Himno de Nuestra Señora de la Asunción Music Video

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 10. 09. 2024
  • Sa paglipas ng panahon at sa pagdaan ng maraming henerasyon, ang Bayan ng Bulakan ay nagiging testamento ng dakilang paglalayag sa buhay kasama ang Mahal na Birheng Maria, Siyang saksi sa ating pag-ahon, pagyabong, at pag-asa.
    Ang Birhen ng Asunción ay patuloy na nagiging karamay ng sambayanang Bulakeño. Siya'y nanatili at patuloy na nananatiling kapisan sa bawat tuwa, hapis, at luwalhati ng bayang sa kanya'y sumisinta ng higit apat na raang taon. Siya ang kariktan ng ating lahi, ang pamanang hindi mabubura sa ating mga puso.
    Ang pagmamahal, pagsinta, at pagkilala kay Maria ng Bayang ito ay mananatili, magpapatuloy, at mananagana. Halina, sama-sama nating parangalan ang Ina Reyna at Patrona ng Bayan ng Bulakan, ang ating karamay, kapisan, at kariktan sa pagdiriwang ng ika-446 na taong pagkakatatag ng ating pamayanam sa ilalim ng kanyang Maka-Inang pagmamahal.
    Bayan ng Diyos, halina't magalak sapagkat ang Maykapal ay lumikha ng kagila-gilalas na mga bagay: grasya sa ating buhay, pag-asa sa ating paglalakbay. Sa iisang tinig, awitin natin ang ating pagsinta sa Birheng Iniakyat sa Kalangitan.
    Mutyang Pintakasi, ipanalangin mo kami,
    Nuestra Señora de la Asunción!
    #VivaAsuncion2024
    #IugnayNatin

Komentáře • 2

  • @johnpalileo6107
    @johnpalileo6107 Před měsícem +2

    Praying for the petition for the pontifical coronation of La Virgen Milagrosa El Pueblo de Bulakan Viva Asuncion!

  • @maclingad
    @maclingad Před měsícem +1

    Viva asuncion!!🎉🎉