AKLAT NG EXODUS

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 27. 07. 2024
  • ANG SALITA NG DIYOS
    EXODUS
    Panimulan
    Sa kasaysayan ng Bansang Israel, ang pinakamahalagang kaganapan ay ang Exodo. Kahit na hindi tuwirang binanggit sa mga talaan ng Ehipcio ang pangyayaring ito, hindi mapapasinungalingan na ang Pananampalataya ng Israel ay nakasandig sa isang aktuwal at tunay na pangyayari sa kasaysayan.
    Maraming ebidensyang historikal at arkeolohikal ang nagpapatunay na naganap ang pangyayaring ito sa panahon ng ika-19 Dinastiya ng Ehipto (1350-1200 B.C.). Ang salaysay ay nagsisimula sa panahon
    ng imperyalismo sa Ehipto na nag-udyok sa mga ambisyosong Faraon na walang pakundangang gamitin ang mga aliping Hebreo para sa kanilang pandaigdigang layuning politikal.
    Ang aklat ng Exodo ay nagpapatotoo sa kahulugang pangrelihiyon tungkol sa pagkilos ng Diyos upang iligtas ang isang bayan mula sa pagkaalipin at itali sila sa kanya sa isang tipan. Mapapansin sa aklat na ito ang pagkakahabi ng mga tradisyon na nagpanatili sa orihinal na tradisyon tungkol kay Moises at sa mga interpretasyon ng mga sumunod na salinlahi.
    Ito ay may dalawang pangunahing bahagi:
    (1) Ang paglaya ng Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto at ang paglalakbay patungo sa Sinai grovs (kabanata 1-18)
    (2) Ang pananatili ng Israel sa Sinai, kung saan ang tipan ay ginawa, at ang mga kautusang sumasaklaw sa buhay at pananambahan ay inihayag (kabanata 19-40).
    Sa kalagitnaan ng pangyayari ay naroon si Moises na tinawag upang maging kasangkapan sa pagpapalaya sa Israel mula sa pagkaalipin, upang magbigay ng kahulugan sa pagtubos ng Diyos, at maging tagapamagitan ng tipan.
    Magkakaiba ang ginawang paglalarawan sa kanya ng bawat tra-disyon, ngunit ang buong salaysay ang nagpapatotoo na malaki ang kanyang ginampanang tungkulin at naging impluwensiya sa mga sumunod na kasaysayan ng bansang Israel.
    Tunay na si Moises nga ang naglagay ng espirituwal na pundasyon sa pananampalataya ng Israel na itinatag ng mga sumunod na salinlahi.
    PLEASE SUBSCRIBE
    GOD BLESS YOU
    #KASULATAN
    #aklatngEXODUS

Komentáře • 6

  • @windinavigar372
    @windinavigar372 Před rokem +4

    🙏🙏

  • @chickyplogio4260
    @chickyplogio4260 Před rokem +1

    Sana maka upload kayo ng lahat nang aklat ng old testament 🙏🙏

    • @SpeakTheTruth.e
      @SpeakTheTruth.e  Před rokem

      Meron po search ninyo po ito @salitangdiyos - all audio bible. Salamat po sa pagbisita. Poi like and subscribe na rin po. GOD BLESS

  • @lornadecillo7918
    @lornadecillo7918 Před rokem

    Amen thank you LORD

  • @user-bs3lc7hr6t
    @user-bs3lc7hr6t Před 9 měsíci +1

    Wala sa bibliya ang katotohanan.

    • @SpeakTheTruth.e
      @SpeakTheTruth.e  Před 9 měsíci

      Meron magbasa ka ng kasulatan makikita mo ang katotohanan.