měsíci

      tanda mo na boss ganyan ka pa din🤔

    • @alexismabaquiao871
      @alexismabaquiao871 Před 9 měsíci

      ETO SAU ..I.. @@richardferrer6141

    • @jp7527
      @jp7527 Před 7 měsíci

      ​@@richardferrer6141Eto yung mga taong sarap balugbugin ei

  • @joasespinar3570
    @joasespinar3570 Před 10 měsíci +17

    Panibagong musika, panibagong saya nanaman at inspirasyon ang hatid mo kuya gudds, matsalove sa mga solid na mensahe na pinapadala mo samen gamit ang musika mo yah. Keep safe and more collaboration kuya gudds💚🍃

  • @Juanvibes84
    @Juanvibes84 Před 6 měsíci +1

    Isa si guddhist na sumasalamin sa mga taong naguguluhan Ang pagiisip na nakawala sa tanikala Ng depression. Mabuhay Ang musika mo guddhist and flow g

  • @jennelyncomendador9876
    @jennelyncomendador9876 Před 3 měsíci +1

    Grabe tO nag sabay sabay ang problema sa pamilya pera pinansyal sakin.Pero itOng Kanta mO tumapik sakin.Pwedw pala ulit mag Simula.Salamat sa motivation ng Kanta nyO.Depression and anxiety attack.Yes nag.gagamOt pO akO and habang kinikilos ko ulit Yun sarili kO lagi kO tOng pinapatugtOg

  • @MHT_MUSIC_2023
    @MHT_MUSIC_2023 Před 10 měsíci +9

    Philippines is an amazing country!! I'm from Malaysia, but I love your Philippines very much. From the people, the culture, to the food to this song. Everything is great!!
    Is anyone listening to this song also me?!❤❤

  • @user-hm6lk8fn2e
    @user-hm6lk8fn2e Před 9 měsíci +5

    alam mo gudds, isa ka sa tao na nagbago saken, tamad ako tsaka wala akong tyaga. pero simula nung nadinig ko lahat ng kanta mo, binigyan mo ko ng positibong pananaw. salamat kapatid 🔥

  • @moisesmino
    @moisesmino Před 2 měsíci +1

    Napakaganda ng laman ng kanta na to, marami kang mapupulot n aral at inspirasyon.

  • @Lerasan2
    @Lerasan2 Před 7 měsíci +3

    Lupet talaga ni Flow G,kahit featuring lang
    saya sa mga kanta laging Solid mag linya nya
    solid din yung pagtulong nya sa mga kapwa
    artist para makilala din ngibat,,,,,,,,,,,,,,,,angglingggling

  • @paulbenoza6142
    @paulbenoza6142 Před 10 měsíci +6

    Isa sa pinapangarap kong collab na gusto kong mapanaginipan, at eto na nga hindi ko akalain na magkakatotoo ang parehas kong idolo sa musika ay nag isa❤️🙏
    #Batang_binago_ng_karanasan🍁Guddhist🔥
    #BatangAlabang_na_naging_one_of_the_most_Greatest_rapper_sa_pinas🌟GWolf🔥
    -isa din ako sa batang nangangarap na sana ay palarin balang araw, sana ay mapansin ako ng aking mga idolo at makita sila ng harapan ng mata sa mata❤️🙏

  • @GT4GG
    @GT4GG Před 10 měsíci +10

    nakaka taas ng balahibo ung chorus sarap pakinggan!❤😮

  • @dennissalvador6958
    @dennissalvador6958 Před 3 měsíci +1

    Sarap pakingan Ng song nato. Nkakalakas Ng loob para mag patuloy sa buhay kahit hirap n hirap kna sa lahat Ng bagay.

  • @kent__zyy
    @kent__zyy Před 7 měsíci +1

    Nasa prime talaga si Flow G ngayon ng hiphop industry. Di na nakakapag taka na sya lagi yung inaalok for collaboration kahit mabibigat na artist.

  • @giyarapol4643
    @giyarapol4643 Před 8 měsíci +3

    Soundtrip malala!!

  • @arisscruz.1416
    @arisscruz.1416 Před 10 měsíci +7

    Solid another chapter ng point of view yung music nato, maraming salamat sa gabay at pinapadala na mensahe❤

  • @user-dx4kk5iy6m
    @user-dx4kk5iy6m Před 5 měsíci +2

    @flow g sobrang angas mo!!! Lahat na cinollab mo! ❤❤❤❤

  • @johnromnelmendoza429
    @johnromnelmendoza429 Před měsícem +1

    Salamat sa ganitong music mga tol.. Tagus..🔥🔥🔥

  • @RoySuarez-kj8uf
    @RoySuarez-kj8uf Před 8 měsíci +1

    Basta talaga flow g the best

  • @bryansanchez4644
    @bryansanchez4644 Před 10 měsíci +2

    etong kanta nato parang pinipilit kang maging masipag at kiloskilos lang at pagbumagsak ka magsimula kaulet tyaga tyaga lang talaga maraming oras na wagsayangin at magigi success full kadin

  • @user-ow9sz7ux6m
    @user-ow9sz7ux6m Před 8 měsíci +1

    Sheeesh ❤ nagsama mga idol🔥🔥🔥

  • @apbp1111
    @apbp1111 Před 5 měsíci +1

    I was asking God for a sign if I should do something or not and out of nowhere my boyfriend sent me this. 🤯 he found a cool artist daw tas sinend to haha! this song is very fitting to what I was asking from God and He gave me the sign in the most unexpected way! Grabe Lord iba ka! ❤ thank you for this!

  • @wafugaming2542
    @wafugaming2542 Před 8 měsíci +2

    Ilang beses na'kong sinagip ng musika na ito maraming salamat.

  • @TheRealJin-mz9sh
    @TheRealJin-mz9sh Před 10 měsíci +5

    Congrats agad mga idol wag kayong titigil madami na kayong natulungan ng di niyo namamalayan salamat.

  • @Mgakaparchannel
    @Mgakaparchannel Před 5 měsíci +3

    ibang klase talaga c flow g kahit kanino ilagay Ang Ganda ng flow

  • @alfiereal7036
    @alfiereal7036 Před 4 měsíci +1

    Flow G's verse just touch my heart differently ❤💯

  • @markanthonyasi3282
    @markanthonyasi3282 Před 7 měsíci +2

    Galing ni flow g sumabay sa beat Isa talaga to sa top 1 treasure ng rap sa new generation

  • @amigoralph08
    @amigoralph08 Před 10 měsíci +7

    Lupit ni Flow G. Nakipag collab sa iba't ibang grupo at iba't ibang style din mag rap

    • @kuyatomipets2039
      @kuyatomipets2039 Před 10 měsíci

      Bukas Sya sa Growth
      Sobrang maganda Yan pra SA career

  • @Raymark_Tanglao
    @Raymark_Tanglao Před 10 měsíci +9

    nakakagigil magsipag para sa pangarap!!🤟🏻🔥🔥
    Thankyou Gudds & Flow G

  • @user-ct3lz6rv9k
    @user-ct3lz6rv9k Před 10 měsíci +4

    Solid kuya gudds sapol na sapol ako sa musika mo ,natulungan ako nito mag hilom at maging matatag sa lahat ng problema dahil sa musika mong likha napaka dami mong nasasagip!!

  • @MarkLamela-ig6vn
    @MarkLamela-ig6vn Před 4 měsíci +1

    Wag matakot bumalik sa simula❤

  • @steade
    @steade Před 5 měsíci +2

    yes isabuhay!

  • @rannielynbautista8574
    @rannielynbautista8574 Před 7 měsíci +2

    galing mo idol Flow g💗
    -anak

  • @user-qg8gf6xh8u
    @user-qg8gf6xh8u Před 6 měsíci +2

    Marami pa'ng puwedeng mangyari
    Marami kang puwedeng aralin
    'Wag ka matakot tumuklas at mawala
    'Wag ka matakot bumalik sa simula
    Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
    Kailangan mo magsakripisyo para sa
    Mga bagay na gusto mo mahawakan
    Tanggapin mo, mayro'n kang kailangan na bitawan
    Para sa ikabubuti ng iyong isipan
    Lagi mong unahin ang sariling kaligtasan
    Sandali, 'kala mo madali lang
    Masawi sa mundo at maiwang
    Mag-isa, luhaan, walang bilang
    Alam ko naman na gagaling, mahapdi lang
    Kailangan tiisin ang mga bagay
    'Pagpaliban muna ang ubo at tagay
    'Yoko na magaya do'n sa mga tatay
    Na pulutan ay sakit at pagka-matagay
    Alagaan ang sarili, ang sarili ang tutulong sa sarili
    'Pag lubos na nawiwili sa iba, 'wag ka dumepende
    Marami pa'ng puwedeng mangyari
    Marami kang puwedeng aralin
    'Wag ka matakot tumuklas at mawala
    'Wag ka matakot bumalik sa simula
    Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
    Kailangan mo magsakripisyo para sa (Sa'n pa nga ba?)
    Maayos na buhay, siguradong kaligtasan
    Sa lupa babalik, natural na kalikasan
    Ang isip lawakan, kahapon, 'wag mo takasan
    Sarili mong kamalayan ang susi sa kalayaan
    Kung minsan ay panay-panay, walang humpay, sabik sa pagtuklas
    Minsan nama'y puro sablay, parang gusto na lang na kumalas
    Ta's nakakautas, laging problemado hindi malutas
    Mayo'n kaagad bago, hindi pa tapos ang mga suliraning kinakaharap
    Marami pa'ng puwedeng mangyari
    Marami kang puwedeng aralin
    'Wag ka matakot tumuklas at mawala
    'Wag ka matakot bumalik sa simula
    Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
    Kailangan mo magsakripisyo para sa
    Mga makakaisip na parang ang daya ng mundo
    'Pag nasa kalagayang 'di mo gusto, oh
    'Wag ka mainis at magtampo, oh
    Kung kesyo ganyan, kesyo gan'to
    Kung ulo mo marami ng laman, dagdagan
    'Wag matakot punuin 'yan ng kaalaman
    Tandaan, 'di palaging maro'ng masasandalan
    Mas lamang ka kapag lamang ka sa karanasan
    Kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamagaling (oy, hindi)
    Ang masasabi ko lang, sarili mo, hindi mo kaya mahalin? (Ba't hindi?)
    Araw-araw dapat natututo ka pa rin
    Lalo 'pag marami ka pang gustong tuparin, bawal tamarin, bago marating
    Marami pa'ng puwedeng mangyari
    Marami kang puwedeng aralin
    'Wag ka matakot tumuklas at mawala
    'Wag ka matakot bumalik sa simula
    Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
    Kailangan mo magsakripisyo para sa-
    Marami pa'ng puwedeng mangyari
    Marami kang puwedeng aralin
    'Wag ka matakot tumuklas at mawala
    'Wag ka matakot bumalik sa simula
    Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
    Kailangan mo magsakripisyo para sa- ('yong kaligtasan)

  • @user-qm7bp4hs9u
    @user-qm7bp4hs9u Před 8 měsíci +1

    Eto yung dko makakalimutang rapper pag tanda q

  • @gidsdeonremigio3360
    @gidsdeonremigio3360 Před 10 měsíci +2

    Hindi talaga ako binibigo ni flow g consistent solid din sayp kuya gudds matic sayo yang mga ganyang lyrics sobrang ganda ng mensahe ❤️

  • @clarencegutierrez7431
    @clarencegutierrez7431 Před 10 měsíci +4

    idol goodies ang flw isa nanamng pangpagana sa arawaraw musika ng rap ang sagot sa lahat❤at sasamahannpa ng sindi ng gulay🔥👽

  • @arthurfernando1588
    @arthurfernando1588 Před 10 měsíci +17

    Salamat palagi sa mga musikang nagpapatatag sakin best collab to Gudds x G Wolf 🔥🔥🔥🔥🔥

  • @mariamargilyncladoancheta1344
    @mariamargilyncladoancheta1344 Před 4 měsíci +1

    This songs made me cry
    ❤ More blessings and power to you guys love from
    Maldives

  • @danielbalbis1677
    @danielbalbis1677 Před 9 měsíci +3

    mula 2020 hanggang ngayon diparin ako tumigil sa pakikinig ikaw nagpamulat saken sa reyalidad na kailangan lumaban araw araw at harapin lahat ng suliranin na darating salamat kuya gudds👊🙏

  • @justinclarkloma849
    @justinclarkloma849 Před 3 měsíci +2

    karanasan ko ay mabuhay ng tahimik.

  • @aholi00
    @aholi00 Před 10 měsíci +8

    ibang enerhiya talaga bigay ng kanta mo kuys gudds, maraming salamat palagi. congrats!❤👌🏻

  • @Juanlucasss
    @Juanlucasss Před 3 měsíci +1

    Music therapy 🍃

  • @joshuaalfaro6184
    @joshuaalfaro6184 Před 10 měsíci +3

    Bitin sa lines ni Flow G. Kahit 6 mins patong kanta papakinggan koto solid.

  • @rogeliojr.jovellano4841
    @rogeliojr.jovellano4841 Před 10 měsíci +4

    Laging may mapupulot na aral, Salamat kuya Gudds God bless..💚 😇🙏

  • @icecoffee8675
    @icecoffee8675 Před 7 měsíci +1

    "Wag ka matakot tumuklas at mawala, wag ka matakot bumalik sa simula"👌 solid

  • @Lov3_cztiannnn
    @Lov3_cztiannnn Před 5 měsíci +1

    Salamat lagi sa musika mo guddhist🫶

  • @vaserafico8721
    @vaserafico8721 Před 10 měsíci +4

    solid talaga flow g kahit san mo ilagay kaya sumabay

  • @user-tb3yr7bz2z
    @user-tb3yr7bz2z Před 9 měsíci +1

    Idol sobrang lupet mu tlaga.ikaw tlaga idol hehe

  • @orionxzz2486
    @orionxzz2486 Před 10 měsíci +2

    Napaka solid mo talaga kuya Guddsss Nawa'y I angat kapa ng husto ng nasaa taas "Marami pang pwede mangyare"

  • @user-hr3gd8lf2v
    @user-hr3gd8lf2v Před 6 měsíci +1

    Sarap sa ears 🫶🏽🙏🏽🤍🫡

  • @abstraction1111
    @abstraction1111 Před 4 měsíci +1

    Kuya guuuddss alabyuuuuuuu 🔥

  • @jennasugay6058
    @jennasugay6058 Před 3 měsíci +1

    Salamat kuya gudds❣️

  • @angelinarosauro2649
    @angelinarosauro2649 Před 10 měsíci +2

    Tuwing na sstress ako piniplay ko ito madami pang pwedeng mangyari💜💚

  • @eduardreyes1020
    @eduardreyes1020 Před 5 měsíci +1

    maraming pang mangyare🔥

  • @James_VI
    @James_VI Před 9 měsíci +3

    Solido lahat ng mensahe, madaling maintindihan at tska may matutunang aral🙏🔥🙌

  • @RomeoAlvaro04
    @RomeoAlvaro04 Před 10 měsíci +1

    kaya ako gusto ko naulit simulan yung mga nasa isipan ko na itinago ko lang nung mga panahong pinang hinaan na ako at ang aking talento ay isinantabi dahil alam kong hindi ganun kadali lalo na kung lagi kang nag kakamali pero teka pede ko pa pla uli simulan kong kailan handa na ako at kaya ko ng harapin ang sarili>>> sa mga gusto ko at mga hilig>> kaya cooming soon sa album ni mafiaztar to be soon maka colob ko rin si guddhist gunatita at flow g ang tagal ko rin kc na bumakante ngayun sisimulan ko na umabante💯💥

  • @bartdeguzman6110
    @bartdeguzman6110 Před 10 měsíci +1

    Nakapikit ako habang nakikinig. Kagagaling lang sa trabaho😮‍💨. Mag 3 weeks nako di nakakapagtrabaho dahil nagkasakit ako. Ngayun mag ina ko naman may sakit. Naipunan ng utang nabenta ko na nmax ko 😓. Laban lang marami pang pwede mangyare 💪♥️

  • @arjaysamortin8216
    @arjaysamortin8216 Před 10 měsíci +2

    Salamat kuya gudds inaaral ko palang Yun kanta mun di nagmamadali diko akalain Meron na namang bago God bless idol at Kay uncle flow g❤❤

  • @jackdsinner2764
    @jackdsinner2764 Před 10 měsíci +2

    ganto yung mga kaylangan ko marinig ngayon. salamat mga, g!

  • @warrengabayeron9001
    @warrengabayeron9001 Před 8 měsíci +1

    Salamat sa mga musika mong handog sir gudds 😇☺️ dahil sayo at sa mga kanta mo kahit papano nalalabanan ko ung anxiety ko .. san man ako mag punta lalo na sa byahe pag na papakingan ko ung mga kanta mo! Nalilimutan ko na merun ako nun , na merun mga problema feeling ko na Kasama ako sa gumawa ng kanta nababaling ko sarili ko sa kanta mo 😊 . Salamat sir gudds more power po . God bless you sir 🖖

  • @MarkJonathanCasas
    @MarkJonathanCasas Před 7 měsíci +1

    Dahil sa kantang toh mas sumipag Ako para maabot Ang mangarap

  • @jayseboygadiano7256
    @jayseboygadiano7256 Před 7 měsíci +1

    solid ganda sountrip ko na to

  • @jerrosdeasis4667
    @jerrosdeasis4667 Před 5 měsíci +1

    Maguumpisa na nman ako sa simula laban

  • @VinceAleria-ez2pt
    @VinceAleria-ez2pt Před 9 měsíci

    Mapapa sheesss ka nalang talaga! 🔥

  • @user-tb3yr7bz2z
    @user-tb3yr7bz2z Před 9 měsíci +1

    Grabi tlaga ang idol na Flow G.ang angas mu tlaga.tsaka sulit tlaga pag narinig mu na sya ang bumanat

  • @insection1408
    @insection1408 Před 10 měsíci +1

    Binigyan ako ni god ng susi para mabuksan yung pinto ng totoong ako at mga dapat kong malaman sa mundo yung susi na yun ay yung nakilala ko yung guudhist ng musika☮️♥️

  • @TANGAMING2210
    @TANGAMING2210 Před 10 měsíci +5

    Dahil sa kantaa mo parang mas naging motivated sarili ko na MADAMI PANG PWEDENG MANGYAYARI🤟❤️

  • @laizeldionesbergunio3781
    @laizeldionesbergunio3781 Před 10 měsíci +2

    Humatong na idol gudds na kasama mo si flow g 🎉❤
    Keep it up 🥰😘 NAPAKA SOLID 👊

  • @neoethanmanalo7156
    @neoethanmanalo7156 Před 3 měsíci +1

    woohhh solid🔥

  • @renzgaming2351
    @renzgaming2351 Před 6 měsíci +1

    This music video is so refreshing plus with 💯🔥 lyrics with inspiring message. I found you through Flow G. Mga Idol! Sarap ng bonding nyo taena kayo! 😂
    Love and respect from South Alabama, US

  • @brys6513
    @brys6513 Před 10 měsíci +2

    solid tlga si flow g lahat ng artist na may collab buhat na buhat

  • @CHRISTIAN_ROCK
    @CHRISTIAN_ROCK Před 18 dny

    guddhist888 🔥🔥🔥

  • @RenzCaro-zi2dn
    @RenzCaro-zi2dn Před 9 měsíci +7

    Mga makakaisip na parang ang daya ng mundo
    'Pag nasa kalagayang 'di mo gusto, oh
    'Wag ka mainis at magtampo, oh
    Kung kesyo ganyan, kung kesyo gan'to
    Kung ulo mo marami ng lamang dagdagan
    'Wag matakot punuin yan ng kaalaman
    Tandaan 'di palaging merong masasandalan
    Mas lamang ka kapag lamang ka sa karanasan
    Kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamagaling (Oy, hindi)
    Ang masasabi ko lang sarili mo, hindi mo kaya mahalin (Ba't hindi?)
    Araw-araw dapat natututo ka pa rin
    Lalo 'pag marami ka pang gustong tuparin
    Bawal tamarin, bago marating

  • @khimquisel2979
    @khimquisel2979 Před 9 měsíci

    Lakas idol Lalo Ako gumana mg sikap para sa aking buhaym salamat ❤️❤️ idol laks nyo flow g

  • @KimjoyiraDabuoafa
    @KimjoyiraDabuoafa Před 3 měsíci +1

    sheshhh angas!!

  • @dopemabinn
    @dopemabinn Před 10 měsíci +1

    Tinde nito, salute and congrats Guddhist & Gwolf❤️‍🔥♥️

  • @user-og6jj9ty4n
    @user-og6jj9ty4n Před 10 měsíci +1

    Nice nice🔥sulit pag aabang Ng mga Tao Dito nice song guddhist ft flow g

  • @raymondcarlo4259
    @raymondcarlo4259 Před 10 měsíci +2

    Guddshit is always dope, samahan pa ng g wolf. Solid 🔥

  • @gatchalianm003marlon9
    @gatchalianm003marlon9 Před 7 měsíci +1

    Crazy as pinoy. Panaginip song title 😊

  • @nogamenolife1784
    @nogamenolife1784 Před 5 měsíci +1

    Wow 2.1 m tuloy tuloy lang lods 🎉🎉🎉

  • @unofficialflip3586
    @unofficialflip3586 Před 10 měsíci +2

    Imposibleng hindi mag million hit to sheessh mainet 🔥

  • @mantra5762
    @mantra5762 Před 10 měsíci

    Aaaaaaaaahhhhh!!!! 🔥

  • @FrancisVillones
    @FrancisVillones Před 9 měsíci +1

    Solid paren😌

  • @mikeybeth1
    @mikeybeth1 Před 10 měsíci +1

    Si flow G lang talaga inaantay ko sa Verse NYA.🔥🔥🔥🔥🔥🔥

  • @janmarley98
    @janmarley98 Před 10 měsíci +5

    That's song is on fire , it help others to encourage thereselves to do something better no matter how it was ,just to start something makes possible .don't stop dreaming ❤️

  • @charliemiel5028
    @charliemiel5028 Před 9 měsíci +1

    Guddhist since day 1!!

  • @littv8862
    @littv8862 Před 10 měsíci +5

    Maraming salamat sa mga kamalayan mong musika kuya ghudds. Natutunan kong mas marami pa kong kailangang matutunan sa buhay 🫶