ANG SULAT NI JUDAS

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 13. 09. 2024
  • #AngSalitaNgDios
    #ASND
    #Judas
    MGA HUWAD AT SINUNGALING NA GURO
    Mga minamahal, gustong-gusto ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, pero naisip ko na mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang manindigan sa mga aral ng ating pananampalataya. Ang mga aral na ito ay ipinagkatiwala ng Dios sa mga pinabanal1:3 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. niya, at hindi dapat baguhin.
    Sumulat ako sa inyo dahil hindi ninyo namalayan na napasok kayo ng ilang mga tao na pinipilit baguhin ang mga aral tungkol sa biyaya ng Dios upang makagawa ng kalaswaan. Tinalikuran nila ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagmamay-ari ng ating buhay. Silaʼy mga taong walang Dios na noon pa man ay nakatakda nang parusahan ayon sa Kasulatan.
    Kahit alam nʼyo na, gusto ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Egipto, sa bandang huli ay pinatay niya ang ilan sa kanila dahil hindi sila sumampalataya sa kanya.
    Alalahanin nʼyo rin ang mga anghel na hindi nanatili sa dati nilang kalagayan kundi iniwan ang kanilang lugar. Ginapos ng Dios ang mga iyon ng mga kadenang hindi mapuputol, at ikinulong sa napakadilim na lugar hanggang sa araw na hahatulan sila. At alalahanin nʼyo rin ang nangyari sa Sodom at Gomora at sa mga kalapit na bayan nila. Katulad ng mga anghel na iyon, gumawa sila ng lahat ng uri ng kalaswaan, pati na ng kahalayan sa hindi nila kauri. Pinarusahan sila sa walang hanggang apoy bilang babala sa lahat.
    Ganyan din ang mga taong nakapasok sa inyo nang hindi ninyo namalayan. May mga pangitain sila na nag-uudyok sa kanila na gumawa ng kahalayan sa sarili nilang katawan. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa kapangyarihan ng Panginoon, at nilalait nila ang mga makapangyarihang nilalang.
    Kahit na si Micael na pinuno ng mga anghel ay hindi nanlait ng ganoon. Sapagkat nang makipagtalo siya sa diyablo kung sino sa kanila ang kukuha ng bangkay ni Moises, hindi siya nangahas umakusa nang may panlalait. Sa halip, sinabi lang niya, “Sawayin ka ng Panginoon!” Pero ang mga taong itoʼy nanlalait sa mga bagay na hindi nila naiintindihan. Tulad ng mga hayop na hindi iniisip ang kanilang ginagawa, wala silang ibang sinusunod kundi ang likas na damdamin nila na siyang nagdadala sa kanila sa kapahamakan.
    Nakakaawa ang sasapitin ng mga taong ito dahil sinunod nila ang ginawa ni Cain. Tinularan din nila si Balaam, dahil kahit alam nilang mali ang ginagawa nila, patuloy pa rin nila itong ginagawa dahil nasilaw sila sa salapi. At tulad din ni Kora, naghihimagsik sila laban sa Dios, kaya sila ay parurusahan ding tulad niya. Ang mga taong itoʼy nakakasira1:12 nakakasira: o, nakakadungis. sa pagsasalo-salo ninyo bilang magkakapatid sa Panginoon. Ang tanging habol nila ay kumain at uminom, at hindi sila nahihiya sa ginagawa nila. Wala silang iniisip kundi ang kanilang sarili.
    Para silang mga ulap na tinatangay ng hangin pero wala namang dalang ulan. Para rin silang mga punongkahoy na walang bunga sa kapanahunan nito, binunot pati ang ugat at talagang patay na. At kung paanong nakikita ang bula ng malalakas na alon sa dagat, nakikita rin ang mga gawa nilang kahiya-hiya. Para rin silang mga ligaw na bituin. Itinakda sila ng Dios para sa napakadilim na lugar, at mananatili sila roon magpakailanman.
    MGA GAWA
    • Video
    TAGA-ROMA
    • Video
    1 CORINTO • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 CORINTO / rcazapamqd7c8
    TAGA-GALACIA
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-EFESO
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-FILIPOS
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    TAGA-COLOSAS
    • ANG SULAT NI PABLO SA ...
    1 TESALONICA
    • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 TESALONICA
    • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    1 TIMOTEO • ANG UNANG SULAT NI PAB...
    2 TIMOTEO • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    KAY TITO
    • ANG SULAT NI PABLO KAY...
    KAY FILEMON
    • ANG SULAT NI PABLO KAY...
    MGA HEBREO
    • ANG SULAT SA MGA HEBREO
    SANTIAGO
    • ANG SULAT NI SANTIAGO
    1 PEDRO • ANG UNANG SULAT NI PEDRO
    2 PEDRO • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    1 JUAN • ANG UNANG SULAT NI JUAN
    2 JUAN • ANG IKALAWANG SULAT NI...
    3 JUAN • ANG IKATLONG SULAT NI ...
    JUDAS • ANG SULAT NI JUDAS
    PAHAYAG • AKLAT NG PAHAYAG

Komentáře • 17

  • @CHet425
    @CHet425 Před 6 měsíci

    Purihin ang ating Panginoong Hesus,ang Diyos ng lahat at makapangyarihan sa lahat.
    Godbless us all,
    To God Be The Glory

  • @rhose901
    @rhose901 Před 6 měsíci

    Amen🙏🏻🙏🏻🙏🏻po Lord Jesus 💗💗💗 Mapalad ang bumabasa at nakikinig.. Maraming salamat sayo kapatid sa iyong pagbahagi ng mga Salita ng Diyos🎚️

  • @juyhengbadique8455
    @juyhengbadique8455 Před 7 měsíci

    Amen

  • @Jhuls84
    @Jhuls84 Před 3 měsíci

    Glory be to God🙏🙏🙏

  • @nolascoconcepcion2785
    @nolascoconcepcion2785 Před 8 měsíci

    MCGI Cla Bro USA SSDios 🙏❤️ PAGIBIG ❤️

  • @gracebellesernal5945
    @gracebellesernal5945 Před rokem

    Amen🙏🙏🙏

  • @ExodusLevitecos
    @ExodusLevitecos Před měsícem

    Name: ma.vilma ALEJO CHUA
    - Reyna Ng kahalayan
    " Mga hari niya" year 2017-2020
    1, name: arby culbengan Molina
    - hari Ng pagtatalik at Sakim sa pera.
    2, name: Marvin banawa
    - hari Ng pagtatalik at manglilipot.
    Sila ang kahalintud ni judas na dapat hatulan at parusahan.

  • @christinapanes2361
    @christinapanes2361 Před 10 měsíci

    Dalawa po ang judas sa bible

  • @eugeneconteveroslibrado227

    Sakit naman isipin na ganto ang sulat ni Judas tapos sya pa ang nag traydor. Nang yari din kasi yon upang matupad ang kauutusan ng Ama

    • @jerichomontes
      @jerichomontes Před 2 lety +3

      Ang sumulat po ng aklat ng Judas ay hindi po si Judas Iscariot na nagkanulo sa Panginoong Hesu-Kristo kundi si Jude na half-brother ni Jesus. Magkaibang tao po sila.
      Suggest ko na rin po ang video na ito: czcams.com/video/uZdv-TtiMkg/video.html

    • @user-jw8jg3tt9p
      @user-jw8jg3tt9p Před 11 měsíci +2

      @@jerichomontes opo Si Judas Tadeo po cya hindi po cya si Judas Iscariot

    • @rolandocuizon1065
      @rolandocuizon1065 Před 3 měsíci

      Hindi yan c Judas Iscariote na ang nag traydor ng ating Panginoong Hesukristo

  • @chleyrepekitpekit9375
    @chleyrepekitpekit9375 Před 2 lety

    Si Judas Hindi nya rin alam na darating ang oras na magtataksil sya sa kanilang maestro na si panginoong Jesuskristo, at ang nangyayari ay programa na ng Dios Ama ayun sa kanyang kalooban. Kaya lang sa nangyari hindi nag sisisi at humingi ng tawad at taos pusong kapatawaran sa Dios, bagkos sya ay nagpatiwakal at iyon ang pinakamalaki nyang kasal-anan, sabi ng Dios lahat ng nagkakasala ay may kapatawaran kung ito ay taos pusong mag sisisi at humingi ng tawad sa Dios sa halip na kitilin ang kanyang sariling buhay.

  • @elizabethtaco7582
    @elizabethtaco7582 Před rokem

    Ito ba ung Judas na nagkanulo sa Panginoong Jesus?

    • @ReadScripture
      @ReadScripture  Před rokem +2

      Dalawa po judas sa 12 disciples isang judas iscariote na nag kanulo at isang JuDAS na kapatid ni Santiago. Na tinatawag din na Tadeus.
      Mateo chapter 10 please read na lang po.
      Salamat po sa pag bisita sa channel natin.
      God bless you 🙏 ❤

  • @Jportin
    @Jportin Před 5 měsíci

    ibang judas iscariot ba ito? kasi ito yung isang version ng sulat ni judas iscariot..
    czcams.com/video/51wL69uHY84/video.html

  • @jacobrosal9444
    @jacobrosal9444 Před rokem

    Amen