Ang Ambassador

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Ang isang ambassador ay isang sugo o representante ng isang may mas mataas na katungkulan o authoridad kaysa sa kanya. Siya ay pumupunta sa isang foreign nation as a diplomat. Ang mga mananampalataya ay mamamayan ng kaharian ng Diyos at ang buong mundo ang kanilang foreign mission.
    Ang isang ambassador ay hindi naglalahad ng sarili niyang kuro-kuro o paniniwala kundi pawang kaisipan lamang ng nagsugo sa kanya ang kanyang ibinabahagi sa kanyang mga kausap. Naka-focus siya sa idea na kung papaano nagkakaroon ng peace between a holy God at sinful man. Ang functions ng kanyang office ay ang mga sumusunod:
    1. Ang pagbabahagi ng ministry of reconciliation na walang iba kundi ang ebanghelyo ng Diyos. Ang evangelist-ambassador ay may taglay na insight at understanding patungkol sa kalooban at pamamahala ng Diyos sa mundo. Halimbawa dito ang prinsipyong Peace with God produces peace among men.
    2. Ang pagbubunyag na kung paano ang kasalanan ng sinumang nagtitiwala o sumasampalataya sa Diyos ay wala ng kaparusahan, sapagkat inako na ni Cristo ang hatol na kamatayan na nararapat tanggapin ng bawat makasalanan. Di tulad ng isang bible teacher, ang isang ambassador-evangelist ay hindi nagtatampisaw sa mga doctrinal issues kundi steady lamang siya sa gospel message.
    3. Ang pagpapaabot ng paanyaya sa lahat ng tao na tanggapin ang salita ni Cristo para sa ikaliligtas mula sa galit at paghatol ng Diyos; ang Diyos na hindi nagnanais na ang sinuman ay mapahamak.

Komentáře •