SUNDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. July 28, 2024. 7a.m

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins
    Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) July 28, 2024
    17th SUNDAY in Ordinary Time
    UNANG PAGBASA
    2 Hari 4, 42-44
    Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari
    Noong panahong iyon, isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit kay Eliseo. May dala siyang bagong aning trigo at dalawampung tinapay na yari sa unang ani niya ng sebada. Sinabi ni Eliseo, “Ihain ninyo iyan sa mga tao.” Sumagot ang kanyang katulong, “Hindi ito magkakasya sa sandaang tao.” Iniutos niya uli, “Ihain ninyo iyan sa mga tao sapagkat sinabi ng Panginoon: Mabubusog sila at may matitira pa.” At inihain nga nila iyon. Kumain ang lahat at nabusog, ngunit marami pang natira, tulad ng sinabi ng Panginoon.
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 144, 10-11. 15-16. 17-18
    Pinakakain mong tunay
    kaming lahat, O Maykapal.
    Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
    Lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
    Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
    at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
    Pinakakain mong tunay
    kaming lahat, O Maykapal.
    Tanging Panginoon ang inaasahan ng tanang nabubuhay
    Siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.
    Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang;
    anupa’t ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
    Pinakakain mong tunay
    kaming lahat, O Maykapal.
    Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
    kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
    Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
    sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.
    Pinakakain mong tunay
    kaming lahat, O Maykapal.
    IKALAWANG PAGBASA
    Efeso 4, 1-6
    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
    Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng bukolod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa rin ang Espiritu, gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang pagbibinyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.
    Ang Salita ng Diyos.
    ALELUYA
    Lucas 7, 16
    Aleluya! Aleluya!
    Narito at dumating na
    isang dakilang propeta
    sugo ang D’yos sa bayan n’ya.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Juan 6, 1-15
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
    Noong panahong iyon, tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga kababalaghang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa burol kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio. Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin. Sumagot si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang denaryong tinapay ang bilhin ay di sasapat para makakain nang tigkakaunti ang mga tao.” Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ngunit gaano na ito sa ganyang karaming tao?” “Paupuin ninyo sila,” wika ni Hesus. Madamo sa lugar na yaon. Umupo ang lahat humigit kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. Kinuha ni Hesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi sa mga tao; gayun din ang ginawa niya sa isda. Binigyan ang lahat hangga’t gusto nila. At nang makakain na sila, sinabi niya sa mga alagad, “Tipunin ninyo ang lumabis para hindi masayang.” Gayun nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang bakol.
    Nang makita ng mga tao ang kababalaghang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang paririto sa sanlibutan!” Nahalata ni Hesus na lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya muli siyang umalis na mag-isa patungo sa kaburolan.
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Komentáře • 42

  • @ccabalosgarmentsabalosceli1161

    LORD JESUS CHRIST PLS HELP,GUIDE AND PROTECT ME EVERYDAY AND MY FAMILY THANK YOU IN THE NAME OF JESUS AMEN.

  • @raymundadame
    @raymundadame Před měsícem

    PINUPURI AT PINASASALAMATAN PO NAMEN KAYO MAHAL NA PANGINOONG HESUKRISTO AMEN❤❤❤

  • @ccabalosgarmentsabalosceli1161

    SAINT PADRE PIO PLS HEALED ALL MY SICKNESS AND PLS HELP ME TO MY FACTORY ESP. FINANCIALLY THANK YOU IN THE NAME OF JESUS AMEN.

  • @mjbulan2909
    @mjbulan2909 Před měsícem

    Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial amen 🙏🙏🙏💕💕❤️

  • @user-vn7sv7sl7p
    @user-vn7sv7sl7p Před měsícem

    Panginoon gabayan mo po kame sa bagyong parateng at habagat gabayan mo po kame nawa po wag pong umulan ng malakas gawA po ng baka bumaha sa lugar namen AMEN AMEN

  • @wilizaaguilar5890
    @wilizaaguilar5890 Před měsícem

    padre pio sana pagalingin mo po kami at ilayo nio po kami sa kapahamakan bigyan nio po kami nang malakas na pangagatawan po para harapin ang araw araw po amen 🙏❤️❤️

  • @dantemondano9210
    @dantemondano9210 Před měsícem

    Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg Před měsícem

    Dear St.Padre Pio please pray for family, relatives & friends ‘s ( dixie c.) good health & safety amen ols. forgive our sins , thank for all the blessings & graces we’re receiving everyday amen 🙏

  • @amyg882
    @amyg882 Před měsícem

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @imeldaleyesa6422
    @imeldaleyesa6422 Před měsícem

    Mahal n Padre Pio,tulungan nyo po ako n tapos n ang penalty ko deni s Saudi,amen,maraming slamat po

  • @bongdungo633
    @bongdungo633 Před měsícem

    ❤Salamat pong Saint Padre Pio.Amen

  • @SylviaValencia-i2x
    @SylviaValencia-i2x Před měsícem

    God is good god is great everything in thank u for our fud in jesus name amen

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Před měsícem

    Salamat Po Padre Pio.Amen

  • @MyrnaPascua-gq6pt
    @MyrnaPascua-gq6pt Před měsícem

    Praise to you lord AMEN 🙏🏻❤️🙏🏻

  • @normaanclote8882
    @normaanclote8882 Před měsícem

    Thank You po Lord Jesus , Mama Mary, St Padre Pio for all tye blessings that You are giving us. Wag nyo kaming bibitiwan yakapin nyo po kami na mapagpalang kamay nyo at patawarin kami sa aming mga kasalanan cimula ng aming pgkabata hanggang tumanda. Pagalingin nyo po kami sa aming mga karamdaman sampu ng aking pamilya. Amen

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM Před měsícem

    "God, grant me perseverance in my faith, even in the face of trials and challenges of life. Amen."

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 Před měsícem

    Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin Panginoon Diyos holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛

  • @einatomalutz4659
    @einatomalutz4659 Před měsícem

    🙏 Prayer of thanksgiving in Jesus name, Amen. 🙏

  • @SylviaValencia-i2x
    @SylviaValencia-i2x Před měsícem

    Blessed be to glory of god to padre pio.

  • @user-oc2xu2sb9t
    @user-oc2xu2sb9t Před měsícem

    Amen at sumaiyo rin 🙏

  • @user-em8si4zz9e
    @user-em8si4zz9e Před měsícem

    Hwag mo kaming Iwan, alam ko nangdyn kau
    Lagi,thank u Padre pio

  • @user-dr3gr9nd8d
    @user-dr3gr9nd8d Před měsícem

    Amen pray for my family and friends 🙏🙏🙏🌹🌹🌹

  • @virengumali2078
    @virengumali2078 Před měsícem

    Mahal na padre pio pahalingin mo po Ang aming karamdaman nmin maganak Mula para gang tuhod iligtas mo Po kmi sa lahat Ng kapahamakan at sakuna bigyan mo po Ng swerte Ang negosyo naming mag anak at maanfkin po naing magkakapatid at aming lupang sinasaka alam ko po walang impossible sa kapangyarihan mo o lord patawarin mo Po Ako sa aking nagagawang kasalanan maraming salamat po lord padre pio sa lahat Ng kaloob mo sa Amin ,,,amen

  • @remediosnepez7101
    @remediosnepez7101 Před měsícem

    Amen salamat po

  • @salvecasingal1425
    @salvecasingal1425 Před měsícem +1

    Thanks

  • @aidanavarro3143
    @aidanavarro3143 Před měsícem +1

    St Padre Pio..prayer healing sa akin asawa..🙏🏻

  • @user-lz7wu2lc6t
    @user-lz7wu2lc6t Před měsícem

    Pls pray for Ross Ven Esguerra to keep him safe and healthy in his work as a nurse in Canada🇨🇦😃❤️💋🌹

  • @sepenrecabar8141
    @sepenrecabar8141 Před měsícem +1

    Blessed padre pio kaawaan mo ako,caridad castillo paulino,franklin recabar,ahyan miguel bautista,joann florence ariston loobin mong kami'y gagaling sa ano mang sakit ang dumapo sa aming katawan thru you to our lord jesus christ we claim amen thank you to god be the glory

    • @user-jk8vd9nk7b
      @user-jk8vd9nk7b Před měsícem

      Salamat po sa lahat ng pagpapala sa Amin boong pamilya napakabuti mo panginoon Salamat sa mga biyaya na pinagkakaloob mo po sa Amin Amen 🙏🙏💖💖

  • @aidanavarro3143
    @aidanavarro3143 Před měsícem

    Amen🙏🏻❤

  • @felycatahan6656
    @felycatahan6656 Před měsícem

    Amen 🙏 🙏 🙏

  • @jecieladlaon803
    @jecieladlaon803 Před měsícem

    AMEN

  • @litta2043
    @litta2043 Před měsícem

    Magandang umaga po sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio at lahat ng santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon po ay muli kaming nagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat namin at kami ay muling nagising sa arawaraw kaya po akk ay muling humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na kami ay gabayan ninyo para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay inyong haplusin ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na gabayan ninyo itong dalawa kong anak sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay muli korin inihihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay gabayan ninyo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot na siya po ay mailayo ninyo dito sa bisyong ito kaya po ito ay hiling at dalangin sa inyong lahat ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa na ako ay matulungan ninyo dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mailayo ninyo dito sa kanyang bisyong ito kaya po mahal na ama ako po ay muling humihingi saiyo na ako ay matulungan morin sa problemang ito sa aking anak na siya ay gabayan morin na mapalayo dito sa kanyang bisyong ito na ipinagbabawal na gamot kaya po ako ay walang sawang nagmamakaawa at naninikluhod saiyo na sana ay maipagkaloob mo sa akin itong aking hiling at dalangin saiyo alam kopo na walang impossebli saiyo pag ikaw ang maygawa kaya po ako ay nanalig na sana ay aking makamit itong aking mga hiling at dalangin sa inyong lahat kaya po walang hanggang pasasaĺamat namin sa inyong lahat sa mga tulong na inyong ipinagkaloob sa amin kaya po muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa walang sawang pagtulong sa amin at muli po akong humihingi sa inyong lahat ng biyayang ipagkakaloob sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya kaya po maraming marami pong salamat sa lahat ng tulong sa aming lahat

  • @bongdungo633
    @bongdungo633 Před měsícem

    Amen.

  • @remediosnepez7101
    @remediosnepez7101 Před měsícem

    Pagalingin po ako sa mga naramdamanko

  • @SoniaAbiera
    @SoniaAbiera Před měsícem

    Padre Peo naway pagalingin ang aking kapatid sa kanyang saking c Hermina Abiera White tunawin nyo po ang bukol sa kanyang dede bago matapos ang kanyang kemo mag himala k po sa kanya

  • @dantemondano9210
    @dantemondano9210 Před měsícem

    Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Před měsícem

    Salamat Po Padre Pio.Amen

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Před měsícem

    Padre Pio Pagalingin mo po ang lahat ng sakit at karamdaman nmin s katawan.Amen

  • @dantemondano9210
    @dantemondano9210 Před měsícem

    Mahal na St Padre PIO dingging mo Ang aming panalangin kaawaan mo kami