Power Steering Pump Spills Oil

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 11. 09. 2024
  • Power Steering pump, mali ang pagkakabit ng mikaniko. Totoo ito. Nabili namin ang sasakyang ito na may nakakabit na power steering pump ngunit halata na hindi gumagana gaya ng inaasahan.
    Gayon pa man hanggat napipihit ang manibela ay ginamit at ginamit namin ang sasakyan ng ilang taon. Minsan lumalambot ang manibela minsan naman ay tumitigas lalo na sa pagmamani-obra ay talagang papawisan ka. Kung sa diretsahan wala problema kasi hindi ka masyado pumipihit ng manibela.
    Dumating ang panahon na nakabili kami ng power steering pump. Aking ikinabit ito, pinaandar ang makina at nagulat sa nangyari na masyado nanginginig ang buong sasakyan at hindi mapihit ang manibela.
    Lumabas ako sa sasakyan at tiningnan kung ano nagyayari sa ATF, nakita ko na naglalabasan na ang langis mula sa reservoir. Pinatigil ko ang makina at tinanggal ang belt na nagpapaandar ng power steering pump. Ito ay pansamantala habang hindi naaayos kung ano ang problema.
    Minsan pumunta ako sa aking kaibigan na mikaniko at latero para ipaayos ang isang bagay tingukol sa wheel alignment. Kinuwentuhan niya ako sa karanasan ng kanyang kaibigang mikaniko din na nagpalit ng power steeing pump ng sasakyan. Nagulat daw sila dahil manginginig ang sasakyan at naglalabasan ang langis sa reservoir ng ATF.
    Dito ko ibinase ang aking pagpapasya na aming baguhin ang pagkakabit ng hose sa fitting ng power steering pump. Hindi kasi puedeng mapagpalit yon dahil magkaiba ang fitting ng dalawang daluyan ng langis sa out at input. Ang remdeyo lamang ay tanggalin ang mga dugtong sa pamamagitan ng pagtunaw sa mga magkakadugtong ng bakal para mabago mo ang kabitan ng hose para sa out at input.
    Ito ang inyong mapapanood sa aming ginawa na naging successful. Sinubukan lang namin dahil wala namang mawawala kung subukan at kung hindi gumana ay ibalik sa dati. Tama ang aming hinala na mali ang pagkakabit ng mikaniko noon bago namin mabili ang sasakyan. Kung sa doktor ay malpractice yon at dapat managot sa kanyang ginawa. Ang problema nga lang ay lumipas na ang isang dekada bago madiskobre ang issue.
    Kaya ang lesson, kung magpagawa kayo dapat sa bihasa talaga para sa isang bagay. Kung mikaniko sa engine ay engine lang ang ipagagawa. Ang bihasa sa alternator ay alternator lang ang ipapagawa, at kung bihasa naman sa power steering pump ay power steering pump lamang ang ipagagawa.

Komentáře • 13

  • @Dave-hd8uh
    @Dave-hd8uh Před 3 lety

    Te saludo desde Guatemala Centro America...!!!

    • @ToyotaLand4d56
      @ToyotaLand4d56  Před 3 lety +1

      Thank you for commenting friends from Guatemala.

  • @Dave-hd8uh
    @Dave-hd8uh Před 3 lety +1

    Puedes hacer un video del tamaño de la candela de precalentamiento que usa el toyota L ?

  • @Dave-hd8uh
    @Dave-hd8uh Před 3 lety

    Hola que tal me gustan tus videos

  • @lituktukmol6247
    @lituktukmol6247 Před 2 lety +1

    Magpalit k ng repair kit gearbox

    • @ToyotaLand4d56
      @ToyotaLand4d56  Před 2 lety +1

      Ang history pala ng sasakyang ito ay mali ang pagka assemble ng linya sa in and out ng gearbox. Nadiskobre lang namin dahil sa karanasan ng isang mikaniko na napagpalit niya ang linya at ganun ang nangyari.
      Noong nagpalit ako ng power steering pump ay lalong lumabas ang langis dahil sa puersa na hindi tama ang pupuntahan.

  • @allandelaroca9075
    @allandelaroca9075 Před 8 měsíci

    Dati ok naman tapos ngayon nasuka jan sa tank then medyo natigas manibela

  • @KylineNadanga
    @KylineNadanga Před 2 měsíci

    Boss Saan address niyo boss paycheck ko powers tearing Ng sasakyan ko na asembol

  • @CarenjoyMendez
    @CarenjoyMendez Před měsícem

    Idol ano # mo tawag ako Ganyan din sasakyan ko

    • @ToyotaLand4d56
      @ToyotaLand4d56  Před měsícem

      Mahirap signal sa location ko. Kung ngayon lang nagkaganyan ang iyong sasakyan peru matagal mong gamit baka barado na ang kanyang steering gearbox.
      Kung pinaayos mo saka nagkaganyan ibig sabihin may mali sa paglalagay.